ITINAAS niya ang kanyang kamay at inihagod sa basang buhok. Nakagat ko ang labi ko nang ipilig niya ang ulo at nagtalsikan ang mga tubig sa tabi. Nasaid ko ang isang baso ng lime juice nang may sumilay na ngiti sa kanyang labi. Para akong nakakita ng artistang pinagkakaguluhan ng mga fans. Dahil pag-ahon ni Jasper mula sa tubig ay panay na ang kaway ng mga kababaihan sa kanya. May mga halos himatayin pa at kulang na lang ay gapangin nilang lahat siya. "Hoy! Bakla ka ba?" Nagulat ako nang isang babae ang lumitaw sa harap ng balintataw ko. May sipsip siyang straw mula sa hawak na baso ng juice na may palamuting maliit na payong. Hindi ko siya pinansin at muling nagpasalin sa bartender ng lime juice sa baso. Naramdaman kong tumabi ang naka-one piece swim suit na babae sa akin. "Bakla ka 'n

