HUMAGALPAK ng tawa si Jasper. Nakita kong tinanggal ni Tatay Baron ang salakot niya at saka nagkamot ng ulo. "Eto? Kasintahan ko?" Napanguso ako ng maasim nang ituro ako ni Jasper sa pamamagitan ng hinlalaki niya. Hindi mawala pati ang pagtawa ng mga mata niya. "Lalaki siya, Tatay Baron. Lalaking-lalaki iyan! Dami ngang chicks niyan, eh!" Siniko pa niya ako sa braso ko. "Ha? Ganoon ba?" Lalong nangamot ng ulo si Tatay Baron. Nahihiya siyang ngumiti sa akin. "Akala ko ay babae ka. Ipagpaumanhin mo, Sir Moon." Napalunok ako bago nagsalita. "Moon na lang po, Tatay Baron." Napakunot ang noo at napatingin si Tatay kay Jasper na nakatawa pa rin. "O ano, Tatay? Ang lalim ng boses niya, 'di ba?" Kumpiyansang winika ni Jasper kay Tatay na bahagyang napangiti. Umiba ako ng direksiyon ng tingin

