Caia’s POV Napatingin ako sa kasama ko na abala ang mata sa pagmamaneho. Iyon nga rin ang gusto kong malaman. He's somewhat familiar to me. At ngayon ko lang iyon napagtanto kung kailan wala na ito. Umayos ako ng pagkakaupo. "Hindi ko po kilala, e. Nakabunggo ko lang po." "Ah, akala ko kakilala po ninyo." Umiling ako. "Hindi po. Ngayon ko lang po siya nakita, kayo po ba? Pamilyar po ba kayo sa kanya?" "Hindi po pamilyar, e. Parang ngayon lang din po. Naku, mukhang interesado ka yata, Ma'am," tukso nito sa huli. Natawa ako nang bahagya. "Naku, 'di po..." Sa amo ninyo po ako interesado, pero hindi naman pupuwede. "O baka naman po siya ang interesado sa inyo, Ma’am? Iba 'yung tingin kanina, e. Saka bakit po hawak 'yung kamay ninyo kanina?" halatang nang-iintrigang tanong nito. "W

