Our Mistakes Chapter 7

1132 Words
2 months Later "errrrrkkkkk~" "Hoy girl okay ka lang? gusto mo dalhin na kita sa clinic? or tubig? gusto mo ng tubig?" Pagaalalang saad ng kaibigan, ngunit tanging iling lamang ang isinagot ni Aira at muling humarap sa toilet seat upang muling sumuka. "errrrrkkk~" muling pakawala nito bago pagod na pagod na isinandal ang katawan sa pader ng cubicle. Patungo na sana ang dalawa sa kanilang susunod na klase ng makaramdam si Aira nang pagkahilo, nung una ay binalewala lamang niya ito ngunit nagulat na lamang si Tine nang nagtatatakbo si Aira patungo sa malapit na palikuran at nag umpisang dumuwal. "nahihilo ka pa rin ba? gusto mo tumawag na ako ng nurse? or kung sinong puwedeng tumulong para madala ka sa clinic?" muling saad ng kaibigan sa dalaga. "Okay lang ako, mawawala din ito" mahinang saad ng dalaga. "Anong okay ka lang pinasasabi mo? ilang araw ka ng ganyan, mag patingin ka na kaya? pa check up ka na sasamahan naman kita wag kang mag alala" pangungumbinsi naman nito sa dalaga ngunit umiling lamang ito sa kanya bilang sagot. "Anu ka ba! kailangan mong mag pa check up! tara na tumayo ka diyan, sa clinic muna tayo para mabigyan ka ng gamot at makapagpahinga ka muna doon, tapos bukas sasamahan kita sa hospital" paguulit pa nito habang marahang hinahagod ang likuran ng kaibigan. "Ayos lang ako, baka may masama lang akong nakain kaya ako ganito, chill ka lang" "Anong chill ka lang pinagsasabi mo? ilang araw na iyang pagsusuka mo! kahapon din, namumutla ka pa, impossible namang sa pagkain iyan? yayamanin pagkain nyo sa mansyon for sure! kahit di ka love ng tatay mo siguradong di ka naman papakainin ng panis nun" mataray na saad nito, natawa na lamamg si Aira dahil sa tinuran ng kaibigan. agad na inalalalayan nito si Aira ng mapagtantong tatayo na ito ngunit di pa man tuluyang nakakatayo ay muli nanamang dumukwang ang dalaga sa bunganga ng toilet seat. "Eeeerrkkkk~" "Hoy girl natatakot na ako! umayos ka nga! dinaig mo pa buntis eh, konti na lang iisipin kong buntis ka" saad muli nito, agad namang napatigil ang dalaga, wari'ng nag iisip ito bago dahan-dahang humarap sa kaibigan, halata ang biglang pamumutla ng mukha nito. "ay girl wag kang assuming wala kang boyfriend remember?" Natatawang sambit naman nito, ngunit na wala ang mga ngiting iyon ng mapansin ang seryosong mukha ni Aira, nakatitig lamang ito sa kawalanan na animo'y nag-iisip ng malalim. "Girl okay ka lang? friendship tayo diba? you can tell me everything" mahinahong sambit nito, nag aalala man ngunit ayaw naman niyang pilitin pa ito na mag salita. "Tine? c-can I ahm c-can I a-ask y-you a f-fa-favor?" Bakas sa tono ng boses ni Aira ang takot, agad namang tumango ang kaibigan bilang pagsang-ayon. "C-can y-you b-buy m-me a pr-pregnan-cy k-kit? p-please?" na nginginig na sambit nito, gulat na napatitig si Tine kay Aira, alam niyang hindi ito nag bibiro ng sabihin nito ang pabor na hinihingi ng dalaga, naguguluhan man ay di na nag tanong pa si Tine, agad na sinunod nito ang pakiusap ng dalaga. Wala pang kinse minutos ay humahangos na dumating ang kaibigan, pasalampak itong umupo sa sahig ng palikuran habang sapo-sapo ang dibdib dahil sa sobrang pagod, halatang galing ito sa pagtakbo dahil pawis na pawis pa ito nang dumating. "Grabe girl! muntik ko pang makasalubong si Dean kanina! buti na lang medyo malabo mata nun at di niya ako nakitang nagtatago sa halamanan" humihingal na saad nito bago ibinigay ang isang plastic na naglalaman ng tatlong box ng pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay na tinanggap iyon ng dalaga. Mabuti na lamang ay nasa kanya-kanyang klase ang mga estudyante sa mga oras na ito kaya sila lamang dalawa ang nasa loob ng palikuran mula pa kanina. "tinatlong box ko na para sure" mahinang saad nito, agad namang nag pasalamat si Aira bago nanghihinang pumasok sa loob ng cubicle ngunit bago pa man tuluyang maisara ng dalaga ang pintuan ay agad niyang pinigilan ito, mababakas sa mukha nito ang pagaalala at pagkalito sa mga nangyayari. "Aileen Rae Del Valle" pagtawag nito sa buong pangalan ng dalaga, agad namang parang tubig sa gripong sunod-sunod na umagos ang mga luha sa mga mata ni Aira dahil alam nito na kapag buong pangalan na niya ang binabanggit ng kaibigan ay seryoso na ito. "I won't force you to speak nor question you for what is happening right now, though I'm a little bit confused, kilala mo ako, makulit lang ako but when it comes to a serious matter like this, alam mong hihintayin ko lang kung kailan ka komportableng mag open up sakin, lagi mong tatandaan na lagi lang akong nandito sa tabi mo, magbubunganga pero never kang iiwan, I will always stay with you kahit pa manawa ka sa pagmumukha ko" ngumiti ito bago huminga ng malalim at muling nag salita "kung ano man ang nangyari at kung paano ka napunta sa sitwasyong ito, I would never ever judge you Ai, talikuran ka man ng lahat, husgahan ka man ng lahat pero hindi ako, what ever the results will be and what ever your decision is, I will always support you, besides I'm your best friend after all, tska nag iisa lang akong best friend mo kaya wala kang choice hahahaha" natatatawang saad nito bago pinunasan ang mga luha ni Aira at hinapit ito upang gawaran ng mahigpit na yakap. "I'm sorry if tinago ko, akala ko kasi walang mabubuo eh, one time lang nangyari yun and–" "Shhhhh, i know you have a valid reason kaya tinago mo saken but hey! as long as hindi mukhang paa o puwet ng kaldero yung tatay ng baby okay lang saken! Hahahahaha!" Pagpapatawa nito, alam niyang samot sari ang nararamdaman ni Aira sa mga oras na iyon kaya kahit papaano gusto niyang gumaan ang pakiramdam nito kahit na konti man lang. "Sige na subukan mo na, may isang subject pa tayong aattendnan" "W-what i-if p-positive?" Naguguluhang saad ni Aira. "Edi congrats magiging Ninang na ako?" Napapakamot at alanganing saad naman nito. "Pumasok ka na nga! itry mo lahat ng iyan tska na natin problemahin yung gagawin after natin malaman yung result, sige na" Saad nito bago pinagtulakan ang dalaga sa loob ng cubicle. kinuha ni Aira ang mga kahon na nasa loob ng plastic bago isa-isang binuksan ang mga iyon, bawat kahon ay naglalaman ng dalawang pregnancy test kit, binasa muna niya ang instruction na nasa likod nito, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga bago sinumulan ang proseso. Makalipas ang limang minuto ay isa-isa na nitong tiningnan ang mga test kit na ginamit, nanlulumong napasalampak ang dalaga sa sahig, sunod-sunod ang pinakawalang hikbi nito, halos hindi ito makapaniwala sa nakikitang pare-parehong resulta ng isinagawang test. "Positive" mahinang usal ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD