Caia’s POV Hindi naman ako pumayag pero nadala ako ni Theo papunta sa milk tea house nito. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ito. Gusto kong magmaktol at maglupasay. Bakit ko pa kasi kailangang itanong ang tungkol sa relasyon nung dalawa? Ako pa talaga ang gusto nitong magtanong sa bagay na ayoko namang malaman! "Hey, narinig mo ba ako?" Sumimangot ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi ako pumapayag sa gusto nitong mangyari. "Hey ka rin. Gagawin mo pa akong tsismosa, saka bakit hindi na lang kaya ikaw ang magtanong, tutal ay narito ka rin naman at ikaw naman ang nakaisip niyon," inis na tanong ko. Huminga ito nang malalim. "Hindi kami close para tanungin ko siya ng tungkol doon." "Hindi pala kayo close, e. Bakit kailangan mo pang alamin iyon?" "Caia... iisang tabi mo na muna a

