Caia's POV "May sasabihin ka ba?" tanong ko kay Theo, kanina ko pa kasi napapansin na parang hindi ito mapakali. "Puwede na ba tayong mag-usap? Hindi ka na ba masyadong affected sa nalaman mo kahapon?" diretso namang tanong nito. Nag-aalala ako siyempre para kay Azul. I hope that he's just okay. Sino ba ang hindi magiging apektado, gayong ayaw naman na nitong pag-usapan pa ang paghihiwalay nito at ni Sheena? Hindi pa kami nakapag-uusap nang matino ni Theo dahil sa nalaman ko, nasabi ko na rito ang sagot sa nais nitong malaman pero wala naman kaming napag-usapan kagabi hanggang sa makauwi sa bahay nito. Basta ang gusto at bilin nito ay mamahinga raw ako at ngayon na lang kami mag-uusap. Tumango ako. "Sure ka?" "Oo naman," I answered and gave out a small smile. Huminga muna ito na

