"Y-YOU have saliva. Wipe it!" Napaangat ako mula sa kinasasandalan ko. Nakatulog na pala ako. Pinunasan ko ng mga daliri ang aking magkabilang pisngi. "Wala naman, ah!" reklamo ko. Natigilan ako nang hindi kumibo si Jasper. Nakatalikod siya sa akin. At hindi ko alam kung saan siya nakatingin. Noon ko lamang naisip na gising na pala siya. Gumapang ako para mapaharap sa kanya. Tinitigan ko ang mukha niya dahil sobrang namumula. Kinabahan ako na baka may lagnat pa rin siya. Para pa rin siyang may sakit. Tila tulala, walang kurap ang mga mata at bahagyang nakabuka ang bibig. Awtomatikong umangat ang kamay ko para salatin ang noo niya. Napasandig siya sa puno. "Wala ka nang lagnat." Napangiti ako at nakahinga ng maluwag. Hawak ko pa rin ang kanyang noo, para pa rin siyang nasa state of sho

