"FOUR weeks? Ano namang gagawin natin doon ng apat na linggo? Dalawa lang tayo? Parang mag-asawa? Parang live-in?" Napalunok ako dahil nakatutok ang mga mata niya sa akin. Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Unti-unting binahiran ng ngiti. Maya-maya ay lumapad ang ngiting iyon. At bumuka ang bibig niya saka natampal ang noo at malakas na tumawa. Para siyang nababaliw. "Oo, Moon..." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko na namumula na ngayon. "Tayong dalawa lang. Ikaw at ako sa iisang bubong sa loob ng four weeks." Kinagat niya ang kanyang labi na parang nanggigigil at saka ginulo ang buhok ko. "Kahit kailan, you never fail to make me laugh." Kinuha niya ang bag ko. "Let's go!" Tumalikod na siya at dinig na dinig ko pa ang tawa niya. Pinaglalaruan ba niya ako? Ano ba ang sin

