Caia’s POV "Saan ba talaga tayo pupunta, Kamahalan?" usisa ko dahil mula nang makababa kami sa sasakyan nito ay hila na lamang ito nang hila sa akin hanggang sa makarating na kami sa isang park. "Park," maikling sagot nito na sobrang obvious naman kung nasaan kami ngayon. Iniikot ko ang mata ko. "Alam kong park ito, nandito na nga tayo, e. What I mean is bakit tayo narito? Anong gagawin natin dito?" pagkaklaro ko sa tanong ko upang maintindihan ako nito. "Just wait and you'll know," pa-mysterious effect pang sagot nito. Napabuga ako ng hangin. I can't help but think... may date ba ito ngayon at suddenly ay ito ang napili nitong lugar? Ano 'yun nagsawa na ito sa restaurant at cafe? Change of venue naman gano’n? Naks. Ang sarap nitong murahin, mga twelve times tapos times two pa na w

