Caia’s POV "Ipu-pursue at itutuloy mo pa rin ba ‘yung sinabi mo?" malungkot kong tanong. Sa gulat ko ay umiling ito at magaang tinapik-tapik ang itaas ng ulo ko. "No. Nagbago na ang isip ko." Napalunok ako. D*mn. Ano ba ang nakain noong nanggugulo sa kuwento na may hawak sa account ko? Ano na naman ang pinaplano nito at pinagbago na naman ang isip ni Azul? Nakakahilo na. Parang nagiging bipolar na ang behavior tuloy ni Azul. Pabago-bago ito ng isip at desisyon. "W-Why did you change your mind? At ano ang nagpabago sa isip mo?" Nagkibit-balikat ito at ngumiti na naman bago ako tinitigan. "Because of you," tugon nito sabay turo mismo sa akin. Umawang ang labi ko at namilog ang mata ko. "Huh? M-Me?" alanganin na tanong ko habang hindi siguradong nakaturo pa ang darili ko sa sarili ko

