Caia’s POV
Sinubukan kong bumangon upang umupo nang lumipas pa ang sandali ay wala pa ring kumikibo sa mga ito, na-shock yata sa haba nung naging litanya ko upang ilabas ang inis ko.
Ngunit gusto pang madagdagan ng inis ko noong hindi ako tuluyang makabangon.
F*ck.
Madiin na itinukod ko tuloy ang kamay ko sa kama upang gawing suporta sana dahil nabigo ako sa unang subok ko upang makabangon, pero agad na napaigik ako dahil sumigid ang sakit na nararamdaman ko dahil sa hindi ko napansin na may nakasaksak palang dextrose sa akin.
Humahangos naman akong nilapitan noong doktor nga yata na kausap noong lalaking hambog at maingat na hinawakan ang kamay ko. "Mahiga ka pa muna, Miss. Baka mahilo ka niyan kapag binigla mo ang sarili mo," awat nito sa akin sa magaan na tinig bago pinagtuunan ng pansin ang kamay ko na nagdudugo na ngayon.
I guess, doktor nga talaga ito base na rin sa tawag dito na naririnig ko kanina pa at sa ginagawa nito ngayon sa akin.
Kapansin-pansin na hindi lang ang boses nito ang puno nang gentleness at tenderness, kundi pati na rin kung paano ito gumalaw at mag-asikaso.
Iniangat ko ang mata ko papunta sa mukha nito mula sa pagkakatingin ko sa dumudugo kong kamay, habang ito naman ay abala sa pag-aayos sa pagkakasaksak ng karayom na may halong pag-iingat. Nagkaroon ako ng pagkakataon upang pagmasdan ito habang ginagawa nito iyon, sobrang kalmado lang nito at mukhang sanay na sanay na talaga sa ginagawa.
Hindi ko mapigilang pansinin ang panlabas nitong anyo, guwapo rin ito. Pero ang good news ay mukhang hindi naman masama ang ugali, hindi katulad nung isa.
Tumigil ang doktor sa ginagawa at binalingan ako, nahuli tuloy nito ang pagtitig ko.
Nakaramdam ako ng hiya.
Caia, umayos ka nga!
Ngunit mukhang balewala lamang dito iyon dahil nakuha pa ako nito na ngitian. "Higa ka lang muna. Huwag mong binibigla ang pagbangon nang gano’n, baka mahilo ka at baka mawalan ka ulit ng malay, sige ka," tila ba nananakot na sabi nito.
Napakurap-kurap ako, tumikhim muna ako bago nagsalita. "U-Uupo na lang ako. Kaya ko naman na siguro..."
"Are you sure?" concern na tanong nito.
Tumango ako.
Inalalayan na muna ako nito na makaupo bago muling may inayos sa kamay ko. "Ayan, okay na. Huwag mo na munang masyadong ididiin or ipapangtukod ‘yang kamay mong may dextrose hangga’t maaari, ha?" kausap nito sa akin sa kalmadong tinig.
Hindi ko mapigilang humanga rito, lalo pa at ang galing nito dahil sa hindi ko man lang napansin na natapos na pala nito ang ginagawa at ni hindi man lang ako nakaramdam ng sakit.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko rito at sa kamay ko.
"Gusto mo ba ng tubig?" alok nito bago nag-angat ng tingin sa akin, nakangiti ito na lalong nagpatingkad sa hitsura nito.
Tumango ako dahil ramdam ko na nga rin ang panunuyo ng lalamunan ko.
Hindi ko ito hiniwalayan ng tingin kahit pa noong bumaling na ang mata nito sa iba.
"Rashiel, ask someone to get her some water," utos nito.
Lumipat ang tingin ko sa hambog na akala ko ay wala na roon dahil hindi naman na ito nagtangkang magsalita pang muli. Hindi ito kumibo, bagkus ay nakasimangot na lumabas ito kalaunan ng silid.
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin ng kasama ko sa kuwarto nang maiwan kaming dalawa.
Kalaunan ay tumikhim ito upang kuhanin ang atensiyon ko. "Kanina ka pa gising, ‘no? At narinig mo rin ang mga pinag-usapan namin kanina?" tanong nito na mukhang siguradong-sigurado sa sinasabi.
May pagtatanong sa mata na tiningnan ko ang mukha nito at hindi tumugon.
