Chapter 1

1294 Words
"WOW, Moon! Ikaw na naman pala ang nanalo! Balato naman d'yan." Si Mang Ambo na kapitbahay namin at tambay sa may kanto. Nasalubong niya akong may hawak na trophy. At siguradong naaamoy niya ang Central Bank sa katawan ko. "Mang Ambo, magdamit ka naman. Nasisilaw ako sa ganda ng katawan mo, eh." Inuuto ko lang po siya. Ang totoo, tumaba na si Mang Ambo dahil sa kakatambay at kakahintay ng grasya. "Sinasabi ko na nga ba't may lihim kang pagnanasa sa akin. Gusto mo bang ikaw na ipalit ko sa asawa ko?" tanong ng bastos niyang bibig. Napalunok ako nang nilabas niya ang dila niya sabay tingin sa nakalitaw na hita ko. "Mang Ambo nandiyan po tatay ko. Gusto n’yong bisitahin muna?" balik kong panakot sa kanya. Tingnan ko kung ano ang magiging reaksiyon niya. Huh! Hindi siya makatingin ng diretso ngayon. "Uh... Kailan pa dumating ang tatay mo? Hindi na ba siya nagtatrabaho kay Don Diego?" Kitang-kita ko kung paano siya biglang nataranta sa harap ko. "Nagtatrabaho pa rin siya sa mansyon. Pero may sisingilin daw siyang tao kaya bumalik muna." Pagkasabi ko no'n ay agad niya akong tinalikuran na parang walang narinig. Hay, Mang Ambo talaga! Hanggang ngayon takot pa rin sa tatay ko. Eh, paano naman kasi, sandamukal na ang utang niya hindi naman nagbabayad. Napailing ako at nagpatuloy na naglakad pauwi. "Oy Moon, doblekara ka na naman, ah. Saan ka rumaket ngayon?" Humikab ang kapitbahay naming si Hilda na puyat na naman. Syempre, panggabi ang propesyon niya. Sexpert siya sa lahat ng posisyon. Bilib nga ako at hindi siya nabubuntis. "Diyan lang sa tabi-tabi!" sagot ko. Magulo ang buhok ni Hilda, maputi at maganda siya. Habulin ng mga lalaki, lalo na kapag libre. "Ganda ng outfit mo! Kanino mo pinagawa iyan?" Mabilis niya akong nilapitan at hinila pa ang laylayan ng paldang suot ko. "Lalaki at babae. Paano mo napag-iiba ang boses mo, ha?" Nakapamaywang niyang tanong. Napanood na kasi niya akong minsan sa isang piyesta, nang sumali ako at syempre, ako ang nanalo. "Madali lang naman. Practice, practice lang 'pag may time." Kinindatan ko siya gamit ang kalahati ng katawan ko na nakasuot ng panlalaki. Pati boses ko ay binabaan ko. "Hay grabe, kinilabutan naman ako! Sa'n baul mo ba nakukuha ang boses lalaking iyan? Grabe talent mo. 'Kaw na naman nanalo, 'no?" Inagaw niya ang trophy na hawak ko. "Pssh 'di ka naman magkakakwarta sa pekeng trophy na 'to! Pinagawa lang ito sa Recto, eh." Alam ko naman iyon. Pero makakatulong din naman ang konting cash prize. Isa pa, alam kong dugo't pawis ko nanggaling. Inagaw ko pabalik sa akin ang munting tropeo na muntik pang mahulog. "Matulog ka na nga, Hilda!" Tinulak ko siya ng bahagya. "Saka na tayo mag-usap kapag hindi ka na puyat!" Kailan ba siya hindi naging puyat? "Bakit kasi 'di ka na lang sumama sa akin? Siguradong bebenta ka kaagad, Moon!" aniyang itinaas ng bahagya ang palda ko. Binugaw ko siya at luminga-linga sa paligid. Mabuti at nagsisiyesta pa ang marami kaya iilan lang ang tao sa iskinita namin. "Ano ka ba? Para sa mga sexy lang iyan!" Akmang tatalikod na ako nang hilahin niya ang braso ko. "Moon, sexy ka. Maganda, maputi, talented at higit sa lahat, donselya! Iyan ang hinahanap sa club kaya mag-isip ka!" Binatukan ko si Hilda. Iyon bang batok na mahihilo siya. Ganyan ako sa kanya kapag sinisimulan niya akong asarin sa topic na iyan. Ang kulit, eh. "UM!!! May padonse-donselya ka pang nalalaman diyan. Kung nakinig ka sa akin noon, 'di ka sana pokpok ngayon! Ang tamad mo kasing mag-aral at puro lalaki ang inaatupag mo!" Magkaklase kami ni Hilda hanggang grade 10. Tapos lumandi na siya. Ganoon lang naman. "Aray! Masakit iyon, ha." Bago pa niya ako mahuli at magantihan ay nagtatakbo na ako pauwi. Papayag naman ako na gantihan niya, huwag lang ngayong puyat siya. Masamang magalit si Hilda kapag kulang sa tulog, eh. Pagbukas ng pinto ay agad kong nabungaran ang babaeng isinawsaw sa pintura. Naghahasa siya ng kanyang mga kuko. Napatingin siya sa akin pagpasok ko. "Ano? Magkano?" tanong niya. Napansin na niya agad ang trophy na hawak ko kaya alam na niyang may dala akong pera. Kung sana marunong din mag-sideline ang isang ito, eh, 'di sana hindi kami kinakapos. Two months na kaming hindi nakakabayad ng kuryente. "Tatlo lang," pagsisinungaling ko. Siyempre kupit ko iyong kalahati. Kapag nalaman niya kung magkano ang napanalunan kong pera ay siguradong idadaldal niya agad kay itay. Speaker si Georgia ng bahay na ito. "Ba't ang liit? Saan ka ba sumali?" kunot-noong tanong ng stepsister kong si Georgia. "Sa may palengke lang. Donation nga lang ang pinanggalingan ng premyo, tss." Kunwari lang ulit dahil sa totoo lang, may nag-sponsor na nagbigay ng anim na libo para sa mananalo. Isa-isa kong tinanggal ang costume kong suot. Kahit mainit at nagmumukha na akong tanga sa mga isinusuot ko kapag sumasali sa mga amateur talent contest ay nagtitiyaga ako. Isa pa, enjoy naman ako. "Kumain ka na ba?" Uy! Concern ang ate? Tuloy pa rin siya sa pagmamasilya ng kuko niya. "Hindi pa nga, eh." Pagod akong umupo sa de-kahoy na silya sa loob ng aming munting sala. "Magluto ka na! Wala pa ang nanay mo! Buwisit kanina ko pa hinihintay. Hindi man lang nagluto bago umalis. Punyet*!" Padabog siyang tumayo. Pambihira! Akala ko pa naman ay concern siya. Kahit kailan talaga itong si Georgia ay kontra bulate sa buhay ko. Mabuti sana kung mayaman kami, puwede siyang magmatapobre. Kaso, isang kahig isang tuka lang naman kami pero nag-e-effort siyang magsosyal at magtaray. Mabilis siyang pumasok ng kwarto namin. Bago pa niya naisara ang pinto ay nagawa pa niyang sumigaw. "Hoy Moon! Ibigay mo sa akin ang isang libo ng pera mo, ha. May lakad kami ng mga friends ko. At dalian mong magluto!" Ayun eh. Buti na lang tatlo lang sinabi ko at hindi anim. Or else mas malaki ang gusto niyang balato. "Hindi puwede! Pambayad 'to ng kuryente!" sigaw ko rin kahit nakasara na ang pinto. Narinig kong may ibinalibag siya dahil sa lakas ng tunog. Bruhilda de cacao talaga! Umiiling akong tumayo para mag-saing. Habang nakasalang ang bigas ay isa-isa kong tinanggal ang mga natitira pang damit sa katawan ko, hanggang manipis na sando at shorts na lang ang natira. Ganito ako nasanay sa loob ng aming mainit na bahay. Kung babalutin ko ang katawan ko, siguradong para na akong pinakuluang sinaing sa loob ng maghapon. Saan naman kaya nagpunta si inay? Dati-rati ay nag-iiwan iyon ng pagkain bago umalis. Saka nagte-text iyon sa akin kahit isa o dalawang mensahe lang para sabihin kung nasaan siya. Bigla tuloy akong kinabahan. Dali-dali akong nagluto ng ulam. Iyong pinakamadaling lutuin. Adobo. Kalagitnaan ng pagluluto ko nang may padarag na pumasok ng pintuan. Si itay na pasalampak na umupo sa mahabang silya. Umaalon ang dibdib niya at alam kong mainit ang ulo. Linggohan lang kung umuwi si itay. Huwebes pa lang ngayon kaya nakakapagtaka na narito siya. Masama siyang tumitig sa akin nang salubungin ko siya para magmano. Hindi ko pa man nahahawakan ang kamay niya ay binugaw na niya agad. "Magbihis ka! Sasama ka sa akin ngayon!" Mataas ang boses niya. Saan naman kaya kami pupunta? Maggagabi na, ah. "P-Po? Saan po?" Atubili akong nagtanong. "Saan pa? Kundi sa bahay ni Don Diego!" Nakita kong kumuyom ang kamao ni itay. Napalunok ako. "M-May nangyari po ba?" Napagsalikop ko ang aking mga kamay. "Marami ang nangyari at iyan ay dahil sa kagagawan ng nanay mo! Kung hindi niya ako iniwan, hindi magkakanda-letse-letse ang trabaho ko!" Magtatanong pa sana ako nang lumabas mula sa kwarto si Georgia. "Itay, ano'ng nangyayari? Bakit nandito ka?" "Put*ngina ang nanay nitong kapatid mo!" Napatiim-bagang ako sa tinuran ni itay. "Hindi ko kapatid iyan, 'no!" Mataray na humalukipkip si Georgia. "Tinawagan ako kanina habang nasa harap ako ni Don Diego. Iiwan na raw niya tayo at magpapakalayo-layo na. T*nginang babae iyan sana hindi na lang siya ang ibinahay ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD