Caia’s POV Naging abala ako sa mga sumunod na araw. Isinasama na kasi ako ni Azul sa opisina nito, 'yun nga lang ay para ako nitong PA... personal alalay at hindi assistant. Leshe. Nag-leave kasi ang executive assistant nito at ako ang pinepeste nito na gumawa nung ilang gawain ni Camilla na sa tingin daw nito ay kaya ko naman, pati na ang magtimpla ng kape, magwalis, mag-file ng mga papeles, magpunas ng lamesa nito sa umaga at ibili ito ng pagkain o inumin na biglang nati-trip-an lang nitong kainin kahit na puwede naman sanang order-in at tumakbo sa iba't-ibang departamento kapag may kailangan itong mga papeles. Okay lang sana, e. Kaso nakakairita nga lang dahil kung makautos ito sa akin ay parang kung sinong hari ito, sunod-sunod at laging nagmamadali. Kaya nitong mga nakaraan ay pa

