Caia’s POV Nakakainggit tuloy. Napalis ang ngiti ko noong may maalala— si Timmy. Mabait at mabuti rin itong tao katulad ni Doc. But unluckily, he's out of my life now. Kaya hindi ito counted. Ibinalik ko ang ngiti ko noong makita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin. "Friends naman na tayo, right?" Napakurap ito, tila nagulat sa tanong ko. Out of topic naman kasi 'yung banat ko, I know. Nangiti rin ito kapagkwan. "Oo naman. Why?" Nakakahinayang. Bakit dito pa sa mundong likha lamang ng imahinasyon ko ako nakatatagpo ng mga kaibigan? Bakit ang unfair? Pag-uwi ko sa totoong mundo, wala na ulit akong kaibigan. Nakakalungkot. Nangalumbaba ako. "I was just thinking... ang suwerte nina Aletha at Azul sa iyo... puwede ko na rin bang isama ang sarili ko na suwerte r

