Our Mistakes Chapter 5

1108 Words
"Napaka bigat naman nitong crush mo Aira! jusko feeling ko mababalian ako ng buto!" reklamo ni Tine sa kaibigan, kasalukayan nilang inaakay ito patungo sa sakayan kung saan sila maghihintay ng masasakyang taxi upang maihatid ang lasing na binata sa condo na tinutuluyan nito. "sorry na, malapit naman na tayo eh, tsaka alangan pabayaan lang natin siya? paano kung mapagtripan siya doon? konsensya pa natin" pangangatwiran naman ng dalaga. "ay sus! konsensya mo ba talaga yang iniisip mo? o gusto mo lang tulungan dahil si Luis Guevarra to? aminin mo!" "Hindi ah! anong sinasabi mo diyan!" pagkakaila naman nito. "naku Aira kung nagkataong ibang tao ito sigurado ay hindi mo to tutulungan! baka nga nag tatakbo ka pa sa takot!" "Hoy! tutulungan ko! hindi ko nga lang ihahatid sa bahay pero at least tutulungan ko!" depensa naman niya sa tinuran ng kaibigan. Maya-maya pa ay nakarating na silang tatlo sa sakayan, alas dos na din ng madaling araw kaya tiyak na mahihirapan na silang makahanap ng masasakyang bus, halos mahigit sampung minuto rin silang naghintay doon nang magkasabay na dumating ang isang taxi at bus. "Hala Friendship hindi na kita masasamahan sa paghatid sa condo ng crush mo, out of the way na eh, wala na rin akong extrang pamasahe, kaylangan kong magtipid" Pagpapaumanhing sambit nito. "Sige ayos lang, mauna ka na, ako ng bahala sa kanya" wala naring nagawa pa ang dalaga kung hindi paunahin na rin ito. halatang naiinip na rin ang driver ng nasabing bus dahil sa sunod-sunod na pagbubusina na ginagawa nito. "Mag ingat kayo ah! tsaka ikaw! mag timpi ka! wag mong pagsamantalahan yan ha! mag hulos dili ka!" pang aasar pa ng kaibigan bago nag tatakbong sumakay ng bus. "Sira ka!" pahabol na sigaw ng dalaga bago tuluyang pumasok sa loob ng taxi, nasa loob na rin ang binata na mahimbing paring natutulog. Nakarating na rin ang dalawa sa condo ng binata, mabuti na lamang at medyo nag sasalita na rin ito kaya madali niya nahanap ang floor kung na saan ang condo unit nito. "ngayon unit number na lang ang problema" saad ng dalaga, habang akay-akay pa rin ang nag lilikot na binata "Maigi pang tulog ka eh, ang likot mo naman! kung hindi lang kita crush ay ewan ko na lang baka sinipa na kita pa labas ng earth" pagrereklamo ng dalaga kasabay ng mahinang pag pisil nito sa tungki ng ilong ng binata. Agad na nakuha ni Aira ang susi sa likod ng pantalon ng binata, balak niya na sanang subukan ito sa lahat ng pinto sa palapag na iyon ngunit agad siyang nakahinga ng maluwag ng mapansing may nakaukit nang unit number sa susi nito. "206– ayun! mabuti na lang at wala sa dulo" agad na binuksan ng dalaga ang pinto at dahan-dahang inakay ang binata papasok sa loob ng unit. Agad na binuksan ni Aira ang kwarto at ibinagsak ang katawan ng binata sa kama nito, umupo muna ang dalaga saglit upang mag pahinga, inikot-ikot pa nito ang nangalay na braso dahil sa pag-alalay na ginawa sa binata kanina. Paalis na sana si Aira ng muling pasadahan nang tingin ang mahimbing na tutulog na binata. "wala naman sigurong masama kung papalitan kita ng damit diba?, I mean hindi naman ako titingin? bibihisan lang talaga kita promise! kung gusto mo patayin pa natin ang ilaw para sure na wala talaga akong makikita" pangungumbinsi ng dalaga sa natutulog na binata, pinatay nito ang ilaw ng kwarto at tanging liwanag lang na nang gagaling sa bintana ang nag sisilbing paraan upang makita ng dalaga ang kanayang paligid. Inumpisahan ng dalagang tanggalin ang Polong suot ng binata, mabuti na nga lang ay may sando itong pang loob kaya hindi na nya kinakailangan pang hubaran ito ng tuluyan, sunod ay tinanggal nito ang pantalon, maingat niya itong binaba sa takot na maramdam ng binata ang kanyang ginagawa at magising pa ito, mas malaking problema pa iyon kung sakaling sa ganitong posisyon sya makikita ng binata. Matapos bihisan at iligpit ang mga damit ng binata ay nag pasya na ang dalaga na umalis na. Paalis na sana ito ng biglang umangat ang kamay ng binata at mahigpit siyang hinawakan sa braso, pagkagulat at takot ang agad na rumihistro sa dalaga, lalo pang nadagdagan ang takot na nararamdaman niya nang makitang gising na ang binata at matiim nakatingin sa kanya. "Stay" mariing sambit nito, dahil sa pag aakalang tulog parin ito at nananaginip lamang ay dahan-dahan niyang tinatanggal ang pagkakahawak ng binata, ngunit imbes na matanggal ay mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ng dalaga. "a-aray" mahinang impit ni Aira, nasasaktan man ay pilit na ininda nito ang sakit upang hindi tuluyang magising ang binata dahil sa pagaakalang nananaginip lamang ito. Maayos na sana ang lahat ng bitawan ni Luis ang kanyang braso, ngunit laking gulat nito ng bigla na lamang hapitin ng binata ang bewang ni Aira dahilan upang pumaibabaw ang dalaga sa katawan nito, and the next thing Aira knew is Luis already kissing her. "w-wait! L-luis I'm–" ngunit hindi na naituloy pa ng dalaga ang sasabihin nang mas lalo pang idiin ng binata ang kanyang mga labi sa labi nito, ramdam na rin ng dalaga ang hapdi sa kanyang labi at konting lasa ng dugo dahil sa maya't mayang pagkagat ng binata dito. "No Luis! look hindi ako si–" "I want you" Pagpuputol ng binata, bakas sa mukha ng dalaga ang gulat dahil sa narinig, alam niyang wala sa sarili ang binata dahil na rin sa dami ng alak na nainom nito. Pinilit niyang muling itulak ang sarili palayo sa binata upang makaalis, ngunit imbes na matinag ay pumaibabaw pa ito sa dalaga. Pinagsalikop ng binata ang dalawang kamay ng dalaga at itinaas sa ulunan nito gamit lamang ang iisang kamay, samantalang ang isa naman ay malayang lumalakbay sa pang itaas na bahagi ng katawan ni Aira, bago marahas na pinunit ang saplot nito, hindi pa man nakakabawi sa nangyari ay agad na ginawaran ulit nito nang agresibong mga halik sa labi ang dalaga, maya-maya pa ang agresibong halik ni Luis ay napalitan ng malumanay at may pag iingat. binitawan na rin nito ang pagkakahawak sa kamay ni Aira dahan-dahang bumaba ang mga halik ng binata sa leeg nito at muling bumalik sa mga labi ng dalaga, sa pagkakataong iyon ay hindi na nanlaban pa si Aira at agad na tinugon ang mga halik na ginagawa ng binata. Nang gabing iyon ay nalunod ang dalaga sa kakaibang sensasyong ibinibigay ng binata, Bukal sa loob na ipinagkaloob nito ang sarili, hindi na naisip pa ni Aira ang maaring kahihinatnan ng isang gabi nilang pagkakamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD