Maliwanag na sinag ng araw na nagmumula sa binta ang pumutol sa magandang panaginip ng dalaga, akma na sana siyang tatayo ng maramdam ang mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan, agad na minulat nito ang mga mata tumambad sa kanya ang di pamilyar na kisame ng kwarto, saglit pa niya itong tinitigan bago kunot noong inilibot ang paningin sa paligid ng mapansing nag iba ang ayos ng kanyang silid, saglit na natigilan ito ng mapagtantong nasa ibang silid nga siya nakahiga ngayon.
"Oh my– hmmmp" maagap na tinakpan ng dalaga ang sariling bibig, nanlalaki ang mga matang dahan-dahang ipinihit nito ang sariling ulo hanggang mapadako ang tingin sa lalaking katabi at nakayakap sa kanya habang mahimbing paring natutulog.
"What the – akala ko panaginip lang" Mahinang bulong nito sa sarili. dahan-dahang iniangat ni Aira ang kamay ng binata upang matanggal iyon sa pagkakayakap sa kanya at ng hindi ito magising, dahil tiyak na kapag nagising ito at nakita siya sa ganong ayos ay sigurado siyang mas malaking problema pa ang kanyang kakaharapin.
Pahirapan man ay matagumpay niyang natanggal ang braso ng binata na mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang.
'gusto ko pa sanang mag tagal at damhin ang mga yakap mo pero alam kong hindi puwede ' ani ng dalaga sa kayang isip, malungkot niya itong pinagkatitigan kasabay nang banayad na paghaplos sa pisngi ng binata, isang matamis na ngiti at mahinang halik sa noo ang ginawad nito sa natutulog na si Luis bago maingat na bumangon sa kama, nang makatayo ay agad na hinagilap ng dalaga ang kanyang suot kagabi, hindi na nga naisip pangtakpan ng dalaga ang hubad na katawan dahil naka tabing ang kumot sa katawan ng binata, ayaw naman niya itong kuhain sa takot na maging dahilan pa ng pagkagising nito.
aabutin na sana ni Aira ang pantalon na nasa gilid ng kama ng mapatigil ito nang makarinig nang isang malakas na mura sa lalaking ngayon ay nakatitig sa kanya, mababakas sa mukha ng binata ang gulat at pagtataka.
"F*ck! Sino ka! anong ginagawa mo dito!? Paano ka nakapasok sa Unit ko!?" sunod-sunod na tanong ng binata, ni hindi na kapag-isip pa ang dalaga dahil sa pagkabigla, agad na hinablot nito ang kumot na nasa kama at agad na ipinangtabing sa ngayon ay hubad parin niyang katawan, agad namang kinuha ng binata ang unan upang ipangtakip sa kanyang sarili.
"I said who are you! What did you do to me! " Galit na singhal nito sa dalaga, para namang biglang naging pipe si Aira, hindi agad ito makapag salita dahil na rin sa labis na kahihiyan at takot na nararamdaman.
"Are you F*cking deaf!? kung di ka mag sasalita I will call the cops!" Pagbabanta nito, agad itong umalis sa ibabaw ng kama at inilibot ang paningin sa paligid.
"w-wait no!" utal na tutol ng dalaga sa binatang ngayon ay hawak na ang cellphone nito.
"I-I'm A-ai Aira, I- I'm t-the one w-who s-served you a-at the bar l-last n-night" Mahinang sambit nito, hindi siya makatingin ng diretso sa binata, agad na kumunot ang noo ni Luis sa narinig, pilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi at kung bakit siya nakarating sa bar, nag away sila ng kanyang nobya ng araw na iyon sa kadahilanang nahuli niyang may kayakap itong varsity player sa men's locker room at imbes na mag sorry ay siya pa ang inaway ng Nobya dahil daw sa wala itong tiwala sa kanya.
"n-nakita ka namin ng k-kaibigan ko s-sa la-labas ng bar k-kagabi, k-kaya i-inuwi kita sa condo mo an-d ahm" hindi maituloy ng dalaga ang kanyang sasabihin, alam niyang sa pagkakataong ito ay tiyak na magagalit sa kanya ang binata, baka nga masaktan pa siya nito ng wala sa oras kapag nagkataon.
"Then what? pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko kagabi at ginawa ito?" may halong pangungutya at galit sa tono ng binata.
"No! that's not what happened! paalis na sana ako ng bigla mo akong hinablot at halikan! ayaw mo pa akong bitawan kagabi!" Pagtatangol ng dalaga sa sarili, ngunit tinawanan lamang siya ni Luis, hinagod nito ang buhok bago matiim siyang tinitigan.
"sa tingin mo maniniwala ako sayo? I'm too drunk last night ni wala akong maalala, how am I supposed to know if your telling the truth?, Pera ba ang kailangan mo huh? Syempre pera, ano pa nga bang dahilan mo bukod doon diba? you're here for money, are you going to blackmail me with this huh? Just so you know no need for you to do that, magkano ang kailangan mo para manahimik ka? siguraduhin mong hindi mo na ipapakita pa sa akin yang makapal mong pagmumukha after I pay you" Sarkastiko at may pangiinsultong sambit nito, bago pumindot ng ilang beses sa kanyang cellphone.
"Give me your back account, I'll transfer the money right now, name your price para matapos na agad" Maariing sambit ng binata, tanging iling lamang ang naging sagot ng dalaga, agad na pinunasan nito ang mga luhang kanina pa umaagos sa kanyang mga pisngi.
Mabilis na lumapit ito sa ngayon ay umiiyak na dalaga, hindi na nag abala pa ang binata na takpan ang pribadong bahagi ng kanyang katawan at marahas na hinawakan nito ang magkabilang braso ni Aira,
"A-aray na-nasasaktan a-ako" Mahinang sambit nito, ngayon ay ramdam na ramdam na ng dalaga ang galit ng binata dahil sa higpit na pagkakahawak nito sa kanya, ramdam din niya ang humahapding balat dahil na rin sa kuko nitong nakabaon sa kanyang braso.
"JUST F*CKING GIVE IT!" Galit na sigaw ng binata, dahil sa kagustuhang makawala ay malakas na sinipa ni Aira sa pagitan ng dalawang hita ang binata, agad na natumba ito sa kama at namilipit sa sakit, mabilis na dinampot ng dalaga ang kanyang mga saplot na nagkalat sa sahig, nang makuha nito ang mga damit ay agad na kumaripas ito ng takbo pa labas ng kwarto ng binata.
nang makabawi sa sakit si Luis ay agad nitong pinihit Ang siradura ng pinto upang habulin sana ang dalaga ngunit ng makita niyang nag bibihis ito ay wala ng nagawa pa ang binata kundi muling isarado ang pinto upang di nito makita pa ang katawan ng dalaga.
"F*ck" mahinang usal nito ng marinig ang malakas na pag sarado ng pinto ng kanyang Condo Unit, alam niyang nakalabas na ang dalaga ngayon, imposibleng habulin niya pa ito hanggang sa labas dahil sa kasalukuyan ay wala pa rin siyang suot na kahit na ano sa kanyang katawan.
Marahas na naihilamos ni Luis ang kanyang palad sa sariling mukha, pasalampak itong umupo sa kanyang kama ng maramdaman sa kanyang palad ang kakaibang natuyong bagay sa kanyang higaan, nang tingnan niya ito ay agad nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita, may bahid ng dugo ang bedsheet ng kanyang kama, at isa lang ang maaring ibig sabihin nito.
"Sh*t"