Caia's POV Nilapitan ako ng may-ari ng tinig na tumawag sa akin at hinawakan ako sa braso, hinila ako nito kaya napatayo ako at walang kibong naglakad ito, samantalang ako ay nakasunod lamang dito. What the f**k is going on? Bakit hindi si Azul ang unang nakakita sa akin ngayon? Palagi ay ito, pero bakit ngayon ay hindi? Bakit si Theo? Nasaan si Azul? Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Theo, dahilan para mahinto rin ito sa paglalakad. And why the hell is he here? Hinarap naman ako nito. Litong-lito ko naman itong tiningnan, pinagmasdang mabuti at sinuri. Si Theodore talaga ito, e. Hindi ako maaaring magkamali. Napailing-iling ako at napaatras. Sa paglipas ng sandali ay gustong manghina ng mga tuhod ko. Hindi ito dapat narito. Ano ba 'tong nakikita ko? Halusinasyon

