NAGHIHINTAY nga sa lobby ang berdeng si Evan. Naka-three piece grey business suit siya, jacket, pants and vest. Bagong ahit at kung may babae lamang dito sa SHH, siguradong mapapalatak sa hitsura niya. Bakit ba hindi ko nagustuhan noon si Evan? Sobrang guwapo rin naman niya. Mayaman pa. Nagulat ako nang i-extend niya ang kamay. "Mr. Morales..." Nagsalubong ang kilay ko sa pagbati niya. "I'm here to offer my proposal." Tumingin siya sa likuran ko. Paglingon ko ay nagmamasid pala ang lalaki sa reception. Tumikhim muna ako at saka ko kinuha ang kamay niya. "Mr. Evan Green." At tinitigan ko siya. Makahulugan ang kanyang iginanting ngisi. "Shall we?" Aniyang iginiya ang palabas ng building. Sinakyan ko na lang ang trip niyang napakapormal. "Sir Moon, magtatagal po ba kayo?" Si Manong Leroy

