Caia’s POV Bumalik na sa wakas mula sa isang linggong pagli-leave ang assistant ni Azul na si Camilla, dahil doon ay nabawasan na ang gagawin ko. Ang sabi tuloy sa akin ni Kamahalan ay promoted na raw ako, sasarap na naman daw ang buhay ko at wala na naman daw kasi akong gagawin. Ang kapal talaga ng pagmumukha nito, paanong sasarap ang buhay ko kung karay-karay pa rin ako nito sa kung saan nito gustong pumunta? Ultimo kapag may bigla itong naisipan o natipuhan na inumin at kainin ay kailangan talaga na ako pa ang isasama nito para bumili, pati nga rin kapag may business meeting ito sa labas ay isinasama rin ako nito, kapag pumapayag ang ka-meeting nito ay kasalo rin ako ng mga ito sa hapag, kapag hindi naman ay nananatili ako sa malapit lang na mesa mula sa puwesto ng mga ito na mas gus

