ANG lakas yata ng radar ni Tatay Baron. May lahi kaya siyang K9? Kakaiba ang pang-amoy niya, eh. Kung may dala lang akong drugs, malamang kanina pa siya nakaupo sa harap ko! Ang laki ng kuwarto ni Jasper! Parang kasya rito ang lahat ng kakilala ko. Inilapag ko ang bagahe niya sa carpeted na sahig. Isang kama, mga aklat, may blu-ray at mga discs, mga anime characters na isang dangkal ko ang sukat. Lahat nakahilera ng maayos at masinsin. Si Tatay kaya ang nag-aayos lahat nito? May sliding glass na kita ang tanawin sa labas. Sakto ang ganda ng asul na swimming pool at mga bushes na fully trimmed. Bilib na 'ko kay Tatay. Talagang na-me-maintain niya ang ayos at linis ng paligid. Tinungo ko ang ikatlong kuwarto. At wow! Malaki rin. Pero mas simple ang hitsura nito. Inilagay ko ang dala kong b

