Caia’s POV Sa halip na isatinig ang totoong nararamdaman ko ay nanahimik ako. Pero masayang-masaya ako sa nalaman ko mula rito mismo. Akala ko kasi ay ako lang ang nakakaramdam ng gano'n dahil bago ako kuhanin ng kabilang mundo noong officially ay naging nobya nito si Sheena ay hindi naman maayos ang samahan namin at malayo ang loob namin sa isa't isa. Akala ko rin ay baka nakalimutan na ako nito ng gano'n na lang kabilis, sino ba naman kasi ako? Niyaya ko itong umupo. Napangiti ako habang nakatanaw sa mga sasakyan na nagdaraan. I won't mind kahit na magpabalik-balik pa ako rito sa waiting shed na ito, for as long as he's also here... with me. Kahit na sa maikling oras lang. "Alien..." "Hmm?" "'Wag mo nang uulitin 'yon." "Ang alin?" taka kong tanong. "'Yung mawala na lang bigla.

