Caia’s POV "Sino?" Ngumiti ako nang bahagya. "Si Timmy. A friend that I never expected would really exist in my life, kasi nga nasanay naman na akong mag-isa. And I know that I'll be just fine being alone. Sanay naman ako, libro nga lang ay masaya na ako. Pero binago niya ang paniniwala ko. I let him break all the barriers that I've set up around me. Naging magkaibigan kami, hanggang sa lumalim ‘yung closeness namin... nagkasama kami ng ilang taon bago naging mas higit pa roon ang nararamdaman namin para sa isa’t isa. Typical love story, nag-usap kami nang masinsinan, nagkasundo at napagpasyahan namin na dalahin na sa mas mataas na lebel ang pinagsamahan namin." "So… I wasn't your first kiss?" Nabaling ang tingin ko rito. Bakit biglang nasangkot iyon sa usapan? Naalala ko na naman tu

