Caia’s POV Sana mayroong madaling paraan para makaalis ako nang hindi nasasaktan. Sana mayroong madaling paraan upang takasan ang sitwasyon ko. Kaso, ang katotohanan at ang reyalidad sa lahat ng ilusyon na ito ay walang gano'n... walang madaling paraan. Sa umpisa pa lang noong may madama na akong kakaiba, alam kong masasaktan at masasaktan ako kung ipagpapatuloy ko pa rin ang espesyal na pagtingin para kay Azul... dahil hindi naman totoo ang lahat ng ito, kathang isip lang. 'Yun ang masakit, e. 'Yung pinipilit mo namang pigilan pero patuloy lang sa paglago ‘yung nararamdaman mo kahit na alam mo naman sa sarili mo sa umpisa pa lang kung ano ang totoo sa hindi at ang reyalidad sa ilusyon. We're both living in a different world. Na kahit pa pagbali-baligtarin ko man ang mundo at sitwasyon

