"ANO'NG sinasabi mo?" Pinagpapawisan ako ng malamig sa hindi ko maintindihan na dahilan. Inginuso niya si Janessa na hanggang ngayon ay galit na nakatutok ang mga mata sa akin. "Sino siya? Ha?" Mas inilapit pa niya ang bibig sa tainga ko. Heto na naman ang unti-unting pagbilis ng t***k sa dibdib ko. "Si Janessa?" wala sa loob na tanong ko. "Uhh, Janessa huh!" Nakangisi siya, may halong panunudyo ang mga mata. Bumitiw ako mula sa bisig ni Jasper. Hindi pa rin normal ang paghinga ko. "She's cute." Hayan na naman ang nakakatuksong mga tingin niya pagdating sa mga babae. Iyan ang napansin ko kay Jasper simula nang makilala ko siya. Kapag may natitipuhan siyang babae, titig na titig siya na para bang ikaw lang ang nakikita niya. Na para bang walang ibang importante sa kanya. "Type mo? Sa ‘y

