Chapter 3

2290 Words
ANG higpit ng paghawak niya sa kamay ko. Lalo tuloy akong nanlamig. Pakiramdam ko ay isa akong bilasang isda na handang tadtarin ng itak sa ibabaw ng sangkalan. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni itay. Tumikhim ako at bahagyang yumukod. "Magandang gabi po." Mababang tinig na sabi ko. Mabilis ko ring inagaw ang kamay ko kay Sir Jasper. Wow! Parang pangalan ng isang prinsipe. Napansin kong napangiti si itay dahil sa tunog ng boses ko. Ano? Pang Asia's got talent na ba? "Berting, guwapito pala itong anak mo..." Parang naputol ang aking paghinga nang akbayan ako ni Don Diego. Ganito ba talaga ang matandang ito? Hindi kaya bakla talaga siya kaya ayaw niya sa mga babae at lalaki lang ang gusto niya? Tinapik pa niya ang braso ko. "Uh Don Diego, Sir Jas pasensiya na ginabi na po kami." Yumukod si itay kaya ginaya ko rin. Kaharap ko ngayon si Sir Jas. Nakakakilabot namang sabihin ang pangalan niya kahit sa isip lang. At masyado akong nako-conscious dahil halos wala na akong buhok. Ngayon pa lang namimiss ko na ang mahabang buhok ko. "Wala kang dapat alalahanin, Berting." May tinawag na kasambahay si Don Diego at agad na lumapit sa kanya. "Dong, maghanda ka nga ng makakain..." "N-Naku Don Diego, huwag na po kayong mag-abala. Busog po kami ng anak ko." Putol ni itay. Anong busog? Ni hindi ko nga natikman ‘yong adobong manok! Malamang nilalantakan na ngayon ni bruhilda de cacao ang luto ko. Hindi naman nagpapigil si Don Diego at sumabay pa sa amin ni itay sa mahabang hapag. Nakakalula ang lahat ng gamit sa mansyon na ito. Pati mga kubyertos ay kulay ginto. Puwede kayang isanla ang mga ito? Nagulat na lang ako nang biglang may umakbay sa akin habang nakaupo sa harap ng mesa. "Moon..." Tumingala si Jasper na parang nakakakita ng... "Buwan. Half or full?" Itinagilid niya ang ulo para matingnan ako. "Or maybe..." Kumunot ang noo niya. "That is not your real name? Parang pambabae?" Napasinghap ako na parang nanuyo ang lalamunan. Ngayon pa lang ay nararamdaman ko nang magkakaroon ako ng napakalaking problema. "S-Sir?" Hindi ko alam ang isasagot. Nakahinga lamang ako nang dumiretso si Sir Jas ng upo sa tabi ko. Ang sarap sana ng mga pagkain sa harap ko kaso hindi ko naman malasahan dahil sa sari-saring pakiramdam sa dibdib ko. "Sir Jasper, Moon po ang tawag namin sa kanya!" May diin ang boses at napatingin ako kay itay na nasa tapat ko at tinapunan ako ng masamang titig. Si Don Diego ay nasa tapat ni Sir Jas na kampanteng sumusubo ng pagkain. Naisip ko, mukhang mabait naman ang matandang San Huwes. Bakit niya kami isasabay ni itay sa hapag kung talagang matapobre siya? "Moon, ilan taon ka na?" Masayang tanong ng katabi ko. Para siyang bata kung kumilos. Alam mo iyon, parang palagi siyang playful. "Magtu-twenty na po, Sir." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Hindi ako makanguya dahil tinitigasan ko ang panga ko para lang magboses lalaki. "Bata ka pa pala. Just like what I thought so." Naririnig ko ang mahihinang tunog ng mga gintong kubyertos. Nararamdaman ko rin ang pagmamasid ng Don. "Saan ka natutong mag-drive?" Nagkatinginan kami ni itay. "T-Tinuruan po ako ni itay." Ng totoo kong tatay. Hindi ng kaharap ko ngayon. Nasulyapan ko ang pagtango ni Sir Jas. "Giniginaw ka ba? Bakit ang kapal ng jacket mo?" Natigilan ako. Napatingin ako kay itay. "S-Sir Jas, paborito kasi ni Moon iyan. 'Lam mo na, pangporma." Ang galing gumawa ng kuwento ng tatay ko. "Okay." Mukhang nakumbinsi naman ang mausisang Jasper. "May girlfriend ka na?" "P-Po?!" Umangat ako sa kinauupuan ko dahil sa sumunod na tanong niya. Kaya napatingin ako sa kanya at natitigan ang kumikinang na munting puting bato na nakakabit sa tainga niya. "Naku, torpe ang anak kong iyan, Sir!" Si itay ang sumagot. Puwede kayang siya na lang ang sumagot lahat ng tanong ng Jasper na ito para naman makakain na ako ng maayos? "Torpe pala, huh!" Nakita kong binitiwan niya ang mga hawak na kutsara. "Ako'ng bahala sa ‘yo, Moon. Mula ngayon, mapapasama ka na sa listahan ng mga pabling ng mga San Huwes!" Ano raw? Pabling? Ano iyon? Nang gabing iyon ay nakatulugan ko na ang pag-iisip. Masarap ang tulog ko dahil may privacy ako rito sa loob ng kuwarto. Maliit lang na espasyo, isang single bed na kama, kabinet, lamesa at electric fan na mukhang bago. Puwede na, lalo at may sariling CR. At least kapag nasa loob ako ng silid na ito, hindi ko kailangang magkunwari. Kaya naman, tinanghali ako ng gising kinabukasan. Malalakas na katok ang nagpadilat ng mga mata ko. "Moon, gising na. Lalakad na raw kayo ni Sir Jas!" Boses ni Mang Dong. Medyo suplado ang aura ng matandang katiwala ng mansyon. Siya raw ang mayor sa bahay na ito. "Opo, nar'yan na po!" Muntik ko pang makalimutang ibahin ang boses ko. Mabuti na lang at bagong gising ako kaya garalgal pa ang lumabas sa bibig ko. Nagmamadali akong nagbihis. Puro damit ni itay ang gamit ko. Mabilis akong nakapagpalit. Ngayon ko napagtanto na walang kahirap-hirap akong nakaisip ng maisusuot na damit panlalaki. Dahil kaya sanay na ako? Ito kaya ang purpose kaya natuto akong magbihis lalaki sa mga sinasalihan kong contest? Ano ba? Bakit ko ba iniisip ito? Mabilis akong uminom ng kape at lumunok ng isang buong nilagang itlog. Kapag minamalas ka nga naman, sunod-sunod. Natapilok pa ako patakbo ng garahe dahil naroon na raw si Sir Jas. Sprain ang labas nito. Lintik naman ngayon pa ako naging lampa! Hindi na lang ako nagpahalata na masakit ang kaliwang paa ko. Kung bakit kasi mas malaki ang paa ng mga lalaki sa babae? Sapatos kasi ni itay ang suot ko kaya kanda-tabi-tabingi ang lakad ko! Hayyy!!! "Saan po tayo, Sir?" Pag-upo ko sa driver's seat. Tumitibok-t***k pa ang natapilok na paa ko. Mind conditioning lang katapat nito. Huwag kang sasakit... huwag kang sasakit... Nyemas lalo lang sumasakit eh! "Sa mall tayo. Ibibili kita ng pamporma mo!" aniya habang itinaas ang mga kamay at sumandig ng pahiga sa upuan. Pambihira! Ang mga muscles niya!!! Ano ba iyan? Focus, focus. "Sir Jas marami pa po akong damit..." Medyo nataranta ang boses ko. Baka unang araw ko pa lang mabuking na ako ah. Patay ako kay itay nito. "Just drive. Let's go." Hindi ko alam kung binibiro lang ako ng katabi ko o tototohanin niya ang sinabi niya. Nasa loob kami ng pinakamalapit na mall nang may grupo ng mga kababaihan ang diretsong nakatitig sa amin. O sa kanya? Nanlalaki ang mga mata nila at nakakagat labi pa. Para silang hihimatayin at naghihintay ng sasalo sa kanila. "Jasper San Huwes!" sigaw ng isa sa kanila. Nilingon naman siya ni Sir. At aba talaga naman iba na ang sikat. Lumapit agad sa puwesto namin ang mga babae na may dalang ballpen at papel. Automatic ang galaw ni Sir. Alam na agad ang gagawin. Kinuha agad ang ballpen mula sa isang kinikilig na babae. Wala man lang pumansin sa akin. Kainis, guwapo rin naman ako ah! "Hi there!" Kalanding bati ni Sir! "What's your name?" At ang ngiti! Wagas! "Teresa... ayih..." sabi naman ng isa pang malandi. Nakita kong isinulat ni Sir Jas ang pangalan ng babae sa papel. Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na isinulat niya. Parang umusok bigla ang ilong ko. Ewan ko ba kung bakit? Kumaway pa si Sir sa kanila bago kami tuluyang lumayo. "I love you raw?! Pwe!" Mahinang lumabas sa bibig ko. Iyon ang mga salitang isinulat ni Sir Jasper. "May sinasabi ka ba, Moon?" Parang nakakaloko ang ngisi niya ha. "Uh wala. Wala po Sir..." Pero gusto ko talagang magtanong eh. Bahala na nga! "Lahat ba ng nagpapa-autograph sa ‘yo ganoon ang mga isinusulat mo?" Langya lakas ng loob ko ah. Best friend na kami? "Which one? The…" Itinagilid niya ang mga tingin sa akin. "…I love you?" Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin. Bakit ganito ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga salitang iyon? Thugthug nang thugthug ang puso ko, langya naman! "Uh a-ayun nga Sir. Uh... I love you." Parang kinilabutan ako nang sabihin ko iyon. Bakit ako nagkakaganito? Lintiiiik! Nakita kong natigilan din siya. Gumalaw ang adams apple niya at kunot-noong naglayo ng mga tingin mula sa akin. "Y-Yeah..." Ibinulsa niya ang dalawang kamay. "I love girls, you know. I can't breathe without them." Babaero ka, iyon ang sabihin mo! "Ganoon ba Sir? Buti hindi ka nami-mis-interpret sa mga salitang iyon." Tumigil siya sa paglalakad. Nasa tapat kami ng boutique ng mga panlalaking sapatos. "What do you mean by that?" Lumalim ang titig niya sa akin at biglang naging seryoso. Tinamaan ng lintik ang kalabaw! Ba't ganyan naman siya tumitig? Galit ba siya? O nang-aakit? Kaya ba habulin siya ng mga babae dahil sa mga tingin niyang iyan? "Uh... w-wala naman, Sir. Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ko." Ibinulsa ko rin ang mga kamay ko. Baka lang kasi ganyan talaga ang gawain ng mga lalaki. Namumulsa ng kamay??? "No. You definitely mean something about that." Patay na! Seryoso pa rin siya. Kanina playful pa eh. Anong nangyari? "Kako lang Sir, kung lahat ng babaeng makilala mo ay sinasabihan mo ng ganoon, wala ka nang matitira para sa totoong mamahalin mo." Gulay! Anong sinasabi ko? Ngumisi siya habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko natagalan kaya tumungo agad ako. "Moon, na-inlove ka na ba?" Seryoso pa rin siya. Hano vaah yen! Nababakla na yata ako! "S-Sir, mukhang mamahalin ang mga shoes dito, ah. Dito ba tayo pupunta?" Pag-iiba ko ng usapan. Bumibilis na kasi ang pintig sa dibdib ko. Sabay lakad patungo sa loob ng boutique. Sa gilid ng mga mata ko ay alam kung nakasunod siya sa akin. "Mamili ka na." Narinig ko kaya napalingon akong muli mula sa likod ko. "Ano iyon, Sir?" Tanong ko na napakunot-noo. "Choose whichever you want. My treat." Malapad ang ngiting pahayag niya. Para naman akong biglang nahiya. Totohanan ba talagang ipamimili niya ako? "Naku Sir, huwag na. Puwede pa naman itong sapatos ko..." Kaya pala natapilok ka, arte mo pakipot ka pa! Ano ba, hindi naman ako nagpapakipot. Baka isipin pa niyang nananamantala ako eh kabago-bago ko pa lang na nagtatrabaho sa kanya. Saka ayoko ng panibagong utang. Alalahanin ang limang milyon! "Tara na!" Lalabas na sana ako nang mahagip niya ang braso ko. Bakit para akong nakuryente? Tinamaan ng lintik! "I said, choose! Do you understand that?" Galit ba siya? Suplado rin pala ito kapag hindi pinagbibigyan. "Uh Sir, kasi..." Hinila niya ako papasok at inihagis sa harap ko ang isang pares ng sports shoes. Wow! Nike! Nasalo ko agad iyon. "Kasya sa ‘yo iyan. Isukat mo na," aniyang tumalikod at naglakad kung saan. May bakanteng upuan sa gilid kaya sumunod na lang ako. Sorry maluwag! Sayang ganda pa naman ng kulay. Combination ng white at blue. "O eto pa!" Isang kahon ang inilapag niya sa tabi ko. Leather shoes? "S-Sir okay na ang rubber..." Tumalikod na naman siya. Tsk. Di rin siya makulit 'no. Pagbalik niya ay may kausap na siyang isang magandang babae. Na namumungay ang mga tingin sa kanya. Saleslady, kasi may tatak ng pangalan ng store ang damit niya. "Ako na'ng bahala Jasper." Malambing na wika ng babae. Bakit ba ang hihinhin ng mga babaeng nakikita ko ngayon? "Hoy, ano'ng size ng paa mo?!" Bahagya akong napaatras. Ganoon!? Kanina para siyang Maria Clara kay Sir Jas, sa kin para na siyang nagtitinda sa palengke! Hoy talaga?! "Six yata," sabi ko na lang. Bago pa ako mainis sa kanya. "Eh six na iyang hawak mo! Patingin ka!" Nakakagigil 'tong babaeng ito ha. Nanonood lang si Sir sa amin. Parang comedy movie ba? Tiningnan niya ang paa kong may suot na medyas. Saka tumalikod at mabilis ding bumalik. "Ayan! Sukat mo. Pang-teens iyan!" Nakita kong napalingon sa amin si Sir Jas at bahagyang nakangiti. Para tuloy akong napahiya. Pambata lang yata ang sukat ng paa ko. At sakto nga. Kasyang-kasya. Kaya ngayon ay may bitbit akong dalawang sapatos. Isang de-goma at isang balat. Ikaw na magkaroon ng galanteng amo. Pero teka lang, parang may mali... "Sir, idadagdag mo ba ang mga ito sa utang namin?" Deretso kong tanong. "Regalo iyan, Moon. Ayoko ng may kasamang mukhang probinsyano at... torpe!" wika niya at isa na namang tindahan ang pinasok. Ako ba ang tinutukoy niyang torpe? Napanguso tuloy ako. Binilhan pa ako ni Sir ng mga damit. Pero iyong medyo malalaki at makakapal ang pinili ko. Mahirap na baka may makahalata. Masakit na ang paa ko lalo na iyong natapilok kanina pero full energy pa itong si Sir. Ginugutom na rin nga ako. Wala man lang ba kaming miryenda? At parang nagdilang anghel ako dahil pumasok kami sa isang restaurant. Iginiya kami ng isang waitress sa mesa at bago pa kami makaupo ay isang sopistikadang babae ang agad nahagip ng mga mata ko. Kulay pulang bestidang nakalabas ang hati sa dibdib. Maikli na halos kita na ang mga nakatagong maseselang parte ng katawan. Nakataas ang buhok at may malalaking hikaw. Mataas ang takong ng kulay pula ring sapatos. Naisip ko tuloy si Hilda. Kung si Hilda ang magsusuot ng mga damit na iyan, magmumukha pa ring pokpok. Pero ang babaeng ito, para siyang Diyosang bumaba sa lupa. Kahit anong damit yata ay bagay sa kanya. Makinis ang balat, maputi at matangkad. Bumagay sa kanya ang tsinitang mga mata. Matangos ang ilong at nakakaselos ang kurba ng katawan niya. Lintik! Nasaan ako nang magbuhos ng kagandahan ang langit? Sinalo na yata niyang lahat! Ngumiti siya pagkakita kay Sir Jas. Okay... magkakilala sila. Sabagay walang hindi makakakilala kay Sir. Bukod sa isa siyang San Huwes, malakas pa talaga ang appeal lalo na sa mga babae. Parang pati nga ako ay tinatamaan na. Huh! Anong sinabi ko? Bago ko pa nasagot ang sarili kong tanong ay agad na akong natulala. Dahil hinalikan ng magandang babaeng iyon si Sir Jasper. At hindi lang basta halik sa pisngi. Kundi malalim na halik sa labi. French kiss! Lintik at sa harap ko pa!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD