MABILIS akong bumangon kahit nanghihina pa ang katawan ko para i-lock ang pinto. Mag-isa lamang ako sa kuwartong ito. Private room pa talaga ang kinuha para sa akin. Dumadami na talaga ang utang namin sa mga San Huwes. Kinuha ko ang mga damit sa bag at nagmamadaling nagpalit. Napansin kong hindi na ito ang mga damit na ginamit ko nang mahulog kami sa kabayo. Pero ang nagustuhan ko, panlalaki ang mga damit na ito at... nandito ang body girdle ko. Mukhang hindi naman pala ako ilalaglag ni Gideon. At ni Miss nurse. Tinanggal ko ang benda sa ulo at braso ko. Bukod pala sa benda, may nakadikit pang duguang plaster sa kanang bahagi ng ulo ko kaya hinayaan ko na lamang muna iyon. Lamog, nangingitim at may mga hiwa sa kanang braso ko na may kulay ng mga gamot. Nang masiguro ko sa banyo na maay

