Chapter 2

1165 Words
TILA may kung anong humarang sa lalamunan ko. Ano ang ibig sabihin ni Itay? Anong magpapakalayo-layo na? Ano ang mga sinasabi niya? "Sumama siguro sa ibang lalaki! Malandi naman talaga si Tita Rosal, 'no!" Sobrang tabil ang dila ni Georgia at gusto kong ibuhol sa ilong niya. "I-Itay, ano po ba talaga ang nangyari?" Gusto ko pa rin magpakahinahon. Kung sasabayan ko ang init ng ulo ni itay ay siguradong mas wala akong maiintindihan. "Umalis na ang nanay mo, Moon! Hindi na siya babalik." Aburido si itay. Alam kong masamang-masama ang loob niya ngayon. "Tinawagan niya ako kanina at sa sobrang galit ko ay nahampas ko ang mamahaling paso sa loob ng mansyon. Kitang-kita ni Don Diego at kulang na lang ay ipahabol ako sa mga aso niya!" "S-Saan naman daw po siya pupunta?" Nag-aalala ang boses ko. "Gaga ka, hindi mo alam? Sa ibang lalaki nga!" sabad ni Georgia at sumandal sa dingding. "Tumigil ka, Georgia! Gusto mong sa iyo ko ibuhos ang galit ko sa babaeng iyon?" Napadiretso ng tayo si Georgia at tila umurong ang matalas na dila nang marinig niya ang sinabi ni itay. "Moon, kasalanan ng nanay mo kaya nagkaroon ako ng malaking utang kay Don Diego. Sasama ka sa akin at simula ngayon ay magsisilbi ka na sa mansyon!" Napalunok ako sa narinig ko. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa ibinalita niyang iniwan na kami ni inay, tapos ay dadagdagan pa niya ng panibagong masamang balita? Kilala sa paggiging matapang si Don Diego. Marami ang takot sa kanya at isa na ako roon. Hawak ni Don Diego ang buong siyudad ng Rigarinda. Marami ang nasasakupan niya at pati kapulisan ay napapasunod niya. "B-Baka naman po puwede pang magawan ng paraan? Magkano po ba ang utang n'yo?" Baka puwedeng ibayad ang anim na libo na napanalunan ko kanina. "Limang milyon, Moon! Iyan ang utang ko kay Don Diego!" Napanganga ako. Maging si Georgia ay nabigla. "ANO? Limang milyon? Paano kayo nagkautang ng ganoon kalaki?" Tanong niya kay itay. "Baon na baon na ako sa utang kay Don Diego. Nadagdagan pa ng pagkakabasag ko ng antik na paso niya. Kaya wala akong ibang naisip kundi ang habang buhay na pagsilbihan siya." "Teka, teka! Kasama ba kami ni Moon na magsisilbi sa Don Diego na iyan habang buhay?" Namaywang si Georgia. Naguguluhan ako. Saang lupalop ng mundo kami makakakuha ng limang milyon? Kahit yata ugod-ugod na ako ay hindi pa rin kami makakabayad ng utang sa mayamang matandang iyon! "Hindi ka puwede, Georgia. Ayaw ni Don Diego sa mga babae. Lahat ng nagsisilbi sa loob ng mansyon ay puro mga lalaki..." Kumabog ang dibdib ko sa isiniwalat ni itay. Ano ang ibig niyang sabihin? Nakita kong makahulugang nagkatinginan ang mag-ama. Saka sabay na tumingin sa akin. "Magpapanggap kang lalaki, Moon. Ikaw lang ang may kakayahang baguhin ang sarili mo..." Bumuka ang bibig ko sa gulat. Ako? Magpapanggap na lalaki sa loob ng mansyon? Pambihirang buhay ito! Akala ko ay maswerte ako dahil mayroon akong talento na baguhin ang boses ko, ang hitsura ko para magamit sa mga paraan na alam ko. Iyon pala ay magiging daan pa ito para masadlak ako sa ikapapahamak ko. "Itay, ayoko po." Desperadang lumabas sa bibig ko. Natatakot ako. Paano kung hindi ko kayanin? Paano na ang plano ko na makapagpatuloy sa pag-aaral? Habang buhay akong magsisilbi kay Don Diego? Tatalikod na sana ako pero mabilis akong nahawakan sa braso ni itay. "Wala kang karapatang umayaw, Moon. Sisihin mo ang nanay mo!" Nanlilisik ang mga mata ni itay. Alam kong hindi ko siya totoong ama. Alam kong sampid lang kami ni inay sa bahay na ito. Pero hindi naman ako aso na ganoon-ganoon na lang na ipamimigay at ipangbabayad utang! "Mula ngayon ay ipagmamaneho mo ang anak ni Don Diego. Ngayong gabi ang dating niya galing Maynila. Kaya magbihis ka na ngayon din dahil sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!" Walang kurap ang mga tingin ni itay sa akin. Sa gilid ng aking mga mata ay nagdiriwang ang mga ngiti ni Georgia. Lintik na babae iyan! Sana siya na lang ang naging lalaki. Pabalya akong binitiwan ni itay. "Bilisan mo! Itago mo iyang sus0 mo at gupitin mo iyang buhok mo! Georgia, tulungan mo si Moon!" Ngising aso akong nilapitan ni Georgia at siya na ang humila sa akin papasok ng kwarto. Pagharap ko sa salamin ay hindi ko halos makilala ang sarili ko. Sobrang nipis ng buhok ko na halos kita na ang anit ko. Gusto kong umiyak habang halos kalbuhin na ako ng bruhildang si Georgia. Sana bumaligtad ang langit at bagsakan siya ng asteroid sa ulo! Makapal na t-shirt na pinatungan pa ng jacket at maluwag na pantalon ang ipinasuot sa akin ni itay. Nagmukha akong mataba sa mga suot ko. Hindi kasi namin alam kung paano itatago ang dibdib ko. "Ano ba naman kasi itong boobs mo? Konti na lang sinlaki na ng melon! Diyan ka mabubuking ni Don Diego!" Narinig ni itay ang sinabi ni Georgia. "Tandaan mo, Moon! Ayaw na ayaw ni Don Diego sa mga babae. At kapag nalaman niyang babae ka, ipalalapa ka niya sa mga aso niya!" Lintik naman talaga! Nininerbiyos na nga ako, tatakutin pa niya ako ng ganito! Magtatakbo kaya ako at ipaubaya ko na lang lahat sa kanila? Ako ang dehado rito, eh. Kaso, paano si inay? Paano kung magbalik siya? Ahhhh.... Puwede bang may kumurot sa akin at sabihing nananaginip lang ako? Bumukas ang napalaking gate na kulay itim. Pawis na pawis na ako hindi lang dahil sa makapal na suot ko kundi dahil na rin sa kaba na kanina pa namamayani sa loob ng dibdib ko. Sinabihan ako ni itay na ipasok ang sasakyan sa loob ng napakalaking garahe. Ako ang pinagmaneho niya sa loob ng isang oras para raw maalala ko kung paano hawakan ang manibela. Napalunok ako hindi dahil sa mga sumalubong na mga armadong lalaki kundi dahil na rin sa napakalawak na bahay na pinasok namin ni itay. Ito ang talagang matatawag na mansyon. Nakatayo kami ni itay ilang hakbang bago tuluyang makapasok ng loob ng mansyon. "Tandaan mo, Moon! Lalaki ka! Naiintindihan mo?" Matigas na bulong ni itay sa tenga ko. Marahan lamang akong tumango. Mula sa mataas na hagdan ay may bumabang matandang lalaki na nakasuot ng makapal na roba. May nakasupalpal na tabako sa bibig at nakangising agad na dumako ang mga tingin sa puwesto namin ni itay. Siya na sigurado si Don Diego. Kasunod ni Don Diego ay isang lalaking tingin ko ay kaedad ko lang. Para siyang anghel na bumababa mula sa langit. Ang amo ng kanyang mukha. May makapal na kilay, mahabang pilikmata, matangos na ilong at nakakabaliw na labi. Napakurap-kurap ako at nagulat na nakatayo na pala sila sa harap namin ni itay. Hindi pa man namin naibubuka ang bibig ay agad nang nagsalita ang anghel, este ang lalaking katabi ni Don Diego. "Hi!" masaya niyang bati. Nagulat ako nang hawakan niyang bigla ang isang kamay ko. "I'm Jasper. You must be Moon? You'll be my personal driver from now on." Napatanga ako. Lalo na nang titigan niya ang mga mata ko na parang sinisino ang tunay kong pagkatao.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD