Our Mistakes Chapter 3

1120 Words
(Flashback 4 years ago) Habang abala ang dalaga sa pag re-review para sa na lalapit na entrance exam sa University na nais niyang pasukan, mahihinang katok mula sa pinto ng kanyang silid ang pumukaw ng kanyang atensyon. "Aira iha" malumanay tawag sa kanya ng kanyang Nanay Lourdes, bago tuluyang buksan ang pinto at pumasok sa loob. "anong ginagawa mo?, hindi bat dapat ay natutulog ka ng maaga para mas lalong gumanda ka sa kaarawan mo bukas?" Masayang tanong nito sa dalaga, ngunit ngiti lamang ang isinagot ng dalaga sa matanda kasunod ng pagyuko nito. agad namang na unawan nito ang ibig sabihin ng simpleng ngiti na iyon ng dalaga, para sa kanya ay wala namang espesyal sa araw na iyon katulad lamang din iyon ng iba pang mga simpleng araw sa buhay nito. "ilang minuto na lang Daisy otso ka na malay mo paggising mo ay may surpresang inihanda pala si Sir Rafael para saiyo" pag aalo ng matanda sa kanya. "Hindi nga po yata alam ni daddy ang birthday ko eh" mahinang tugon nito bago muling itinuon ang atensyon sa binabasa, ayaw na lamang nitong paasahin pa ang sarili na balang araw ay kikilalanin rin siya ng ama na isa sa mga anak nito. "Kung nandito lang si Rafa malamang ay mag papahanda iyon" Ani ng matanda. Ang kuya Rafa lang naman niya ang nag aabalang ipagdiwang ang kanyang kaarawan, naalala pa nito noong huling beses na nag celebrate ang magkapatid ng kanyang birthday, naisip kasi ng kanyang kuya na sa mini tree house sa likod ng kanilang bahay mag diwang, hinahabol pa sya nito upang pahiran ng icing sa kanyang mukha ng hindi sinasadyang matabing ng dalaga ang gaserang nag sisilbing ilaw sa loob ng mini tree house, mabuti na lamang ay hindi kumalat ang apoy dahil agad ding naapula iyon ng kapatid bago pa lumala ito at maging uling sila pareho. Hindi mapigilan ng dalaga ang mapangiti sa alalang iyon, noon pa man ay ang panganay na kapatid na ang unang bumabati at nag aabalang ipaghanda ang dalaga, at ito ay yung mga panahong nasa Pilipinas pa ito, sa kasalukuyan kasi ay mag tatatlong taon na si Rafa sa Singapore upang ipagpatuloy ang pag aaral sa kolehiyo. "wag ka ng malungkot, ito oh nag ambagan kami nila ate Lina, Cynthia at kuya Carlos mo para may ipang regalo sayo" Masayang sambit nito bago ibinigay ang isang kahon ng sapatos na nag lalaman ng isang rubber shoes. Pilit pa itong tinago ng matanda sa kanyang likod kanina upang di mahalata ng dalaga. Masaya niyang tinanggap iyon bago niyakap ng mahigpit ang matanda bilang pasasalamat. "Hala hindi na po dapat kayo nag abala pa!" Saad ng dalaga, agad at nag mamadaling binuksan ni Aira ang kahon, tumambad sa kanya ang isang Original na white Nike rubber shoes. "Hindi na namin na balot pa, kaninang tangahali lang kasi dumating, iyan ang naisip naming ibigay dahil alam naming magagamit mo iyan sa susunod na pasukan, sabi kasi ni ate Lina mo ang mga College students daw ay hindi na daw nag susuot ng Uniform, kaya Rubber shoes na lang ang naisip naming ipangregalo sayo" "maraming salamat po Nanay Lourdes pasabi na rin po sa kanila ate Lina, ate Cythia at kuya Carlos" "walang anuman oh sya matulog ka na ako'y matutulog na rin" "Opo salamat po ulet" masayang sambit ng dalaga. Hindi pa man nakakalabas ng kwarto ang matanda ay agad namang may kumatok sa pinto ng kanyang silid, nag katinginan muna ang dalawa bago tuluyang buksan ng matanda ang pinto, tumambad sa kanila ang isa pa nilang kasambahay. "Ate Lina" Masayang wika ni Aira, agad naman itong niyakap ng kasambahay. "Bukas na kita babatiin ha? bukas pa naman birthday mo" Pabiro nitong sabi, nagtawanan pa ang tatlo bago muling nag pasalamat si Aira sa regalong binigay nila. "Oo nga pala muntik ko ng makalimutan pinapatawag ka ni Sir Rafael, nasa Library siya" kunot noong tiningnan ng dalaga ang mga ito, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka, hindi naman ito basta ipapatawag ng kanyang ama ng walang dahilan. "May nagawa po ba ako?" kinakabahang tanong nito sa dalawa. "ano ka ba! wag mong isipin yun! malay mo tatanungin ka kung anong nais mo para sa kaarawan mo bukas! malay mo siya pa ang unang bumati sayo tutal mag aalas dose na rin naman" Masayang sambit ng matanda. Kinakabahan man ay agad na tinungo ni Aira ang library kung saan nag hihintay ang kanyang ama, mahihinang katok sa pinto ang ginawa niya, maya-maya pa ay narinig na niya ang hudyat ng ama na maari na siyang pumasok sa loob. "Da–" Hindi na natapos ng dalaga ang pagtawag dito ng pinutol agad ng kanyang ama ang sasabihin at pabagasak na nilapag nito sa kayang harap ang puting sobre. "open it" simple ngunit maawtoridad na saad nito. Nagtataka man ay kinuha ni Aira ang sobre at agad na binuksan, nanlaki ang mata nito ng makita ang laman nito, agad na sumilay ang mga ngiti sa labi ng dalaga, sa pagkakataong ito ay napatunayan niyang hindi nakalimutan ng tatay niya ang kayang kaarawan. "That would be the last money that you will receive from me, from now on you have to provide for yourself" parang na bingi ang dalaga sa kanyang narinig mula sa kanyang ama. "for the past 11 years kinupkop kita, pinatira sa bahay ko, pinakain, binihisan binigyan ng Edukasyon at siguro naman sa loob nang mahabang panahong iyon ay sapat na para makabawi ako sa pagkakaligtas mo sa buhay ng anak kong si Rafa" Parang gumuho ang buong mundo ni Aira sa sinabi nito, inakala niyang kahit papaano ay na alala man lamang ng kanyang sariling ama ang kaarawan niya, ngunit nag kamali na naman siya, dahil imbes na maging masaya sa kanyang espesyal sanang araw ay ito siya ngayon, muling pinapamukha sa kanya na hindi siya tanggap at kahit kailan ay hindi siya ituturing na anak ng kanyang ama. "At dahil nag aaral ka pa lamang pumapayag ako na dito ka muna tumira hanggang maka graduate ka, ganun pa rin tirahan at pagkain mo ay sagot ko, ngunit ni singkong duling ay wala ka ng makukuha pa sakin simula ngayon." Kasabay ng pag patak ng alas dose ng hating gabi ay tuloy-tuloy na pag agos ng mga masasaganang luha sa mga mata ni Aira, sapo-sapo nito ang dibdib habang nag lalakad sa kung saan siya dahil ng kanyang mga paa, ni hindi na nga matandaan pa ng dalaga kung paano siya nakaalis sa harap ng kanyang ama, ang tangi lamang niyang natatandaan ay ang mga masasakit na salitang binitawan nito, at kung gaano ito kasakit para sa kanya na para bang unti-unting dinudurog ang kanyang puso. End of flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD