Chapter 12

2004 Words
Caia’s POV Nang alam kong nakalayo na ako ay tumigil ako saglit sa paglalakad at luminga dahil hindi ko na alam kung saan ba ako pupuntang direksiyon, kung liliko ba ako sa kanan, sa kaliwa o didiretso. Argh! Focus, Caia! You need to focus! Pamilyar sa akin ang lugar, alam ko ring nasa Pilipinas ako dahil nagtatagalog naman ‘yung hambog kanina, ang nakakaloka nga lang ay hindi ko alam ang eksaktong lugar kung nasaan ba ako. Leshe naman kasi, bakit tila may powers na ako para makapunta sa ibang lugar. Ang kaso nga lang ay wala akong kaclue-clue kung saan ba ito! Napakamot ako sa ulo habang parang bata na naliligaw, namimili sa daan na dapat kong puntahan. Alin ba ang daan pauwi? At ano ba kasing lugar ‘to? Napawi ang stress ko at napangiti ako nang bigla kong naisip ang telepono ko. Right! Iyon ang sagot sa problema ko upang malaman ang lugar kung nasaan ako at kung paano ba ako makakauwi! Mabagal na ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang kinakapa ko ang telepono ko sa bulsa ng pantalon kong suot para sana gamitin upang malaman ang lugar, nang hindi ko iyon masalat sa kanan ay sa kaliwa naman ang kinapa ko, nang wala pa rin ay ang bulsa naman sa gawing pang-upo ang kinapa ko, pero sa panggigilalas ko ay wala akong nahawakan na telepono alin man sa apat na bulsa na tangi sanang makakatulong sa sitwasyon ko ngayon. D*mn it! Nasaan 'yon? Huminto akong muli sa paglalakad upang mag-isip. Nakagat ko ang labi ko noong maalala na hawak ko iyon kanina habang nasa kuwarto ako, bago napunta sa lugar na ito na hindi ko alam kung saan bang lupalop ng Pilipinas. Sh*t naman talaga, napakamalas. Kinapa ko pang muli ang bulsa ko upang siguraduhin kung wala ngang laman iyon. Kinagat ko nang mas mariin ang labi ko sa inis nang mapagtanto na wala talagang laman iyon, walang laman na kahit na ano! Kahit na barya. Which means, wala akong pambayad para sa pamasahe upang makauwi! D*mn it. Paano na akong makakauwi nito? Napipilitan na lumingon ako sa pinanggalingan ko at may pagmamadali na bumalik kung nasaan kanina ‘yung lalaking hambog na kausap ko. Umaasa na baka sakaling matulungan ako nito. Pero sa pagkadismaya ko ay wala na ito roon pati na ang kotse nitong dala, kahit na iyon naman na talaga ang inaasahan ko ay bumagsak pa rin ang balikat ko. Sus. Ano pa nga ba? E, napakahambog kaya nung isang 'yon. Wala kang aasahan na kabutihan, wala yatang kahit isang mabait na cells sa katawan. Medyo nahimasmasan ako at nagkaroon ng pag-asa na makakauwi noong makakita ako ng taxi na paparating, agad ko iyon na pinara. Naisip ko na kahit na wala akong perang dala ay puwede naman akong makauwi sa amin, sa bahay na lamang ako magbabayad. Nang tumapat iyon sa akin ay binuksan ko kaagad ang pinto at sumilip. Hindi ako pumasok nang tuluyan, bagkus ay ulo ko lang muna at nagtanong. “Manong, saan po itong lugar na ito?” Medyo kumunot ang noo nito, marahil ay nagtataka sa naging tanong ko. “Makati po, Ma’am.” Noong malaman ko ang lokasyon namin ay nakahinga ako nang maluwag, kahit na parang hindi naman ito ‘yung Makati na alam ko dahil sa naninibago ako sa nakikita ko, atleast ay alam ko na medyo malapit lamang ito sa lokasyon ng bahay namin, mga tatlumpung minuto siguro o halos mag-iisang oras ang aabutin kung masyado ang traffic. “Sasakay po ba kayo? Saan po ba kayo?” Tumango ako nang nakangiti at sumakay na sa sasakyan bago sinabi rito ang address ng bababaan ko. Tumingin na lamang ako sa labas sa durasyon ng biyahe upang malibang ako. Sa totoo lang ay naninibago talaga ako sa mga nakikita ko. Sa mga building at kung ano-ano pa na nahahagip ng mga mata ko, para kasing nag-iba at ang daming bagong gusali. Bakit gano’n? Kakatayo lamang ba ng mga iyon? Bakit parang ngayon ko lang napansin? Kahit na weird sa paningin at pakiramdam ay ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon sa dulo. Habang nasa biyahe ay hindi sinasadya na nakuha ang atensyon ko ng isang malaking billboard. Rather, noong guwapong lalaki na nasa billboard! Pamilyar sa akin ang pagmumukha nito. Hindi lang pamilyar, kundi talagang sobrang napakapamilyar! Dahil kakakita ko lamang kanina at kausap ko pa mismo ang hambog na nagmamay-ari sa pagmumukhang iyon! Hindi ako pwedeng magkamali! Kahit pa wala itong kangiti-ngiti kanina at puro pang-iinsulto ang lumalabas sa bibig nito habang kausap ko kanina ay sigurado akong si hambog iyon! Halos mapanganga ako sa gulat at pagkamangha. Lingon-lingon ko pa rin ang billboard kahit na wala na iyon at hindi na abot pa ng tingin ko nang malampasan na namin. D*mn it. Model ba ang hambog na 'yon? O artista? Kaya ba ang yabang-yabang nito? Pero… leshe! Hindi permit ang pagiging modelo o artista para maging mayabang at mang-insulto ng kapwa! "Manong... ano, 'yung nasa billboard po. Bago lang po ba 'yon?" untag ko sa taxi driver. "Alin po, Ma'am? 'Yung guwapo po ba na lalaki?" Tumango ako kahit na napipilitan at labag sa kalooban ko ‘yung narinig kong papuri para sa hambog. "Medyo matagal na rin 'yun, Ma'am. Mga dalawang buwan na rin sigurong mahigit?" hindi siguradong sagot nito. Dalawang buwan na mahigit? Paanong nangyari na hindi ko man lang napansin iyon, sa iilang beses na lumabas ako at may pinuntahan sa parte ng Makati dapat ay nadadaanan ko iyon, kahit na noong nagpunta ako sa huling book signing na dinaluhan ko dahil doon ang venue ng naturang event ay sigurado akong hindi ang mukha nito ang nakabalandra sa billboard, sa pagkakatanda ko ay sikat na artista ang naroon at hindi ang isang pipitsuging model kuno na hambog na katulad nito. "Sure po kayo, Manong? Mahigit dalawang buwan na?" paninigurado ko. "Oo, Ma'am. Bakit po?" Napakamot ako sa kilay ko. "Baka naman po kahapon lang 'yon pinalitan?" Tumawa ito. "Hindi, Ma'am. Ilang beses sa isang araw ko iyon nakikita, e." Weird... sobrang weird... o baka naman ulyanin na itong si Manong? Porke guwapo ‘yung nakalagay na mukha roon dati ay akala nito ay iyon din ang nagmamay-ari sa mukha na naroon ngayon. Hindi na ako kumibo pa at hinayaan na lamang. Kumunot ang noo ko noong ihinto ni Manong ang sasakyan, nagulat pa ako noong sinabi nito na naroon na kami sa address na binanggit ko. "M-Manong, hindi po rito," sagot ko dahil iba ang nakatayo sa lugar na inaasahan ko, isang mataas na building. Kumamot ito sa ulo. "Pero ang sabi n'yo ho ay rito, Ma’am. Ito na po ang lugar na binanggit ninyo." "Hindi po, Manong. Iba ho yata ang lugar na ito," pilit ko. "Pero ito na ho 'yun, Ma'am. Ito lang ho ang street na may pangalan na ganito. At ang sabi n'yo ho ay malapit sa 7-eleven at intersection, 'di ba?" turo nito sa sinabi ko nga kanina. Luminga-linga ako sa paligid. Kaagad na nakaagaw ng pansin ko ang nawawalang eskinita na maaaring pasukan upang makarating sana sa mga kabahayan, kasama na ang sa amin. Nasa likod kasi ang mga iyon ng mga establishimento na nakatayo sa panig na iyon, ngunit ang mga gusali ay wala rin, sa halip ay mataas at malawak na building ang nakatirik at sumasakop sa buong lugar. Nilingon ko naman ang kabilang panig pero sa pagkamangha ko ay 'yung mga iyon pa rin naman ang mga nakatayong establishimento roon. Walang nagbago pero... ano ang nangyari sa hilera ng bahay namin? Bakit naiba? Sh*t. At nasaan na ‘yung bahay namin? Sa laki at luwang ng building na nakikita ko ngayon ay siguradong nasakop na rin niyon ang lupa na kinatatayuan ng bahay namin. Napalunok ako. Ano ba talaga ang nangyayari? At huwag mong sabihin na nawala lang ako saglit ay nawala na rin na parang bula ang bahay namin? Anong kalokohan iyon? Nasapo ko ang noo ko. "Ma'am?" untag sa akin ng driver. Napalunok ako at napatingin sa metro. D*mn. Halos magtatatlong-daan na iyon. At for goodness' sake, wala akong pangbayad kahit na pisong duling! Ano ang gagawin ko? "Dito na ho ba o sa iba pa, Ma'am?" "D-Dito na ho... yata?" atubili kong sagot na patanong din. Hindi kasi ako sigurado. Naguguluhan na ako sa nangyayari. Pero ang mas dapat kong problemahin sa ngayon ay kung paano ba ako magbabayad! D*mn it! Paano kong sasabihin dito na walang akong perang dala? Lumunok ako habang nakikipagtitigan sa driver. Kumilos ako upang bumaba, kahit na napakataas ng sikat ng araw ay hindi ko na iyon inintindi pa, ang mahalaga ay ang makahanap sana ako ng kakilala kahit na alam kong ang imposible ng iniisip ko. Kaagad namang bumaba rin ang driver. "Ma'am, hindi pa ho kayo nagbabayad." I know. Kaya nga ako lumabas! Maghahanap ako ng pangbayad sa'yo! Ngunit sa halip na isatinig iyon ay luminga-linga ako sa paligid. At katulad na nang inaasahan ko ay wala akong nakita na tutulong sa sitwasyon ko at sa kahihiyan na nagbabadyang mangyari sa akin. Lalo pa nga at maraming tao sa paligid ang palakad-lakad. F*ck. "A-Ano... Ano po, Manong. Ang totoo po niyan, naiwala ko ho ang wallet ko kanina," pagsisinungaling ko. Pumalatak ito. "Naku naman, Miss. Patay tayo riyan." Kaya nga, e. Patay ako. "Saan ho ba ang bahay n'yo rito? Ba't hindi pa kayo pumasok para kumuha na lang ng pambayad? Magbibiyahe pa ho kasi ulit ako." Lumunok ako. "A-Ano ho kasi…" Kumunot ang noo nito. "Ano kasi..." Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Ano ho? Hindi ho kayo taga-rito at wala ho talaga kayong pangbayad?!" galit na tanong nito. Hindi ako makakibo. Halos manliit ako dahil sa lakas ng boses nito, maraming tao ang nasa paligid at napapatingin na ang iba sa amin. "Dapat ho ay sinabi n'yo kaagad para hindi ko na kayo isinakay. Kung alam ko lang na wala kayong pangbayad, nunca na isakay ko kayo." Lumunok ako. God! What did I do to experience this kind of thing? "Marangal ho akong nagtatrabaho para kumita para sa pamilya ko pero huwag naman ho sanang ganito. Pare-pareho ay gusto ho nating mabuhay pero hindi naman sana sa paraan na manloloko at manglalamang ng kapwa," litanya nito. Hindi ako lalong makakibo at hindi ko rin naman ito masisi sa paratang nito na nanlalamang ng tao kahit na wala naman talaga akong balak at planong ganoon. Sumagap ako ng hangin, ramdam ko ang init ng araw na tumatama sa balat ko. I just hope na sana ay panaginip na lang itong nangyayari. Kumurap ako nang unti-unti ay naramdaman ko ang biglaang panlalabo ng paningin ko. Kinusot ko ang mata ko sa pag-aakalang baka luha lamang iyon na nagpapalabo sa mata ko, pero hindi. Tagaktak ang pawis ko sa sobrang init at ramdam ko ang pagguhit niyon mula sa sentido ko pababa at dumausdos sa pisngi ko. Pinunas ko iyon gamit ang kamay ko. Nagsasalita pa si Manong pero wala na roon ang atensyon ko. Hindi sa pagiging bastos pero hindi ko na kasi naiintindihan pa ang sinasabi nito dahil sa ingay ng ugong na naririnig ko sa tenga ko at panlalabo ng mata ko. Kalaunan ay umaalon-alon na ang paningin ko sa paligid saan ko man ibaling ang mata ko. Lumunok ako at kinagat nang mariin ang labi ko. Pumikit din ako nang mariin, ngunit pagdilat ko ay wala namang nagbago. Sinubukan kong humakbang, pero isa pa lamang ang nagagawa ko ay naramdaman ko na agad ang panghihina ng tuhod ko. D*mn it. Pinilit ko pang humakbang nang isang beses pero sa pagkakataon na iyon ay nabigo ako. Bumigay na nang tuluyan ang tuhod ko. Ngunit bago pa man bumagsak ang katawan ko sa sahig ay may nakasalo na sa akin. Ikinurap ko ang mata ko para malaman kung sino iyon, pero hindi ko pa rin ito makilala at maaninag. "You owe me one," mahinang sabi nito, ngunit hindi na iyon rumehistro pa sa isip ko dahil nilamon na ng dilim ang kamalayan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD