Nagising si Aira dahil sa malakas na sigaw na nang gagaling sa galit na madrasta, dahan-dahan iminulat ng dalaga ang kanyang mga mata, kinurap-kurap pa niya ito upang makapag-adjust sa liwanag na nanggagaling sa loob ng silid, agad niyang nakilala kung nasaan siya ngayon, nasa loob siya ng kanyang sariling silid at alam niyang hindi siya nag iisa.
"Sinabi ko na sa iyo noon pa Rafael! keeping that child is a big mistake! look what she have done!? mabuti na lang at walang nakakakilala sa kanya sa mga family friend natin! oh my gosh kung nagkataon grabeng kahihiyan ang ibibigay saatin ng sampid na yan!" malakas na bulalas ng kanyang madrasta sa kanyang ama, pabalik-balik pa itong naglalakad sa harap ng kama ng dalaga na animo'y hindi alam ang gagawin, habang ang ama naman ay nananatiling tahimik lamang na nakaupo malapit sa pintuan.
"Mom! stop it you'll wake her up!" saad naman ng nakakatandang kapatid sa kanyang Ina.
"and so? mabuti na ngang magising na yan! I won't tolerate this sh*t! kung noon ay hinayaan ko siya na tumira dito at dalhin ang Apelyido ng Pamilya natin pero ngayon No! this is so f*cking embarrassment to our family!"
"Mom let just hear Aira's side first let's not–" ngunit hindi natapos ng binata ang sasabihin ng sumingit ang bunsong kapatid.
"Mom is right, she's a total embarrassment to our family, no wonder kaya ayaw ko sa kanya" pataray na saad nito.
"k-kuya Ra-Rafa" mahinang sambit ng dalaga, agad namang nakuha nito ang atensyon ng kapatid.
"Hey thank's God you're finally awake, tinakot mo ako Ai" malumanay na sambit nito bago tuluyang tinulungan ang dalaga upang makaupo.
Agad namang natahimik ang paligid, walang may gustong mag salita, pati ang Madrasta nito na kanina pa galit na galit ay tumahimik na rin marahil hinihintay nitong unang mag salita ang asawa.
Ilang segundo muna ang lumipas bago nabasag muli ang katahimikan ng sa wakas ay nag salita na ang kanyang ama.
"I want you to leave my house tomorrow morning, wala kang iiwang kahit konting gamit na maari mo pang balikan, I don't want to see your face anymore" walang ka emo-emosyong saad nito.
Parang nabingi naman ang dalaga sa narinig mula sa ama, agad na sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha, kahit hindi na itanong pa ng dalaga ang mga nangyayari ay na uunawaan na niya na alam na ng mga ito ang kanyang sitwasyon, inaasahan na rin naman niyang ganito ang sasabihin ng ama sa oras na malaman nitong nagdadalang tao siya. walang pag aatubiling nagtungo ang dalaga sa harapan ng ama at lumuhod, mahigpit na hinawakan ni Aira ang mga paa ng ama upang magmakaawa.
"D-dad p-please I-I'm s-sorry! I-I'm s-so s-sorry po" Pagmamakaawang saad ng dalaga ngunit ni hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ng ama.
"Dad please wala na po akong mapupuntahan! let me stay here kahit hanggang graduation lang please"
"You already had your chance! pero mas pinili mong magpabuntis sa kung kaninong lalaki" saad naman ng madrasta nito.
"Dad anak mo parin si Aira, please naman wag ganito" pakiusap rin ni Rafa sa ama, ngunit parang wala itong narinig at agad na iwinaksi ang paa upang matanggal ang pagkakakapit ng dalaga dito at dire-diretsyong lumabas ng silid, agad ding sumunod ang panganay na kapatid sa ama habang si Aira naman ay naiwang napasalampak sa sahig habang walang humpay sa pagiyak.
"This is why I can't find my self accepting you as my husband's daughter, nakikita ko sayo kung paano ako niloko ng asawa ko sa isang bayaring babae" panimulang saad ng madrasta, napayuko na lamang si Aira dahil sa sinabi nito.
"and now ginawa mo din kung ano ang ginawa ng nanay mo noon, tell me kaninong pamilya ang sinira mo ngayon? sa bar mo rin ba nakilala ang ama ng batang nasa tiyan mo? siguro kung hindi pinalad ang nanay mo na makuha ang asawa ko, maybe you think na this time mag tatangumpay na kayong makasira ng buong pamilya, am I right?" nagpakawala muna ito ng malakas na buntong hininga bago nag patuloy.
"to be honest hindi naman ako nagulat na mangyayari ito eh, because nasa dugo mo rin na nanalaytay ang dugo ng sarili mong ina! isang sakim, malandi at kaladkaring babae!" sunod-sunod na masasakit na salita ang binitawan nito, wala namang nagawa ang dalaga kundi tanggapin na lamang ang mga salitang iyon at umiyak na lamang ng umiyak.
"I keep my silence for such a very long time because I know myself that this family owns you, and that is Rafa's life, but now, sapat na sigurong kabayaran ang pagkupkop namin sa'iyo ng ilang taon, I don't want to give this Family another mistake and embarrassment," saad ng madrasta bago tinungo ang pinto ng silid di pa man tuluyang nakalalabas ay muli itong nag salita.
"You heard my husband, better pack all your things now para mas mabilis kang makaalis, siguraduhin mo na hindi ka na namin makikita pa bukas ng umaga" huling saad nito at tuluyan ng nilisan ang silid ng dalaga, naiwan naman dito ang bunsong kapatid na si Elly na matalim na nakatitig sa kanya, dahan-dahan itong lumapit sa harap ng dalaga bago nag bitaw ng mga salitang nag palakas ng hikbi ng dalaga.
"You deserve it, masyado ka kasing malandi, sabagay? kanino ka pa nga ba magmamana diba?" saad nito bago tumatawang nilisan ang kwarto ni Aira.
Halos mag iisang oras ng umiiyak ang dalaga sa kanyang silid.
"Aira iha" mahinang tawag sa kanya ng Nanay Lourdes niya, agad namang pinunasan ng dalaga ang kanyang mga luha.
"heto may dala akong pagkain" Saad ng matanda bago inilapag ang dalang pagkain sa study table ng dalaga.
Agad na lumapit ito kay Aira bago inalalayang tumayo. "kamusta na ang pakiramdam mo? sobrang nag alala kami kanina ng bigla ka na lang nahimatay, mabuti na lang at mabilis nakarating si Doctor Perez kanina, sabi ni Rafa sobrang pagod daw ang dahilan kaya nangyari iyon, may masakit ba sayo? ayos na ba ang pakiramdam mo?" saad ng matanda bago marahang hinahaplos ang buhok nito.
"a-ayos lang po ako nanay Lourdes w-wag po kayong mag alala, gusto ko po munang mag pahinga..." mahinang saad ng dalaga bago binigyan ng isang ngiti ang matanda tanda na ayos lamang ito, ginawaran naman ni nanay Lourdes ang dalaga ng isang mahigpit na yakap bago tuluyang lumabas ng silid.
Agad na tumayo ang dalaga at nag simulang tumungo sa harap ng kanyang Cabinet, binuksan niya iyon at nag umpisang kuhain ang kanyang mga damit, sa pagkakataon iyon ay muli na namang pumatak ang masasaganang luha sa mga mata ng dalaga agad itong napasalampak sa sahig at muling umiyak, sapo-sapo nito ang dibdib habang walang humpay sa pagtulo ang kanyang mga luha ni hindi na nga namalayan nito ang taong pumasok sa kanyang silid, naramdaman na lamang nito ang mahigpit na yakap ng taong iyon sa kanya.
"shhh stop crying Ai, everything will be okay, kuya will do everything to help you, marahil sarado pa ang isip ni dad ngayon out of shock but I'll convince dad again tomorrow morning, don't worry huh? stop crying na please naiiyak na rin ako eh"
Ilang minuto pa ang lumipas ng tumahan na rin sa pagiyak ang dalaga, sa ngayon ay parehong nakasandal ang mga katawan ng magkapatid sa pintuan ng cabinet ni Aira, saglit pa ay muling binasag ng kapatid ang katahimikan.
"Aira, I know this is none of my business but I want to know the father of the baby" mahinahong saad nito, agad namang yumuko ang dalaga sa narinig, ayaw niyang may makaalam pa kung sino ang ama ng bata, mas nanaisin nya pang palakihin ng mag-isa ang baby kesa makasira pa sya ng buhay ng iba.
"Hindi ko kilala" pag de-deny ng dalaga.
"Aira, this is the only way para malaman natin kung ano pang susunod nating gagawin imposibleng hindi mo kilala ang ama ng bata, you never like the smell and the taste of alcohol kaya impossibleng lasing ka that time" saad nito bago hinawakan ang kamay ng dalaga.
"I just want to know the name, just the name Ai" pangungumbinsing saad nito, ngunit hindi nag padala ang dalaga pinanindigan parin nito ang desisyong hindi sabihin sa kapatid, kaya naman hindi na rin nag pilit pa si Rafa, inalalalayan na lamang niya itong makahiga bago tuluyang lumabas ng silid.