Caia’s POV Isinauli ko na lamang sa bulsa ko ang sukli, hindi na ako kumibo pa upang hindi na humaba pa ang usapan. Ayokong lalong madagdagan ang pagod ko sa pakikipasagutan dito. Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay. Kaagad akong bumaba ng sasakyan noong maihinto at mai-park na nito ang kotse sa garahe. Gusto ko na talaga kasing humiga at magpahinga. Nakakapagod kasama si Azul, utos nang utos tapos ang hilig pang makipagtalo. Na-drain ang energy ko. "Hoy, Alien!" tawag nito sa akin bago pa man ako makalayo. Huminto ako at tamad na nilingon ito. "What? May iuutos ka pa po, Kamahalan?" pangunguna ko na at sarkastikong tanong ko kaagad. Mukha kasing kahit gabi na ay hindi pa ako nito tatantanan sa kakautos. Hindi ko maintindihan talaga ang trip nito.

