Caia’s POV Mula sa pagkakatingin sa malawak na kalangitan at sa mga bituin na nakapalamuti roon ay naikurap-kurap ko ang mata ko noong may makitang bumubulusok na liwanag. "Uy! May shooting star!" namamanghang sambit ko sa nakita ko bago mabilis na pumikit at pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko. Taimtim akong humiling. I wish happiness would knock at Azul’s life immediately. At kahit na ano pa ang mangyari, I wish na happy ending ang naghihintay sa huling pahina ng istorya nito. He really deserves that. Wala naman na kasi itong kailangan pang iba sa buhay. Narito naman na kasi halos ang lahat. ‘Yung pangmatagalan at totoong kasiyahan na lang talaga ang wala, saka ‘yung babaeng magiging katuwang at panghabang-buhay nitong makakasama. “What are you doing, Alien?” Mariin akong pumik

