Our Mistakes Chapter 2

1117 Words
Mag aalas syete na ng umaga nang magising si Aira, agad Itong nag tungo sa banyo upang mag hilamos ng mapansin sa salamin ang namamaga nitong mga mata, nakatulugan na naman nito ang pag iyak, binalewala na lamang niya Ito, wala ng rin namang bago doon, sapagkat simula nang dumating siya sa poder ng ama noong seven years old pa lamang siya ay wala namang araw na hindi ito nakakatikim ng masasakit na salita mula sa nakababatang kapatid, mabuti na nga lang at mabait ang panganay na si Rafa at tanggap siya nito, pero minsan hindi rin mawala sa isip ng dalaga na marahil kaya lamang ganoon ang turing nito sa kanya ay dahil tumatanaw lamang ito ng utang na loob, sa kadahilanang ito ang nag ligtas ng buhay niya noong bata pa lamang ito na syang naging dahilan kung bakit napilitan ang daddy nila na tanggapin ang anak nito sa labas. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga bago napagpasiyahang ayusin ang sarili upang makababa na at makapag almusal. Palabas na sana si Aira nang marinig ang mahihinang katok mula sa labas ng pinto ng kanyang silid, agad na binuksan nito iyon at tumambad sa harapan niya ang kanyang Nanay Lourdes na may dalang isang tray ng pagkain, agad namang pilit na ngumiti ang dalaga, binuksan nito ng malawak ang pintuan upang makapasok ang matanda sa loob ng silid. "pasensya ka na iha, mag-isa ka na namang kakain" pag papaumanhing saad nito sa dalaga, isang buntong hininga ang pinakawalan ni Aira bago malungkot na tinitigan ang pagkaing nasa kanyang harapan. "maaga kasing umalis si Sir Rafael, may hahabuling flight daw kaya si Madame Elise lang ang kasabay ng mga kapatid mong kumain, alam mo naman kapag ganon diba?" Pagpapaliwanag ng matanda sa dalaga. Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi nakakasabay sa pagkain si Aira kapag ang Step mother lamang niya ang tanging kasama nila sa hapag kainan, kahit naman siya ay naiilang kapag kaharap ito, kahit pa wala namang sinasabing hindi kanais-nais ang madrasta sa mismong harap niya, dahil literal na hindi naman siya nito pinapansin, para lamang siyang hangin sa paningin ng madrasta, ngunit kahit na ganun pa man siya ituring nito ay hindi naman itinatago pangalawang ina ang pagkadisgusto sa dalaga, ipinagbabawal nitong sumabay si Aira sa hapag kainan kapag wala ang asawa nito. "Ayos lang po Nanay Lourdes sanay naman na po ako, mas ok pa nga po ang ganito eh, hahahaha" saad nito at sinabayan pa ng pekeng tawa, bago kinuha ang kutsara at nag umpisa nang kumain. Hindi naman nakalagpas sa matanda ang lungkot sa mga mata ng dalaga, ngunit ano pa nga ba ang kanyang magagawa?. "Hala sige, kumain ka ng madami ha? dumaan ka sa kusina mamaya para kunin ang lunch box mo wag mong kakalimutan, ubusin mo yang pangkain mo, ang payat mo na" Saad nito bago tuluyang lumabas ng kwarto ng dalaga. hindi pa man nagtatagal ay may mahihinang katok na naman sa pintuan ng kanyang silid, akma na sana siyang tatayo upang pagbuksan ang taong nasa likod ng pinto ngunit kusa itong bumukas kasabay ng pagpasok ng kanyang nakakatandang kapatid na may dala-dalang tray ng pagkain. Nag tatakang nag palipat-lipat ang tingin ni Aira sa kapatid at sa dala nito. "Dinalhan mo ako ng pagkain? pero hinatiran na ako ni Nanay Lourdes" Saad ng dalaga, ngunit tinawaan lamang siya nito at nag dire- diretsyong pumasok sa loob ng silid, prente itong umupo sa kama at inilapag doon ang dalang pagkain kung saan kumakain ang dalaga, nakakunot noo namang nakatingin sa kanya si Aira. "Ano ka Gold? pagkain ko ito, dito ako kakain sasamahan kita" Masayang wika nito bago nag umpisa naring kumain. "Baka hanapin ka ni mommy Elise?" Nag aalalang tanong nito. "Hayaan mo siya pangit naman siya ka bonding eh, tsaka gusto kong kumain habang nakitingin sa pangit mong mukha na i-inspired akong kumain hahahaha!" natatawang saad nito, agad namang sinamaan ng tingin ng dalaga ang kapatid. "Bakit mo pa tinatawag na Mommy Elise si Mommy? dapat tawag mo sa kanya ay bruha hahahaha!" muli pang saad nito na sinabayan pa ng nakakalokong tawa, nanlaki naman ang mga mata ni Aira sa sinabi ng kapatid, Hindi niya inaakalang tinawag niyang ganon ang sariling ina. "Kuya Rafa!" saway nito. "Joke lang! ang arte naman kasi ni Mommy, na kakasabay ka naman namin kumain pag nandyan si Dad tapos pag siya lang ayaw niya" napapailing na tinuon na lamang ni Aira ang pansin sa kanyang pagkain. "Ayos lang naman sakin iyon kuya Rafa, at least kahit papano nakakasabay parin naman akong kumain sa inyo paminsan-minsan, sapat na sakin iyon" Makatwirang saad nito. Hindi naman nalalayo ang trato ng kanyang ama sa trato ng kanyang madrasta, katulad nito ay parang hangin lamang din ito sa paningin ng ama, nakakausap lamang ng dalaga ito kapag napupuna nito ang malilit na bagay na sa tingin nito ay hindi kaaya-aya. kung meron man siyang dapat ipagpasalamat sa kanyang ama, ito ay hinayaan siyang patirahin dito sa mansyon, dahil simula noong hindi na siya balikan ng sariling ina, ito na ang nag paaral sa kanya, nag bigay ng bubong na masisilungan, pagkain sa araw-araw, at sariling kwarto sa loob mansyon, kahit papano pakiramdam niya ay tinuturing din siyang anak nito. "pasensya ka na Ai, kung may magagawa lamang ako para tratuhin ka nila ng maayos ginawa ko na" sinserong saad nito. "Ayos lang ako kuya Rafa, at least nariyan ka para sakin, pati narin sina Nanay Lourdes, tsaka kahit papano maswerte parin ako dahil kinupkop ako ni daddy, hindi rin naman ako sinasaktan ni mommy Elise kaya ok lang" nakangiting saad nito, agad namang ginantihan ng ngiti ni Rafa ang kapatid bago sila muling nag patuloy sa pagkain. "gusto mo ihatid na kita sa University mo?" Saad ni Rafa sa dalaga agad namang umiling ito bilang sagot. kakatapos lamang ng dalawa kumain at nag ha-handa na ang dalagang umalis. "12 pa ang pasok ko sa University, dadaan pa ako sa cafe, may part time ako doon" masayang saad nito sa kapatid. "Aira, di mo naman kaylangang mag pakakuba para magkapera, I can provide everything that you need, I'm your older brother, you know that you can count on me always" agad nitong hinawakan ang kamay ng dalaga, umiling lamang ang dalaga bago muling nag salita. "wag ka nang mag alala pa sakin kuya Rafa, graduating naman na ako, isang semester na lang naman ang kailangan kong tapusin, kaya ko nang pagtiisan" nakangiting saad ng dalaga. Aira doesn't have any choice but to provide for herself, sariwa pa rin sa kanyang alala ang mga katagang binitawan ng kanyang ama sa saktong araw ng kanyang kaarawan, apat na taon na ang nakakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD