Caia’s POV Namamangha na napakurap-kurap ako dahil sa naging outburst ni Azul. He's literally pissed off. Halatang-halata at kasalanan ko na naman… yata? Kalaunan ay itinikom ko ang bibig kong hindi ko namalayan na nakaawang pala. "Mukhang mali yata ang tiyempo ko..." Inalis ko ang tingin sa tinahak na daan ni Azul at binalingan si Doc na naroon pa rin sa puwesto nito, katulad ko ay kababakasan din ng pagkagulat at worry ang hitsura. I caught him smiling awkwardly. "Parang mali ang diskarte na nagawa ko. Sumobra yata. S-Sorry..." I smiled apologetically and shook my head. "No. Hindi mo kailangang mag-sorry, wala ka namang ginawang mali, Doc. He's right. Ang totoo ay ako ang may kasalanan. Besides... nadamay ka lang sa init ng ulo no'n." Sinulyapan nitong muli ang direksiyon na t

