Caia's POV Sumabay ako sa pagbagsak ng palakpak ng mga kasama ko habang umiikot ang bote at hinihintay namin na huminto iyon upang tumuro ang pinakanguso niyon sa susunod na taong tatanungin ng walang kupas na laro noon pa man na truth or dare. Kasalukuyan kaming nasa bahay ngayon at nagkakasiyahan, sa halip na sa labas pa kami kumain upang isakatuparan ang pa-welcome party ng mga kasamahan ko sa trabaho sa akin ay naisip kong dito na lamang sa bahay namin yayain ang mga ito na excited at masayang sinang-ayunan naman ng lahat kaagad. Makalipas ang ilang sandali ay napatili ang mga babae noong sa wakas ay huminto na sa pag-ikot ang bote, ngunit alam kong hindi lang dahil sa paghinto ng bote kaya napatili ang mga ito, kundi dahil mismo sa taong mula umpisa ay ngayon pa lang natapatan ng n

