Chapter 13

2139 Words
Caia’s POV Am I dreaming? Bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko, relax at payapa? Pero kung panaginip ito, bakit wala 'yung tinig na madalas ay biglaan na lang na magsasalita mula sa kung saang lupalop at kakausapin ako? Sa dalas ng panaginip kong iyon na paulit-ulit ay parang nasanay na ako at parang naging parte na ng bawat araw ko ang tinig na iyon, pakiramdam ko tuloy ngayon ay napaka-weird na ng mga ganitong pagkakataon. Hindi ako nagdilat ng mata, katulad na noong lagi kong ginagawa kapag nagigising ako sa umaga, hanggang sa marinig ko ang tinig na palaging kumakausap sa akin sa panaginip. I just hope na hindi ito panaginip. I don't want to feel disappointed upon knowing that this is just a dream again. Gusto ko muna kasing maramdaman ‘yung ganitong payapa na pakiramdam, makatakas panandalian sa mga problema, sakit at alalahanin... 'yung relax lang ang pakiramdam. Nakaka-miss din kasi sa totoo lang. Halos hindi ko na kasi matandaan pa kung kailan ko ba huling naramdaman ang ganito gayong sa araw-araw na reyalidad ng buhay ay ang dami kong naiisip na hindi naman nakakatulong sa nararamdaman ko, bagkus ay nagpapalala pa nga sa sakit at pagkalugmok ko. Pinalipas ko pa ang sandali, hindi ako gumalaw at nagdilat ng mata. Nagpatuloy ako sa paghihintay sa tinig kung bigla na lang itong papasok sa eksena upang bulabugin ang payapa kong pamamahinga. Pero lumipas pa ang segundo ay wala akong narinig kundi ang mahinang tunog na ibinubuga ng aircon. Bigla akong nagtaka nang may matanto, parang hindi kasi pamilyar sa akin ang amoy sa lugar kung nasaan man ako, kilala ko ang amoy sa bahay at sa mismong kuwarto ko, kaya alam kong wala ako sa sarili naming bahay. At isa pa ay napakalambot ng kama na kinahihigaan ko, which is alam kong hindi rin ganito kalambot ang kama ko. Hala. Nasaan kaya ako? Maya-maya ay may narinig na akong iba bukod sa aircon, bumukas kasi ang pinto at kasunod ay ang pagsara rin niyon. May narinig akong mga yabag, tila ba papalapit sa akin. Napigil ko ang paghinga ko. Kanino ang yabag na iyon? Kay Manang Estela kaya? O baka naman si Papa? Naghintay ako sa boses ng mga ito ngunit lumipas na ang segundo ay wala akong narinig alinman sa dalawang tinig na naisip ko. Sh*t. Paano kung nasa loob na naman pala ako ng panaginip? Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang tinig na madalas na kumakausap sa akin sa panaginip. D*mn. Pero kung nasa loob nga ako ng panaginip… ibig bang sabihin ay ito na ang pagkakataon upang makita ko ang mukha nung nagmamay-ari noong tinig na palagian kong naririnig, na gustong-gusto kong makita at makilala sana? Pasimple akong lumunok at pinayapa ang paghinga. Hindi ko mapigilan ang kabahan. "Kumusta na siya, Doc? Buhay pa ba iyan?" sa halip ay tanong noong baritonong tinig. Muntik na akong mapadilat dahil sa hindi iyon ang tinig na kilalang-kilala ko at inaasahan sanang marinig. Lalaki ang may-ari niyon at hindi babae. Hindi rin lalo iyon kina Manang Estela o kay Papa. Bakit bago ang tinig? At teka lang... bakit may kausap na iba? At Doc? As in, doktor? Bakit may doktor? Nakarinig ako ng pagtawa. "Of course, buhay pa. Humihinga pa siya katulad na nang nakikita mo. Natutulog lang siya at namamahinga. Ikaw talaga, masyadong paranoid," tila amused na sagot noong kausap nito. Ay, true nga, may kausap nga talaga. At in fairness, ang sarap sa ears ng boses, napaka-gentle at ang nice pakinggan. Pero teka ulit… sino ba ang mga ito? At ako ba ang pinag-uusapan at tinutukoy ng dalawang ito? "Sige, given na tulog nga. Pero ilang araw na 'yang natutulog. Hindi pa ba 'yan magigising? Ba't ang tagal?" tila inip na tanong nung unang nagsalita kanina. Ilang araw nang natutulog? "Don't worry. Maayos naman na ang lagay at kondisyon niya. Normal lang ang nangyayari. Masyadong exhausted ang katawan niya, kailangan ng pahinga at mukhang bumabawi pa ng lakas," malumanay na tugon naman noong kausap nito. "Baka naman comatose na 'yan, Doc?" Comatose? E, kung tadyakan ko kaya ito para malaman nito na hindi ako naka-comatose? Naramdaman ko ang pagdantay ng mainit na kamay sa