Our Mistakes Chapter 4

1164 Words
Magkasabay na nag lalakad si Aira at Tine patungo sa bar kung saan sila nag pa-partime Job, habang nag lalakad ay di maiwasang mapansin ng dalaga ang panay buntong hininga ng kaibigan kaya naisip niya itong usisain. "kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga? na lugi ka ba?" pagbibirong tanong nya rito, isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan nito bago sumagot. "si mama kasi nang hihingi na naman, binigay ko naman na yung buong sahod ko nung nakaraan mula sa dalawa nating part time job, sinabi ko na din na hindi ko maaring galawin yung masasahod ko ngayon dahil ipangdadagdag ko iyon sa pang enroll ko next semester" Malungkot na wika nito. "papahiramin na lang kita, sabi ko nga may naitabi naman ako" "Ano ka ba! pareho naman tayong nag nag tra-trabaho, syempre pareho nating pinaghihirapan yung pera, alam mo naman na pag pinahiram mo ako matagal ko na naman yang mababayaran or worst baka hulog-hulugan ko na naman tulad noong nakaraang pinahiram mo ako, 3 months ko ding natapos hulugan yung huling utang ko sayo" mahabang pahayag nito. "ayos lang naman sakin kung hulog-hulugan mo eh" pangungumbinsi ng dalaga. "bumbay yarn?"pagbibirong sagot din nito sa kanya. saglit na katahimikan ang namutawi sa dalawa bago muling mag salita si Tine "kung mayaman lang sana Pamilya ko kagaya mo" mariing saad nito ngunit agad din nitong binawi ang sinabi ng makitang nag bago ang ekspresyon ng dalaga. "Charot lang! Hahahaha!" pilit na tawa nito, tumingin lamang ang dalaga sa kaibigan bago tipid na ngumiti. katahimikan ang saglit na namutawi sa dalawa bago muling nag salita si Aira. "Payag ka mayaman pamilya mo kaso yung pamilya mo yung pamilya ko?" Pang aasar ni Aira rito. Matagal ng mag kaibigan ang dalawa, nag kakilala sila sa isang orientation sa University kung saan sila nag aaral ngayon, sakto namang may bakanteng part time job si Tine sa pinapasukan nitong coffee shop kaya tinulungan na rin siya nitong makapasok, wala naman sanang balak ikwento ni Aira ang buhay nito sa kaibigan, ngunit isang araw ay biglang dumating sa University ang kanyang kapatid na si Rafa upang sunduin, napagkamalan pa nga ni Tine na Sugar Daddy iyon ng dalaga, dahil bukod sa naka business suit pa ito ay nakasakay din ito sa mamahaling sasakyan. "well bet ko naman kuya Rafa mo Why not~" malanding saad nito bago hinagod ang buhok pa punta likod ng tenga nito. Napa-iling na lang ang dalaga sa kaibigan bago tuluyang pumasok sa bar kung saan sila nag tra-trabaho. "kung saan kayo naka duty kahapon dun parin kayo mag se-serve ngayon" wika ng kanilang manager bago tuluyang iwanan ang dalawa ng makarating si Aira sa VIP section kung saan siya naka toka ay agad naman niyang na mukhaan ang nag iisang tao na nasa loob. "Luis?" mahinang sambit nito, si Luis Guevarra ay anak ng business partner ng kanyang ama, nasa iisang subdivision lamang din sila nakatira kaya matagal na niyang kilala ito, mag sasampung taon narin ng una niyang makita ito habang siya ay nag didilig ng halaman sa labas ng kanilang bakuran, at sa loob ng sampung taon na iyon ay hindi mapagkakailang may umusbong na pagkagusto ang dalaga sa binata, kaya laking dismaya niya ng malaman mula sa isang kasambahay ng mga Guevarra na humiwalay na ito ng tirahan, lumipat ito sa isang condo unit kung saan malapit sa pinapasukang University, mabuti na lamang at iisang University lang sila pumapasok kaya paminsan-minsan ay nakikita parin niya ang binata, kaya nga lang sa kasalukuyan ay may nobya na ito. "What would you like to order Sir?" tanong ng dalaga ng makapasok sa loob ng VIP section. "Bigyan mo ko ng kahit anong hard drinks na meron kayo" Saad nito, nakayuko lamang ito habang sapo ang kanyang ulo. "Yes sir" pag sang-ayon nito bago magtungo sa Alcohol Section upang kunin ang Order nito. Wala namang nararamdamang hiya ang dalaga kahit na makita siya ni Luis na isang waitress sa isang bar, dahil una sa lahat ay hindi naman siya kilala ng binata, kahit pa ilang beses ng naka punta ang Pamilya Guevarra sa kanilang Mansyon ay ni minsan ay hindi siya naipakilala ng kanyang ama sa mga ito, sabagay, paano nga ba siya ipapakilala ng kanyang ama? Isa lang naman siyang anak sa labas. Mag dadalawang oras na ngunit ni isang kaibigan ni Luis ay hindi niya nakitang dumating upang samahan ito. 'marahil siya lamang talaga ang nandito' ani sa isip ng dalaga Mabilis na lumipas ang mga oras at matatapos na ang shift ng dalawa, ngunit narito parin at mag-isang nagiinom ang binata, kasalukuyan itong nakasandal sa sofa at naka dantay ang isang braso nito sa kanyang mukha kaya hindi din makita ng dalaga ang ekspresyo nito. alam ni Aira na malakas na ang tama ng binata dahil sa dami ng alak na nainom nito, gustuhin man niyang pigilan ito sa paginom ay hindi naman maari dahil malamang ay siya lang din ang mapapagalitan kapag pinigilan pa niya ito. "Aira ano? tara na! balak mo pa bang mag overtime? ala-una na tara na antok na ako" pag-aaya ni Tine sa kaibigan, ngunit tila ba ayaw pang umuwi ng dalaga, nag dadalawang isip pa kasi siya kung gigisingin ba niya ang binata, nakatulog na rin kasi ito dahil sa sobrang kalasingan. "Eh paano sya?" nag alalang tanong niya nito. "anong paano siya? yung susunod na shift na bahala sa kanya, baka pag nagising yan oorder ulit yan" pangangatwiran naman nito. "pero si Luis yan eh?" saad ng dalaga mababakas sa tono ng boses nito ang pagaalala para sa kaligtasan ng binata, nagtatakang napatingin naman sa kanya ang kaibigan bago muling tumingin sa natutulog na binatang naka salampak sa sofa ng VIP section. "si Luis? as in si Luis Guevarra? yung palalabs mo?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "shhh! wag kang maingay!" agad nitong tinakpan ang bibig ng kaibigan sa takot na marinig ng binata ang sinabi nito. "Aray ha!" agad nitong inilayo ang kamay ng dalaga sa pagkakatakip nito sa kanyang bibig. "wala ka namang choice eh! alangan bitbitin mo yan pauwi? hayaan mo na siya sa susunod na shift, baka mamaya mapagalitan pa tayo ni Madam manager, tsaka baka nag away na naman sila ng jowa niyang si Riza the Queen bee, move on na be! let him be tutubi! baka nais niya mag emote mag isa, tara na!" pangungumbinsi nito. wala na naman nang nagawa ang dalaga kundi sumang-ayon na lang, ngunit bago tuluyang umalis ay kinumutan muna niya ang binata gamit ang jacket nito. Matapos mag bihis at makapag paalam sa mga kasamahan ay agad na lumisan ng bar ang dalawa upang makauwi na, hindi pa man nakakalayo sa nasabing lugar ay may na anigan silang isang lalaki na nakasalampak sa daan, naka sandal ito sa labas ng pintuan ng sasakyan nito na naka park sa harap ng bar, dahil sa kuryusidad ay dahan-dahan nilang nilapitan iyon upang makita kung sino ito. "Luis?" Gulat na sabay nilang sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD