Our Mistakes Chapter 8

1293 Words
Lumipas ang ilang araw ay hindi lang pagkahilo at pagsusuka ang tanging nararanasan ng dalaga, may mga oras na hindi nito gusto ang amoy at lasa ng mga pagkaing nakahain sa kanya, ngunit wala naman siyang choice kung hindi kainin ito sa takot na may magtanong pa sa kanya, may pagkakataon pa nga na kapag kasabay niyang kumain ang kanyang pamilya ay kailangan niyang pigilan ang sarili upang hindi maduwal dahil sa amoy na nang gagaling sa pabango ng bunsong kapatid. Hanggang ngayon ay hindi parin nito alam kung ano ang kanyang gagawin sa batang nasa kanyang sinapupunan, ni hindi parin nakakapag pa check up si Aira kahit na ilang beses na siyang niyayaya ng kaibigan, natatakot kasi itong may makakakilala sa kanya, nasabi narin ng dalaga rito ang nangyari ng gabing iyon at kung paano ito nalagay sa ganoong sitwasyon, nung una ay katakot takot na sermon ang natanggap nito mula sa kaibigan ngunit ano pa nga ba ang magagawa nito, may nabuo ng buhay sa kanyang sinapupunan. "Wala ka bang balak sabihin kay Luis yan?" diretsyang tanong ni Tine sa dalaga. kasalukuyan silang nag lalakad pauwi galing sa walong oras na shift sa coffee shop kung nasaan sila nag pa-part time. Sakto namang nag umpisa na ang dalawang linggong sembreak sa kanilang University kaya sinasamantala nila iyon upang mag full time worker. "wala akong balak, hindi naman niya ito ginusto eh, baka mas magalit pa siya sakin kapag nalaman niya" matamlay na saad ng dalaga. "karapatan rin naman niyang malaman yan eh tska as if namang wala siyang ambag sa nangyari? hatak kasi sya ng hatak" napapailing na lang si Aira dahil sa tinuran ng kaibigan. "so anong balak mo? mag pa-part time ka pa din after ng klase?" marahang tumango ang dalaga bago muling nag salita. "yes, tingin ko nga mas kailangan kong dagdagan yung part time hour ko sa umaga para mas makapag ipon pa, hanggang graduation na lamang ako sa bahay" mahinang sambit ng dalaga. "baka naman joke lang ng tatay mo yung expiration ng pagtira mo sa mansyon nyo, hindi naman ganon ka daling mag hanap ng malilipatan tsaka may baby ka na" saad nito bago hininaan ang huling salita sa takot na may makarinig sa kanila. "i know, kaya nga mas kailangan ko ng pera" Malungkot na saad nito. "gusto mo bang lumabas na haggard at may eye bags yang baby mo dahil sa pagod at pag pupuyat mo?" Mataray na saad naman ng kaibigan, agad namang naputol ang usapan ng dalawa ng marating nila ang sakayan. Saktong alas sais ng gabi ay nakauwi na si Aira, paakyat na sana ito ng makasalubong ang kanyang madrasta na papababa ng hagdan, agad na binati ito ng dalaga ngunit nag dire-diretsyo lamang itong bumaba na animo'y walang nakitang tao sa kanyang harapan, pilit na ngumiti na lamang ang dalaga bago nag patuloy sa pag akyat, nang makarating sa harap ng kanyang kwarto ay nag taka pa ito kung bakit bahagyang nakabukas ang pintuan ng silid. 'siguro ay nag linis si Nanay Lourdes' ani sa isip ng dalaga ngunit laking gulat nito ng mapagtantong may tao sa loob ng kanyang silid, prente pa itong nakahiga sa kanyang kama habang may hawak na libro habang nag babasa. "kuya Rafa?" Tawag ng dalaga sa atensyon ng nakakatandang kapatid. "uy panget! nakauwi ka na pala, tagal mong dumating patapos ko ng basahin itong buong libro ng Greek mythology eh" mayabang na saad nito bago inalalayan ang sarili upang makaupo. "kanina ka pa dito?" takang tanong ng dalaga. "hindi mga 5 minutes pa lang hahaha" natatawang saad nito bago hinila ang braso ng dalaga pa labas ng silid. "Teka kuya saan tayo pupunta?" takang tanong nito. "kakain? kadarating lang ni Dad kanina, madaming pagkain ang hinanda sa mesa, bilisan na natin baka maunahan pa tayo ni Elly takaw pa naman nun" nag mamadaling saad nito bago hinila ng walang pagaalinlangan ang dalaga pa baba ng hagdan. Tahimik lamang na nakaupo si Aira sa hapag kainan, katabi nito ang nakakatandaang kapatid at nasa harap naman niya si Elly, tama nga ang sinabi ng kanyang kuya Rafa napakaraming nakahaing pagkain ngayon, ngunit isang putahe lamang ang naka agaw ng kanyang pansin, ito ay ang Lumpiang Shanghai na nakahain malapit sa harapan ng kanyang madrasta. "kumain na tayo" mahina ngunit maawtoridad na saad ng kanyang ama. Nag simula na silang kumain ngunit si Aira ay tila natigilan hindi man lamang gumagalaw ang dalaga, nakatitig lamang ito sa Lumpiang Shanghai na nakahain, pinag iisipan pa kasi nito kung paano niya kukunin ang nasabing pagkain nang hindi na hahalata ng ama o ng madrasta, hanggat maari kasi ay ayaw niyang ipahalata ang presensya niya sa mga Ito. Nahalata naman ng nakakatandang kapatid na hindi pa nag uumpisang kumain si Aira kaya marahan niyang siniko ang kapatid upang tawagin ang pansin nito. "kumain ka na" mahinang bulong nito sa dalaga ngunit tila wala itong naririnig, nakatuon lamang ang atensyon nito sa lamesa, agad namang naunawaan ni Rafa kung bakit hindi ito nag uumpisang kumain, agad nitong kinuha ang nasabing pagkain at agad iniabot kay Aira, masayang kinuha naman nito ang iniabot ng kapatid at agad na pinuno ng Lumpiang Shanghai ang sariling plato, napansin naman ni Elly ang ginawa ng dalaga kaya tiningnan niya si Aira ng may panghuhusga habang nakataas pa ang isang kilay. mabuti na lamang ay nariyan ang ama kaya't hindi ito makakapag kumento ng kung ano-ano sa dalaga, istrikto kasi ang kanilang ama lalo na sa kilos at galaw sa harap ng hapag kainan. "Rafa, naayos mo na ba lahat ng papeles mo pa punta ng states?" tanong ng ama sa nakakatandang kapatid. Kailangan kasi nitong pumunta sa company branch nila sa US upang pamahalaan iyon. "Yes Dad, actually binigay na rin sakin ng assistant ko lahat ng records ng company sa loob ng tatlong taon pinagaaralan ko na iyon ngayon para di na ako mahirapang mag adjust" "Good to hear, you'll be staying there for 5 years, I hope mapalago mo iyon just like our business here" seryosong saad nito sa panganay na anak. "Of course" pagmamalaki ng kapatid. "How about you Elly?how's your studies? baka puro lakwatsa ka lang" tanong naman ng ama sa bunsong kapatid. "Of course not dad minsan lang ako mag mall and besides busy ako sa Ballet Class ko, mommy enrolled me there last month" maarteng wika naman nito. "Yes honey, remember the ballet school where I used to study before? I enrolled her there, tuwang tuwa nga yung mga dati kong instructor doon, they can see me daw kay Elly hahahaha" This is the part where Aira felt that she doesn't really belong to their family, her dad would ask his children everything about them and how was their day exempt her, while her Step mom will start to brag her daughter to their father, minsan sa ganitong sitwasyon ay mas gugustuhin na lamang ni Aira ang tumayo at bumalik sa sariling silid ngunit alam niyang pag ginawa niya iyon ay maagaw lamang niya ang pansin ng Ama, yun ang pinaka ayaw niyang mangyari. "Ikaw Ai? wala naman kayong pasok sa University diba?" tanong ng nakakatandang kapatid kay Aira, litong napatingin ang dalaga sa kapatid, lumipad na naman kasi ang isip ng dalaga kaya hindi niya alam ang tinutukoy nito. "Sabi ko kami ni Elly ay pupuntang batangas tomorrow, naisip ko sembreak naman kayo kaya sumama ka na" pagpapaliwanag nito sa dalaga. sasagot na sana si Aira ng biglang makaramdam ito ng pagkahilo, agad napahawak sa sintido ang dalaga dahil sa sobrang hilong nararamdaman. "hey? are you ok?" alalang tanong ni Rafa, mahinang tumango ang dalaga. "aakyat na p–" ngunit di na natapos pa ng dalaga ang sasabihin ng mabilis itong nabuwal at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD