Caia’s POV Nakakatawang isipin, ngayon ko lang napagtanto na kung nakapagsasalita at nakakausap lamang nang personal ng mga karakter sa kuwento ang mga manunulat nito ay siguradong tadtad at katakot-takot na reklamo ang mangyayari. Hindi lang reklamo, malamang ay may kasama pang pagmumura o nakapagbitaw na nang masasamang salita ang mga karakter sa mismong taong lumikha sa mga ito… katulad ko, na hindi malayong matanggap ko mula kay Azul kapag nalaman nito ang lahat. Marami akong mali, aminado naman ako ro'n. Kung tutuusin ay marami akong kasalanan sa mga karakter na ginawa ko dahil sa kung ano-anong naiisip ko na eksena. Kaya nga gusto ko talagang itama ang lahat, pero alam kong hindi ko na kaya pang gawin iyon... huli na ang lahat, lalo pa at natapos ko na ang iba... ang magagawa ko na

