Malakas na ingay mula sa loob ng bar at mga lasing na mga kabataan ang sumalubong kay Aira at sa kaibigan nito, ingat na ingat ang dalaga upang hindi madikitan ang mga taong nag lalampungan sa entrance ng bar.
"Hoy Aira bilisan mo! dun tayo sa kabilang room" Saad ni Tine ang kaibigan ni Aira
"sigurado ka ba? baka may makakita sa atin dito tapos kung ano pa ang isipin!" Pag aatubiling wika nito
"Anong iisipin? hindi naman tayo nandito para makipag party, nandito tayo para mag part time"
nakapasok na ang dalawa sa kwartong tinutukoy ni Tine, 'crew and personnel only' ang na kasulat sa labas ng pinto ng kwarto.
"Tsaka hindi naman halatang party ang ipinunta natin dito hahaha!" natatawaang saad nito, maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng nasabing kwarto at niluwa nito ang isang hindi katandaang babae na nakakasuot ng uniform na may nakalagay na 'manager' sa kanang bahagi ng uniform nito.
"Kayo na siguro yung part time?, ito yung uniform niyo, bilisan ninyong mag bihis mag uumpisa na ang shift ninyo, madami tayong customers ngayon kaya maghanda kayo" mariing saad nito bago tuluyang nilisan ang kwarto at iniwan ang dalawa upang makapag palit ng damit.
"mag se-serve lang kayo ng drinks sa VIP section"
Saad ng manager sabay turo sa taas kung saan ang ang VIP section na tinutukoy nito.
"kung ano man ang mga sasabihin o hihingin ng mga customer natin na wala sa menu o labas na sa trabaho ninyo ay magalang na lang ninyong tanggihan o hindian, kung magkaroon ng problema sabihin nyo agad sa akin" Saad nito habang nag lalakad kung nasaan ang puwesto nilang mag kaibigan.
"Ikaw" tawag nito kay Tine
"nakikita mo yung VIP section 5? doon ang puwesto mo, mananatili ka lamang na nasa sulok upang madali ka nilang tawagin at makuha ang order nila, ito ang note pad mo, dito mo ilagay lahat ng order, kapag may nabasag kang alak, baso or plato ikakaltas ko iyon sa sasahurin mo maliwanag?" mataray na sambit nito bago naman tinuon ang pansin kay Aira.
"At ikaw sa VIP section 6 ka, katulad ng sinabi ko sa kanya ganun din ang gagawin mo, tandaan, bawat mababasag niyo ay ikakaltas ko sa sahod ninyo na intindihan niyo?" sabay na tumango ang dalawa bilang pagsang-ayon, iniabot din nito ang isa pang note pad na mag sisilbing order slip ng mga taong oorder sa VIP section na naka toka sa dalaga ngayong gabi.
"Good luck sa atin Friendship wala sana tayong mabasag" Saad ni Tine bago sila nag lakad sa kanya-kanya nilang puwesto.
Hindi magkandaugaga si Aira sa pag se-serve ng mga order ng mga customer nila, anim na oras lang naman sila doon ngunit daig pa nya ang isang buong araw at may kasamang overtime na pagtratrabaho dahil sa sobrang sakit ng buong katawan nya, lalo na ng mga paa at binti nya, ni hindi man lang sila binigyan ng pagkakataon na makaupo kahit limang minuto, hindi daw kasi sila full time worker kaya wala silang break time.
"Grabe! daig ko pa ang nag pala ng buhangin! grabe naman si madam! kahit 5 minutes break wala!" padaing na wika ni Tine, kasalukuyan silang nag lalakad pa puntang bus stop upang makauwi na.
"dibale sabi mo isang linggo lang tayo doon diba?" Tanong ni Aira sa kaibigan, tumango naman ito bilang tugon sa tanong niya, saglit na katahimikan ang bumalot sa kanila, maya-maya ay muling nag salita ulit ang kaybigan nito
"Malapit na ang second semester mag e-enroll na naman, meaning pera na naman, kung full scholarship lang din sana ako kagaya mo hindi sana ako namomroblema ng ganito" Saad nito na sinabayan pa nang malakas na buntong hininga.
"sabihin mo sa akin kung kaylangan mo ng tulong, may naitabi naman akong konting pera mula sa mga part time natin, papahiramin kita" masayang wika naman ng dalaga.
"paanong may naiipon ka kung pareho lang naman tayo ng raket?, unless~?" mapanuring nitong hinagod ng tingin ang kaibigan mula ulo hanggang paa ng may halong pagdududa, agad namang binatukan ni Aira ang kaibigan ng mapagtanto ang iniisip nito.
"Sira! full scholar ako malamang! hindi talaga ako gagastos ng tuition fee at mga libro!, sa madaling sabi ligtas ako sa bayarin maliban sa pagkain at pamasahe" wika nito na sinabayan pa nang pag irap ng mga mata.
"Sana all" ang tanging na sabi na lamang ng kaibigan nito.
"Ayan na yung bus sakay na tayo"
Mag aalas dos na ng madaling araw ng makarating si Aira sa bahay nila, mabuti na lang at hinintay talaga siya ng nanay Lourdes niya upang pag buksan ng gate.
Dahan-dahan itong nag lakad na animo'y mag nanakaw na nag iingat upang hindi mahuli, dumaan si Aira sa likurang pinto ng bahay nila kung saan siya laging dumdaan sa tuwing ginagabi siya ng uwi, pahakbang na sana siya sa unang palapag ng hagdanan ng biglang bumukas ang ilaw sa sala, daig pa niya ang magnanakaw na nahuli ng may ari ng bahay, tatakbo na sana ito ng mag salita ang taong nasa likuran niya.
"Mukha ka talagang magnanakaw" may pangungutyang saad nito.
"ano kayang sasabihin nila mommy at daddy kapag nalaman nilang madaling araw ka ng umuwi?" Unti-unting humarap si Aira sa taong nag salita, ang kanyang bunsong kapatid.
"galing ako sa trabaho Elly" maikling saad nito, ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ng kapatid.
"at sinong maniniwala sayo? bakit? hindi ka ba binibigyan ng pera ni dad?, well sabagay hindi na ako mag tataka kung hindi ka binibigyan Kasi nga–" Hindi na natuloy pa nito ang pagsasalita ng isang boses ng lalaki ang sumaway dito.
"Elly tumigil ka na!" agad na napalingon ang dalawa sa taas ng hagdan kung na saan nakatayo ang nakakatanda nilang kapatid na si Rafa.
"Aira kumain ka na ba?" Tanong nito sa kapatid habang pababa ng hagdan, tanging tango lamang ang naging sagot ng dalaga.
"Sige na, pumunta ka na sa kwarto mo at mag pahinga" maawtoridad na wika nito bago binalingan ang bunsong kapatid, habang pa akyat ng hagdan ay naririnig niya ang pag uusap ng mga ito.
"Hindi bat sinabi ko na sayo na matuto kang gumalang sa kapatid mo? mas matanda sayo si Aira"
"Hindi ko siya kapatid! anak siya ni dad sa labas so basically hindi ko siya kapatid!" pataray na saad pa nito, napapahilot na lamang si Rafa ng sintido sa tinuran ng bunsong kapatid.
"Elly listen, Aira is still our Dad's daughter, so basically she's our sister too, the fact na mas matanda rin siya sayo kaya matututo kang gumalang"
"anak nga sya ni dad but ayaw naman sa kanya ni dad" pairap na saad nito bago nilagpasan ang nakakatandang kapatid upang umakyat sa hagdan
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay narinig ni Aira ang usapan ng dalawa niyang kapatid, nang mapagtantong paakyat na ng hagdan si Elly ay agad namang pumasok sa sariling kwarto si Aira, pasalampak na humiga ito sa kanyang kama bago pinunasan ang mga luhang di niya namalayang tumutulo na pala.