"JASPER! Who is this woman?" Pasigaw na tanong ni Yvonne. "I thought I AM your partner!" Sinubukan kong tumayo ng tuwid. Pero napasinghap ako dahil mas humigpit ang pagkakahawak sa akin. Nakagat ko ang labi ko. Dahil damang-dama ko ngayon ang init ni Jasper. Nahagip ng kamay ko ang palad ni Evan. "She's mine, pare." Walang ngiting pahayag ni Evan na kay Jasper nakatutok. Pilit akong kinukuha. "No, she's mine now Green. Can't you see I'm holding her tighter than yours?" Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Pinanonood na kami ng lahat. Pati ni Don Diego na hindi ko mahulaan ang nasasaisip. Dudugo na siguro ang labi ko kakakagat dahil sa nerbiyos ko! Sarkastikong tumawa si Evan. "Are you kidding me, pare? Ngayon mo lang nakilala si Venus. Don't you dare use her like your other women

