Chapter 4

1134 Words
NAMAMALIKMATA lang ba ako? Parang SPG ang nasa harap ko. Puwede bang pakipatay ang tv? Yumakap pa ang babae kay Sir Jas. Parang may tumusok sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa mga oras na ito. "Yvonne, were in public..." Narinig kong sabi ni Sir. "I miss you, Jas. Bakit ngayon ka lang dumaan dito? Kahapon ka pa dumating 'di ba?" Nakayakap pa ring malambing na sabi ng Yvonne. Kumawala si Sir Jas sa pagkakayakap sa kanya ng babae. "Meet my new driver, Moon. Siya ang pinadala ni Don Diego na maging personal companion ko..." Tumingin sa akin si Sir. Samantalang hindi man lang ako tinapunan ni Yvonne kahit sulyap lang. At nagtataka ako sa sinabi ni Sir. Una, Don Diego lang ang tawag niya sa tatay niya. Pangalawa, personal companion? Parang iba naman iyon sa pagiging driver lang? "Itinuloy din pala ni Don Diego ang plano niya." Sumimangot si Yvonne. Doon pa lang siya tumingin sa akin. Pero nakairap. May ibinulong sa kanya si Sir Jasper. Grabe ang sweetness nila. Nakita kong napangiti si Yvonne. PDA ang dalawang ito. "Puwede bang tama na ang landian na iyan! Nagugutom na ako!" mahinang sabi ko habang nakatungo. Bumitiw si Sir Jas kay Yvonne at tumingin sa akin na tila nanunuya. "Moon, may sinasabi ka ba?" Narinig pa yata ako, lagot! "W-Wala Sir. Kako lang eh nagugutom na ako. Hehe." Mas binabaan ko ang boses ko. Hinawakan ko rin ang tiyan ko. Ngumuso ang babae at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napadiretso ako ng tayo. "Ano ulit pangalan mo?" Tanong ni Yvonne na parang ang kinakausap ay isang langgam. Ang liit ng tingin niya sa 'kin, eh. "Moon po, Ma'm." Yumukod ako sa harap niya. Napadako ang mga mata niya sa mga dala ko. "What are those?" Hindi ko alam kung ako ang tinatanong niya o si Sir. Pero naiintindihan ko naman siya kahit english iyon. Nag-aral din naman ako. Highest honors pa nga. "Mam, galing po ang lahat ng ito kay Sir!" Nagmamalaki kong sagot at iniangat pa ng kaunti ang mga bitbit. Nagkatinginan silang dalawa. Parang nagkakaintindihan na. "I think we should eat." Nahuli ko agad ang pag-akbay ni Sir Jas kay Yvonne. Sa isang mesa na tila napakaespesyal kami pumwesto. Ang ganda ng dining set up. May flowers at puting-puti ang table cloth na pinatungan ng pulang centerpiece. Umorder si Sir Jas ng mga pagkain. At tunog pa lang, ginugutom na ako. Habang hinihintay dumating ang order ay pirmi ang paglalambutsingan ng dalawa. Parang wala ako sa harap nila. Pinagmamasdan ko na lamang ang mga taong kumakain sa iba't ibang mesa. Naalangan akong bigla sa sarili ko. Lumang-luma na ang mga suot ko samantang lahat ng mga customer dito kundi mukhang bago ang mga suot ay mamahalin at branded pa. Muli akong napatingin sa dalawang amo. May mga tao talagang maswerte at mayroon din namang malas. At ang swerte ko ay mapasama sa mga malas. Nakagat ko ang labi ko nang tumama ang paningin ko sa aking mga paa na suot ang lumang sapatos ni itay. Kupas na maong na pantalon, maluwag na t-shirt at mabigat na jacket. Nahagod ko rin ang halos kalbo kong ulo. Kagabi, akala ko ay nananaginip ako nang mapadako ako sa salamin. Magaan ang ulo ko at akala ko ay may nawawala sa akin. Pero bakit ko nga ba iniisip ang mga bagay na ito? Dati naman akong masaya at kuntento sa kung ano ang mayroon ako ah. Si inay nga, hindi ko na rin iniisip. Ipinagpapasa-Diyos ko na lang. Kung mag-aalala ba ako sa kanya, may mangyayaring maganda? Kung palagi kong itatanong sa sarili ko, bakit kami iniwan ni inay, may makukuha ba akong sagot gayong wala nga siya? Pag-angat ko ng tingin ay kamuntik pa akong mahulog sa upuan dahil nakapasok ang kamay ni Yvonne sa loob ng pantalon ni Sir Jas. Lintik naman, dito pa sila sa harap ko maghihipuan?! Puwede naman sa motel? Kung mayaman sila eh ‘di sa hotel! Huwag naman dito sa loob ng restaurant na matao! Pumikit na lang ako. Pero kusa namang dumidilat ang isang mata ko kaya kitang-kita ko kung paano dinilaan ni Yvonne ang tainga ni Sir Jas. Sh!ete naman talaga!!! Naalala ko tuloy si Hilda at kung paano niya ibenta ang sarili niya sa mga lalaki. Iba nga lang itong nasa harapan ko dahil libre si Yvonne para kay Sir Jas. Sabagay, sigurado namang maraming magkakandarapang maghubad sa harapan ni Sir dahil para siyang greek god na si Adonis mula ulo hanggang paa! Kumain kami. Maganda ang presentation ng mga pagkain. Malalaman mong napakamahal ng mga in-order nila. Pero sa lasa, ewan ko ba? Hindi ako nag-enjoy eh. Marahil nasanay ako sa pagkaing simple o dahil nakakawalang gana lang kapag may nagsusubuan sa harap mo. Para kasing OA na. Parang plastik itong dalawang love birds kuno na panay ang pa-tweetums sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ganyan talaga sila o nang-iinggit lang sa mga nagdaraanang mga tao. "CR lang po, Sir." Paalam ko. Kanina pa kasi ako nangangati at hindi maabot ang likod ko. Sa kapal ba naman ng mga suot ko. Tinanggal ko muna ang jacket saka ko hinubad ang ilang patong pang damit bago ko tuluyang nakamot ang likod ko. Hayyy, ang sarap mangamot! Nasulyapan ko pang muli ang lock ng pinto. Sinigurong naisara ko iyon bago pa may pumasok na ibang lalaki rito sa loob ng banyo. Naghilamos ako at natitigan ang sarili sa salamin. Kagabi, halos hindi na ako makapag-isip ng maayos sa bilis ng mga pangyayari. Iniwan kami ni inay at sumama raw sa ibang lalaki. Ganoon ba kadesperada ang nanay ko para maghanap ng iba? Pangalawang asawa na niya si itay aka Berting Gawampala. Nestor Morales ang totoong pangalan ng tatay ko. Nasaan na si itay? Ewan ko. Nilayasan din kami. Siguro, nakadestino talaga akong isilang ng dalawang magulang na nilalayasan ang pamilya. Nakakatawa. Dahil hindi ako umiyak nang iwan kami ng totoo kong tatay. At kagabi nang malaman kong umalis din si Inay, wala rin akong maramdaman na gusto kong umiyak. Sunod-sunod na hinilamos ko ang malamig na tubig sa mukha ko. At least dito sa poder ni Don Diego at ng anak niya, may pagkain. Mayroong tulugan, tubig at kuryente. Limang milyon ang utang ni itay Berting kaya mukhang habang buhay na kaming magsisilbi sa mga San Huwes. Tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib. Wala rin naman akong ibang pagpipilian. Siniguro kong magmumukha talaga akong lalaki bago lumabas. Ang water resistant na eye liner na siyang ipinapahid ko sa mga mata ko, gilid ng bibig at panga ay sinipat kong maigi. Kumpleto ako sa gamit dahil na rin sa dami ng mga paligsahan na sinalihan ko simula pa pagkabata. Nakakatawa dahil pakiramdam ko ay nasa taas pa rin ako ng entablado, nagkukunwari sa harapan ng maraming tao kapalit ng kaunting pera para mabuhay ng maayos sa mundo. Huminga ako ng malalim bago pinihit ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD