BAKIT ba nagkakaganito si Jasper? Maayos naman kami kanina. Bakit pinagdidiinan niya ang pagyakap sa akin ni Reggy? Nagsisisi tuloy ako kung bakit pumayag pa ako sa gusto ng nurse na iyon! "Let's go. Hinihintay na tayo ni Don Diego!" Tinalikuran ako ni Jasper. "Teka sandali, hindi pa magaling ang sugat mo." Sinabayan ko siya habang paika-ika pa rin ang kanyang paglakad. "Kailangan na ba talaga nating lumabas ng ospital?" Hindi niya ako sinagot. "Hoy!" mahina kong tawag sa kanya. "Akala ko ba, magiging tapat tayo sa isa't-isa? Sabi mo, ituturing mo akong parang kapatid mo—" Natigilan ako nang mabilis siyang bumalik patungo sa puwesto ko. "Oo, Moon! Kapatid! PARANG KAPATID!" Napakariing binigkas niya ang mga huling salita. Napasinghap ako nang halos magdikit na ang aming mga mukha. Umaa