pulsuhan ko pagkatapos ay sa leeg ko naman. May mga kaluskos akong naririnig pero hindi pa rin ako nagtangkang dumilat, tila ba may inaayos sa tabi ko ang taong lumapit sa akin. "Bakit siya mako-comatose? Hindi naman siya naaksidente o nabagok ang ulo. Ang sabi mo ay nasalo mo siya bago pa siya bumagsak sa kalsada, hindi ba?" Ah… f*ck! Gusto kong mapadilat na lang bigla. Naalala ko na kasi ang mga pangyayari. But, I thought it was all just part of a dream. So, it was all true? Lahat noong nangyari? Mula sa pagkakakita ko sa lalaking matangkad na mayabang hanggang sa pagsakay ko ng taxi at pagpapahatid kay Manong sa tirahan namin, but for some weird reason ay wala ang eskinita na maaari sanang daanan upang makapunta sa bahay namin, pagkatapos ay lumabas ako ng taxi, bigla na lang akong nahilo, nanlabo ang paningin at boom! Nawalan ng malay? Tanda ko rin na may sumalo sa akin noong akala ko ay hahandusay na lang sa sahig ang katawan ko sa kawalan ng lakas. Pilit kong inaaninag ang lalaki ngunit hindi ko matandaan ang mukha nito dahil sobrang nanlalabo ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako tuluyan ng malay. And I guess, base sa naririnig kong pag-uusap ng dalawang kasama ko, ‘yung lalaking mainipin ang tinig pa talaga ang nagligtas sa akin… "Oo nga. Hindi nga, it's just that…" "What?" Nakarinig ako ng buntung hininga. "You're worried… I thought she's not your girlfriend?" Muntik na akong mapadilat ulit at mapaubo. Girlfriend?! "Hindi naman talaga. Tignan mo nga ang hitsura ng babaeng 'yan! H'wag ka ngang magpatawa, Doc," protesta nung lalaki. Aba't! Ano ang problema nito sa hitsura ko?! Bumangon na lang kaya akong bigla at bigwasan ito? "Tignan? Hmm? Well… actually, maganda siya sa paningin ko." Huminahon akong bigla, gusto kong mapangiti. Mabuti pa kasi ‘tong isang ‘to ang gentle at ang nice na nga ng boses, hindi pa bastos ang bibig. Kahit hindi ko pa man ito nasisilayan at nakikilala ay ramdam ko na agad na makakasundo ko ito. Hindi katulad nung kausap nito na mabuti na lang ay natahimik na dahil puro kanegatibuhan lang naman ang naririnig kong lumalabas sa bibig nito kanina pa. Nakakarindi at nakakapika. "She looks so innocent, too. Mukha rin namang mabait base sa features ng mukha niya, maamo." I heard a scoffed. "Looks can be deceiving." Pinigilan ko ang pagtikwas ng kilay ko. And what does he mean by that? "Siguro nga, pero iba ang pakiramdam ko sa isang 'to. At alam kong ramdam mo rin iyon... hindi mo naman siya dadalhin dito at ililigtas kung alam mo na masamang tao siya." So, si boy negative nga talaga ang nagligtas sa akin? Nakarinig na naman ako ng buntung hininga. "Pero kailan pa siya magigising? Bakit ang tagal?" makulit na tanong na naman nito at pagbabalik sa pinag-uusapan kanina. "Let her rest for a while. Her body badly needs it." "Tatlong araw na, Doc. Sure ka ba talaga na maayos na siya?" Tatlong araw?! What the hell? Anong nangyari sa akin? Bakit gano’n katagal? Tumawa ang kausap nito. "Do you want her to wake up already? Then, be the prince and do the honor of kissing her. Katulad na lang sa fairy tale, malay mo tumalab at magising na siya?” Hala, anong klaseng suhestiyon iyon? Gusto ba nitong si boy negative ang ma-comatose nang wala sa oras kapag sinubukan nitong gawin iyon? “Are you serious, Doc?” “Actually, no. Ikaw nga itong masyadong seryoso riyan,” natatawang turan ng kausap nito. “Sino ang hindi magiging seryoso kung ‘yung taong tinulungan mo ay tatlong araw nang natutulog?” asar na sagot ni boy negative. “Loosen up. Since, hindi mo kamo siya girlfriend. Let me ask you a question na lang." "What?" tila ba pikang-pika na tanong naman nito sa doktor na kausap. "Sure ka ba na hindi ka interesado sa kanya?" "Nagpapatawa ka ba talaga? Puro ka kalokohan. Of course, I'm sure! One hundred percent pa! Ni hindi ko nga kilala ang babaeng 'yan, e," mabilis na sagot noong mayabang na tinig. "You're too sure and too confident, Rashiel. Well, if you say so." Rashiel? So, Rashiel pala ang pangalan noong nagligtas sa akin na mukhang kaugali noong maangas na lalaking muntik ng makabunggo sa akin. Bukod pa roon, naalala ko tuloy ‘yung pinakapaborito kong karakter sa lahat. Bakit gano’n, kapangalan na nga tapos… kaugali rin? Kaugali... as in, masama rin ang ugali at tabas ng dila. Pumalatak ito. "I'm just worried okay? Nasa poder ko siya. Malay ko ba kung hinahanap na 'yan ng mga magulang o pamilya niya. Tatlong araw na 'yang nandito at natutulog. Sino ang hindi mag-aalala? Baka sa akin pa mapag-abutan 'yan at makasuhan pa ako kung sakali gayong nagmagandang-loob na nga lang ako. Ayokong makaladkad ang pangalan ko sa gulo." Matutuwa na sana ako kahit papaano sa word na ginamit nito na nag-aalala raw ito, pero bago pa man mabuo ang tuwa ko ay nalusaw na rin iyon agad dahil sa mga sumunod na binitawan nitong salita. Gusto kong mapatawa nang pagak. Akala ko kahit papaano ay may mag-aalala na sa kapakanan ko bukod kay Manang kahit na hindi pa ako nito kakilala. Pero mali pala ako sa isiping iyon. Dahil mas inaalala pa pala nito ang sariling kapakanan. Ang sariling pangalan kaysa sa kondisyon ng kapwa nito. He's too self-centered. Katulad na katulad noong lalaking maangas. Gano'n din kasi ang sinabi nito sa akin, ayaw makaladkad ang pangalan. Hah! Ang yayabang! Ba't ba nagkalat ang mga ito? Ang sarap tapusin ng mga lahi. "May dalang malas yata sa akin ang babaeng 'yan, e." Malas? Grabe naman ito. Napakasama talaga ng ugali. "Na-late ako sa meeting dahil sa katangahan niyan noong una kaming nagkita tapos iniligtas ko pa noong pangalawa." Unang nagkita? At what the f*ck... iniligtas? Pumasok bigla sa isip ko ang guwapong mukha nung lalaking nakatalo ko, na muntik nang makasagasa sa akin. Huwag mong sabihin na ito at 'yung maangas na lalaki ay iisa? D*mn. Kaya ba sobrang naiko-compare ko ito roon kahit na hindi ko pa man ito nasisilayan? “Dahil sa kanya ay na-late ako, na-cancel tuloy ‘yung supposedly ay meeting that today. Ayaw na ayaw pa naman nung potential investor na ‘yun ng nale-late sa meeting. Malas,” patuloy na pagkukuwento nito. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa paninisi nito sa akin. F*ck. Bakit pati ‘yung taong hindi ko kakilala ay kayang-kaya akong saktan? Kayang-kaya rin na ipadama at ipamukha sa akin kung gaano ako kawalang kuwenta? Kawalang halaga? Basura? "You're too rude. You need not to say that. She might hear those words even if she is deep asleep." Hindi na ako nakatiis pa sa pagkukunwaring tulog pa rin kaya dumilat na ako at tumuon kaagad ang mata ko sa guwapong mukha noong lalaking masama ang ugali. Hindi nga ako nagkamali sa hinuha ko kanina. Ito nga mismo ‘yung lalaking sagad sa buto ang taglay na yabang. Pinagmasdan ko ito habang nakatuon ang atensyon nito sa kausap. Nakakahinayang lang. Kung bakit kasi hindi nagre-reflect ang kagandahan ng loob sa panlabas na kaanyuan. Hindi patas at makatarungan. "Yes, he's too rude and ill-mannered," matapang na sabat ko na sa usapan kahit na nagka-crack pa ang boses ko galing sa mahabang pagtulog, katulad na noong narinig ko sa mga ito. Gulat naman ang hitsura na napalingon ang dalawa sa akin, parehong parang nakakita ng multo. "Para sabihin ko sa iyo, hindi ko naman ginustong mawalan na lang bigla ng malay at lalong wala akong sinabing iligtas mo ako. Kung ayaw mo naman pala talaga at labag sa loob mo na tulungan ako, dapat ay hindi mo na ginawa iyon. Sana ay hinayaan mo na lang akong humandusay sa kalsada. At para naman sa paninisi mo sa akin sa pagka-late mo, pagsasabing malas ako at pagkabulilyaso ng supposedly ay meeting ninyo ng potential investor mo, sorry, ha? Para sa kaalaman mo, hindi ko rin ginusto iyon. Alam kong may utang na loob ako sa iyo, napakalaki kung tutuusin. Grateful ako sa ginawa mong pagtulong sa akin at marunong din akong tumanaw ng utang na loob. Oo tumulong ka, pero hindi naman yata sapat na dahilan iyon at hindi lalo iyon nagbigay sa iyo ng lisensya upang kung ano-anong masasakit na salita na ang bitawan mo patungkol sa akin," patuloy ko na pilit na pinapakalma ang tinig. Lalong walang nakakibo alin man sa mga ito, lalong-lalo na ang lalaking hindi maganda ang tabas ng dila. Hmp! Ano ka ngayon, hambog?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD