NAGMULAT ako ng aking mga mata. Maputi ang kisame at pati na rin ang dingding. Inikot ko ang ulo ko at napansin ang nakasabit na dextrose. Binagtas ko ng tingin ang dugtungan ng tubo at iyon ay deretso sa aking kamay. Napapikit akong muli. Inalala kung ano ang nangyari. Kung bakit nasa ganito akong lugar. Kung bakit nasa ganito akong kalagayan. Napabalikwas ako. At napa-aray sa sakit na naramdaman ko. Hinawakan ko ang ulo ko sa pamamagitan ng isang kamay na walang nakakabit na tubo. Nakapa ko ang benda. Lintik! Nawalan ako ng malay kanina. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang nangyari sa akin. Pero naisip ko, nailigtas din pala kami. Sinipat ko ang aking sarili. Nakasuot ako ng puting-puting damit. Nasa ospital ako at inilalarawan ko sa aking isip kung paano ako nakarating dito. Nahawakan