"I can tell that you’re already awake even before we entered this room. Napansin at na-observe ko sa eye movement mo habang nakapikit ka kanina,” patuloy pa nito.
Alright, looks like na hindi ko ito maloloko nang basta-basta. Doktor ito, kaya malamang sa malamang ay alam nito ang mga gano’ng bagay.
Napahinga ako nang malalim bago umamin. "Y-Yeah... kanina pa nga ako gising at narinig ko rin ang mga pag-uusap ninyo."
Ngumiti ito. "Don’t worry, wala akong planong sabihin iyon kay Rashiel, kinumpirma ko lang ang naging obserbasyon ko. Hmm… pasensya ka na nga pala sa mga narinig mo mula kay Rashiel kanina. Masyadong stress lang talaga ang isang 'yon sa buhay. But, I assure you, mabuting tao naman din 'yon."
Gusto kong kumontra sa huling sinabi nito, pinigilan ko lang ang sarili ko at hindi isinatinig ang opinyon ko.
Natawa ito habang nakatingin sa akin. "Ba't ganyan ang hitsura mo? Parang hindi ka naniniwala at sang-ayon sa sinasabi ko?" aliw na tanong nito.
Sumimangot ako.
Patuloy naman itong tumawa.
Tumigil naman din ito kapagkwan, ngunit halata pa rin na natutuwa ito dahil sa nakangiti pa rin ang mga mata nito. "Siya ang sumalo sa'yo noong nahimatay ka, tapos dinala ka n'ya rito sa bahay n'ya at inalagaan. H'wag mo sanang kalimutan 'yon," paalala pa nito.
May punto naman ito.
Pero... ang sama naman talaga kasi ng tabas ng dila noong lalaking iyon, walang prenong magsalita, kahit na nakakasakit na ng damdamin ng iba.
"Madalas na hindi mo makikitaan ng kabaitan ang isang iyon pero may mabuting-loob din 'yon na tinatago. Hindi lang talaga halata."
Bigla kaming nakarinig ng tikhim kaya naalis ang tingin ko sa kaharap.
"Ano ang pinagsasasabi mo sa babaeng 'yan habang wala ako? Siniraan mo ba ako?" maangas na tanong nang bagong dating.
Masama na nga ang tabas ng dila, tapos mapagbintang pa. Ang sama talaga ng ugali.
Tumawa si Doc. "Paano kung gano’n na nga? Affected ka?”
Sa halip na sagutin ang tanong ni Doc ay sa akin bumaling ang lalaki. "Tubig mo, oh. Baka naman gusto mo munang magmumog bago mo kami kausapin? Nagkamalay ka nga, baka mamaya kami naman ang mawalan ng malay," simangot pa rin ang mukha na sabi nito sa akin.
Nabitin ang pag-abot ko sa baso dahil sa mga pangungusap na binitawan nito.
Nag-init ang mukha ko noong ma-realize na hindi pa nga pala ako nagmumumog, at for goodness' sake, tatlong araw akong nakatulog ayon na rin sa mga ito at ibig sabihin lang niyon ay sobrang daming germs na ng bibig ko.
Oh, my God! Shocking!
Parang gusto ko tuloy amuyin ang sariling hininga ko, kaso baka mawalan na naman ako ng malay.
"Kamote, ang tagal naman. Nangangawit na ako," untag sa akin ni Rashiel dahil hindi na ako nakakilos pa para abutin ang baso rito.
"Paano niya naman iyan aabutin, hindi naman pangmumog ang kailangan niya kundi tubig para inumin," sabat ng mabait na boses ni Doc at ito na mismo ang umabot sa nakaumang na baso sa akin.
"Yeah, right," maarteng sagot pa ni Rashiel.
Gusto ko itong batukan sa totoo lang, pero tama naman ito sa sinabi. Mukhang kailangan ko ngang magmumog.
Dapat pala ay kinuha ko na kanina pa at inabot ang inaalok nito.
Para nakapagmumog na sana ako tapos sa mukha nito ako magbubuga ng tubig.
Ang fun siguro no’n.
Nakakabwiset naman talaga kasi ang tabas ng dila nito, ang sarap putulin at iihaw, tapos ipapakain sa aso.
Upang hindi na madagdagan pa ang pagkaasar na nararamdaman ko rito ay ibinaling ko na lang ang tingin sa doktor na kasalukuyan palang nakatitig sa akin.
Gulat tuloy na naikurap-kurap ko ang mata ko bago napangiti nang kimi. “P-Pwede bang gumamit muna ako ng comfort room?” naiilang na tanong ko habang patuloy pa rin ito sa pagtitig sa akin.
Ibinaba nito sa bedside table ang baso at akmang bubuhatin ako ngunit pinigilan ko ito kaagad.
“M-Maglalakad na lang ako. Kaya ko na siguro.”
“Sigurado ka ba?” may pag-aalala na namang tanong nito.
Tumango-tango ako.
Inalalayan naman ako nito kaagad nang kumilos ako upang ibaba ang paa ko sa sahig, iginalaw-galaw ko muna iyon, pagkatapos ay tinantiya ko muna ang mga binti ko nang ibigay ko na roon ang buong bigat ko, makalipas ang ilang sandali ay may pag-iingat na sinubukan kong ihakbang ang paa ko.
Napangiti ako. “See? Kaya ko na,” pagmamalaki ko kay Doc.
Bahagya itong natawa. “Pero aalalayan pa rin kita, mahirap magtiwala sa mga binti mo, lalo pa at ilang araw na napahinga ang mga iyan, siguradong naninibago pa.”
Hindi na ako tumutol pa, inalalayan nga ako nito habang tulak-tulak ko gamit ng isang kamay ko ang IV stand hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa CR.
“Tawagin mo lang ako kapag may problema, kapag nahilo ka or may maramdaman kang kakaiba, okay?” bilin nito bago lumabas at isinarado ang pinto.
Nang maiwan na ako ay inilibot ko ang mata ko sa loob ng CR, bahagyang napangiti ako nang makita na kumpleto ang mga gamit na kakailanganin ko.
Hindi nagtagal ay napagpasyahan ko nang umpisahan ang pagkilos ko nang may kabagalan at pag-iingat upang gawin ang nakasanayan na daily routine ko, naghilamos at nagmumog na rin ako gamit ang libreng kamay ko na walang dextrose.
Nang matapos na ako ay mabagal ang paglakad na itinulak ko ang IV stand upang makalabas.
Nang mabuksan ko ang pinto ay nagulat pa ako nang sumulpot mula sa gilid si Doc, mukhang hinihintay ang paglabas ko.
Napahinga ito nang malalim. “Mabuti at lumabas ka rin, akala ko ay kung na ang nangyari sa iyo.”
Ngumiti ako nang alanganin. “Sorry at natagalan ako. Nahirapan ako dahil dito,” hinging paumanhin ko at tukoy sa dextrose na nakakabit sa kamay ko.
“Oh, right. Nawala sa isip ko na baka dahil diyan kaya ka natagalan,” tugon nito at inalalayan na akong muli pabalik sa kama.
“Pero hindi ka naman nakaramdam ng hilo?” tanong nito nang tuluyan na akong makaupo.
Umiling ako.
Tumango-tango ito bago dinampot muli ang baso na may laman na tubig. "Here. Malinis 'tong dalang tubig ni Rashiel, uminom ka na," pag-a-assure sa akin ni Doc at iniumang na sa akin ang baso.
May pag-aalangan na tinignan ko iyon.
Totoo nga kayang malinis? Baka kung saan lang kinuha nung hambog iyon, asar pa naman ito sa akin.
"Kamoteng ‘yan, sa akin pa talaga nagduda," pasaring nito.
Pigil na pigil ang pag-irap na tinanggap ko ang baso at tuloy-tuloy na tinungga iyon. Hindi ko na pinansin pa ang sinasabi nito.
Nang matapos ako ay nagkusa na akong ibaba ang basong wala ng laman sa bedside table, nagulat pa ako nang pagbaling ko sa dalawang kasama ko sa kuwarto ay nakatingin nang may pagkamangha ang mga ito sa akin.
"What?" nagtatakang tanong ko.
"You're really something…" sambit ni Rashiel na hindi maalis ang pagkamanga sa mukha.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Something?”
“Yeah, ang galing mong uminom ng tubig,” tugon pa nito.
Sarkastiko akong napatawa. “Uminom lang ng tubig, I am something na agad? Something what? Pang-iinsulto na naman ba 'yan?" diretsang tanong ko.
Sa halip na sagot ni Rashiel ang marinig ko ay ang pagtawa ni Doc ang umalingawngaw sa tenga ko.
Pumalatak si Rashiel dahilan para sumeryoso naman si Doc at nanahimik na.
Umupo ang mga ito kapagkwan sa sofa na naroon na medyo malayo ang puwesto sa kama na kinauupuan ko.
"So… ano ang pangalan mo, Miss? Saan ka namin ihahatid? O kung kaya mo naman ay ikaw na lang kaya ang umuwing mag-isa para hindi na kami maabala pa nang todo," tanong ni Rashiel na mukhang atat na atat na idispatsa ako.
Siniko ito ni Doc at nginitian ako. "Uh… ang ibig talaga niyang sabihin ay kung saan ka namin maaaring ihatid kapag maayos na ang pakiramdam mo."
Nilingon kaagad ito ni Rashiel nang may pagpoprotesta sa mukha. "Puwede na siyang umalis, kahit ngayon na. Anong kapag maayos na ang pakiramdam pa ang pinagsasasabi mo riyan?" tutol nito.
Siniko itong muli ni Doc. "Kaya mo ba siyang pabayaan nang ganyan ang kondisyon? Paano kung mahilo at mawalan na naman ng malay? Hindi mo man lang ba naiisip iyon?"
"Hindi ko na problema 'yon, ‘no. Nagawa ko na ang parte ko, sobra pa nga kung tutuusin."
"Alam kong hindi ka mabait, pero puwede mo naman sigurong paganahin ang kagandahan ng loob mo at kabutihang pilit mong itinatago," patuloy na pangongonsensiya ni Doc.
Sumimangot lalo si Rashiel, "Fine!" napipilitang sagot nito.
Nasisiyahan na ngumiti si Doc bago ako binalingang muli. "So... puwede mo na bang sagutin ang tanong namin ngayon?" baling nito sa akin.
I cleared my throat. "C-Caia Ortaleza..."
"Huh? Kaporma pala. Ano naman ang spelling no'n? K-A-Y-A? Ano ‘yun nickname mo lang?" singit na tanong ni Rashiel.
Medyo pairap ko itong tinignan. "C-A-I-A, hindi K-A-Y-A. And no, hindi ko iyon nickname, that’s my real name."
"Cool. Saan ka nakatira?" tanong muli ni Doc.
"I-I… ah..." nag-aatubili at hindi maituloy-tuloy na tugon ko.
D*mn. Bumalik kasi sa isip ko ang mga pangyayari simula umpisa, mula sa kuwarto ko ay napunta ako sa gitna ng highway, muntik na akong nasagasaan, nakatalo ko si Rashiel, sumakay ako ng taxi at sa ibang lugar ako nadala ng taxi driver kahit na sinabi ko na ang exact address na bababaan ko.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip at matanto ang mga nakita ko, pati na ang mga nangyayari.
Sobrang gulong-gulo na ang utak ko.
"Saan?" untag din sa akin ni Rashiel.
Lumunok ako bago sinabi ang katulad na address na sinabi ko sa taxi driver, pati na ang mga gusaling nakapaligid at deskripsiyon sa lugar. Nagbabaka-sakali na baka ang mga ito ang makatulong sa akin upang makauwi na ako, piping humihiling ako na sana ay namali lamang ng lugar na pinagdalahan talaga sa akin ang driver noong nakaraan o ‘di kaya ay baka hindi lamang kami nagkaintindihan.
Kumurap-kurap pareho ang mga ito at natahimik.
"W-Why are you two looking at me like that? Hindi ninyo ba alam ang lugar na sinabi ko?" tanong ko dahil parang ang weird nang paraan ng pagkakatingin ng mga ito sa akin.
"Sure ka ba sa address na sinasabi mo?” balik na tanong sa akin ni Rashiel.
“O-Of course,” mabilis na sagot ko.
Ano ba namang klaseng tanong ‘yun? Hindi ako puwedeng magkamali.
Ikinunot ni Rashiel ang noo bago ito nagsalita. “Well, sad to say, sakop kasi ng building ko ang kinatatayuan ng lugar na sinasabi mo, Caia."