Caia’s POV
"W-What the hell are you?"
Napapitlag ako pagkarinig sa baritonong tinig mula sa pagkakatitig sa guwapong mukha ng nilalang na nasa harapan ko ngayon, kasabay rin no'n ay napaatras ako kahit na sobra pa ang kabog ng dibdib ko sa kaba at nginig ang mga tuhod.
I'm sure nakita nito ang nangyari kaya ganito na lamang ang hitsura nito—nagtataka, namamangha at mukhang nalilito sa nasaksihan.
Katulad ko. Dahil ako rin mismo ay gano'n din ang nararamdaman.
Kitang-kita ko kanina kung gaano na kalapit sa akin kanina ang kotse nito, kaya imposible na nailiko nito ang sasakyan nang gano'n kabilis bago pa man ako masagasaan o mabundol.
Napakaimposible, kahit na sabihin pa nitong magaling itong mangarera, hindi ko kayang paniwalaan na nagawa nitong ilihis ang sasakyan sa mismong puwesto ko sa ganoon kaliit na distansiya at napaikling panahon.
Pero kung hindi nga nito nailihis, talaga bang tumagos lamang ang sasakyan sa akin?
Paano kayang nangyari 'yon?
Nag-invisible nga kaya akong bigla?
Kung gayon nga, bakit kaya ako nakikita nitong lalaki na hanggang ngayon ay namamangha pa rin na nakatingin sa akin?
Isa na ba akong multo? Kaluluwa?
Isa ba ito sa mga tao na sinasabi ng iba na may third eye?
"H-How did you do that?" sigaw nito mula sa puwesto nito na medyo malayo na sa akin, mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla.
D*mn. Nakikita nga ako nito. So, hindi ako invisible?
Pero, ano na ako? Multo na ba talaga ako?
Hindi ako kumibo kahit na narinig ko naman ang tanong nito.
Paano ko nga ba itong sasagutin gayong kahit ako ay hindi ko nga alam kung paano iyon na nangyari? Lalo na kung paano ako napunta rito?
Umabante ito ng hakbang pero umatras na naman ako. Sa bawat hakbang nito papalapit ay kusa naman akong umaatras upang makalayo.
Huminto rin ito kapagkwan bago nagbuga ng hangin na tila ba nauubusan ng pasensiya sa ginagawa namin.
Namilog na lang ang mata ko sa gulat at hindi na ako nakaatras pa palayo noong biglang nahawakan ako nito sa braso dahil sa bilis ng kilos nito at laki ng mga hakbang nito papunta sa akin.
Napalunok ako at bumaba ang tingin ko sa bandang binti nito.
Leshe, hindi naman nakakapagtaka. Ang hahaba ba naman kasi ng mga biyas nito. Ilang hakbang lang yata ang ginawa nito at hindi ko na namalayan ay nasa harap ko na ito at hawak na ako.
"F*ck. You're real," tila ba lalo lamang na namangha na sambit nito noong mahawakan ako.
Hindi na ako nakapagprotesta pa noong hinila ako nito papunta sa gilid ng highway.
Kumurap-kurap ako habang maang lang na nakatingin dito.
F*ck nga. Everything is real. Ang mga nangyayari. Dahil ramdam ko ang pagkakalapat pa rin ng mainit na palad nito sa balat ko.
So... hindi ako multo.
"Hey, are you okay? Miss? Totoo ba 'yan? Hindi fake? Arte lang?" untag nito, pagkatapos ay sinundot-sundot ang pisngi ko gamit ang isang daliri.
Gulong-gulo ang utak ko.
What the hell is really happening? Where the hell I am? How did I get here?
And f*ck. What is this guy is saying and doing?
"Hoy! Miss, magsalita ka nga. Para kang timang na nakatitig lang sa akin. Kumibo ka naman at nagmumukha na rin akong tanga kakakausap sa iyo," untag na naman nito.
Umatras ako pero hindi ito bumitaw sa pagkakahawak sa akin.
Huminto rin ako kapagkwan sa pag-atras at tinitigan ito, hindi naman na kasi ako makakalayo pa rito dahil sa mukhang wala itong balak na pakawalan ako.
Kumunot ang noo ko sa pagkakatitig dito nang may matanto.
Ngayon ko lamang napansin… he looks so familiar.
Saan ko ba ito nakita?
"Hoy! Tulog ka pa ba? Gising, uy! Doon ka dapat natutulog sa bahay n'yo, hindi dito sa gitna ng kalye," tanong at pangaral nito sa akin, hindi pa nasiyahan dahil niyugyog pa ako.
Nakaramdam tuloy ako bigla ng hilo.
F*ck.
Iwinaksi ko ang kamay nito na nakahawak sa akin dahil sa nahihilo talaga ako sa ginagawa nitong pagyugyog. Mukha kasing wala itong balak na tigilan iyon kapag hindi ako nagsalita.
"Magsalita ka, hoy! Naririnig mo ba ako?" tanong nito na balak pang hawakan ako ulit pero lumayo ako nang mabilis sa takot na yugyugin na naman ako nito.
Sinamaan ko ito ng tingin. "Oo, naririnig kita! Hindi ako bingi. At puwede ba huwag mo akong hawakan!" pasigaw na sabi ko.
Tumigil naman ang kamay nito sa pag-abot sa akin at tumayo na lamang nang tuwid. "Kamote. Akala ko pipi at bingi ka, e. Nakakapagsalita ka naman pala, dapat kanina ka pa sumagot."
Kamote?
Kumunot ang noo ko sa ekspresyon na ginamit nito at sa paraan kung paano ito magsalita.
Bigla kong naalala ang paborito kong karakter na laging ginagamit ang salitang iyon.
Pinagmasdan naman ako nitong mabuti at ginaya ko naman ito kalaunan, sinusuri namin ang isa’t-isa na parang baliw.
"Nasaktan ka ba? Nahagip ka ba ng sasakyan ko kanina?" biglang tanong at basag nito sa katahimikan.
Napakurap ako sa gulat.
Wow. Wow. Iba rin. Sa tagal nang pag-uusap at pagtititigan namin ay ngayon lamang talaga nito nagawang itanong iyon.
Nakakabilib din ang isang 'to, e.
Umiling-iling ako. "Parehong hindi ang sagot ko sa tanong mo."
Napatango-tango ito. "Good. Pero sana sa susunod ay huwag ka nang biglang susulpot na lang mula sa kung saan, tutulog-tulog... at tatanga-tanga," dugtong pa nito sa dulo, mahina lamang pero narinig ko pa rin.
Tsk. Akala ko pa naman ay nag-aalala ito sa kalagayan ko, 'yun pala ay hindi. Sa huli ay lumagapak at ininsulto pa ako.
Umigkas nang kusa ang kilay ko. "Excuse me? Ako? Tatanga-tanga?" paninigurado ko pa rin sa narinig ko.
Sa halip na itanggi o umiwas ay sinalubong pa nito nang may pagkamaangas ang tingin ko. "Yes. Unfortunately ay narinig mo pala," sagot nito na parang bale-wala lamang ang sinabi.
Napakakaswal lang at gusto ko na lang itong bigwasan bigla.
The nerve of this guy!
Ni wala kasi akong makitang bahid ng pagsisisi o pagkapahiya sa hitsura nito sa binitawan na mga salita.
Mukhang sanay na sanay itong mang-insulto.
Argh! Gwuapo nga, pero napakahambog naman!
"Sure ka na hindi ka nasaktan, ha? Baka mamaya niyan tumawag o pumunta ka pa sa opisina ko at doon ka pa manggulo."
Nanlaki ang mata ko. "Hah! Ang feeler! Bakit naman kita pupuntahan at tatawagan sa opisina ninyo? Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo. Ni hindi kita kilala. Lalong hindi kita gustong makilala pa sa hinaharap."
Tumaas ang kilay nito habang nakamasid pa rin sa akin. "Really? You don't know me? And you want me to believe that?" tila amused na tanong nito at parang matatawa na hindi ko mawari.
Umirap ako.
Akala mo kung sinong sikat at kailangan talaga sa buhay na makilala ito.
Tumikhim ito at nagseryosong muli. "Ayoko ng gulo, Miss. Kaya hangga't maaari ay ayusin na natin dito kung kailangan mo man ng pera."
Nanginig ang kilay ko at umahon ang inis lalo sa dibdib ko para rito.
Agad na ibinalik ko ang tingin dito.
What the f*ck this asshole is telling me?
Pera?
Bakit nasangkot na sa usapan ang pera?
"P-Pera?" paninigurado ko.
"Yes, pera. So... tell me, magkano ba?" tanong nito at nameywang pa habang nakatingin sa akin.
"Magkano?" naguguluhan na ulit kong muli.
Nalukot ang mukha nito bago namulsa. "Yes. Wala ka na bang ibang gagawin kundi ulitin ang mga sinasabi ko? Niloloko mo ba ako, Miss?" hambog na untag nito na parang tamad na tamad na kausapin ako.
"Paano kong hindi uulitin. E, hindi ko kasi maintindihan kung bakit nasali na ang pera sa walang kuwentang usapan na ito."
Tumawa ito nang mahina. "Huwag na tayong maglokohan dito, Miss."
"Lokohan? Hoy, hambog! Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo!" sikmat ko.
Umiling-iling ito. "Alam ko ang modus na ganito, 'yung masasagasaan kunwari o matatagis pero ang totoo ay hindi naman. Aarte na nasaktan pero pagkatapos ay manghihingi ng pera sa huli. Pero mukhang medyo iba ang modus mo dahil ang sabi mo ay hindi ka naman nasaktan, pero for sure... hihingi ka rin ng pera sa huli."
"Mukha akong pera sa paningin mo?" mangha kong tanong.
Ikiniling nito ang ulo habang pinagmamasdan ako. "Sa bibig mo na mismo nanggaling. Hindi na sa akin."
So, mukha ngang pera ang tingin nito sa akin?!
Tsk.
Akala ko ay hambog to the highest level na ito kanina. Pero mas may ihahambog pa pala ito, mas may highest level pa pala. Abot hanggang sa kailalim-laliman ng impiyerno!
"Assh*le, nagtatanong ako! Hindi 'yun statement."
Nagkibit-balikat ito. "Akala ko statement, e. Tunog gano'n kasi."
Argh. He's really getting into my nerves. Ang lakas makapang-inis!
Kaunting-kaunti na lang, ilalampaso ko na lang bigla ang pagmumukha nito sa semyentong kinatatayuan namin pareho kahit na ang gara-gara pa ng suot nito.
Ang guwapo rin sana ng mukha nito, ang kaso lang ay hindi nagre-reflect talaga sa mukha ang ganda ng kalooban ng tao. Sayang lang dahil mukhang kabilang ito roon. Pangtapon, wala kasing substance, form lang ang mayroon.
Tsk. Malaman ko lang talaga ang pangalan nito, kapag himalang bumalik na ulit kahit papaano ang passion ko sa pagsulat ay gugutay-gutayin ko talaga roon ang pagkatao nito. Humanda ito sa akin!
"Kamote. Speak up! Nasasayang ang oras ko sa iyo, Miss. Late na ako sa meeting ko. Magkano na? Sabihin mo na ang presyo para hindi na tayo parehong masayang pa ang oras dito," naiinip na tanong nito habang nakatingin sa relong suot.
Kung masama na kanina pa ang hilatsa ng mukha ko ay mas lumala pa iyon ngayon.
Naikuyom ko rin tuloy ang kamao ko sa nararamdamang inis.
Kung makatanong ito ay parang kaya nitong bilihin ang buo kong pagkatao sa murang halaga.
Ang sarap din nitong murahin, ‘yung sobrang lutong! Pero alam kong hindi sasapat iyon upang maibsan ang nadarama kong pagkaasar.
"Hoy, Mister! Sino ba kasi ang nagsabi na bumaba ka pa ng sasakyan mo, mag-stay at lapitan ako rito, ha?"
Tinignan ako nitong muli na tila ba tamad na tamad sa buhay at walang kainte-interes na kausapin ako.
Hah! Akala naman nito ay gusto ko itong kausap. Hambog talaga!
"Kamote naman. Muntik na kitang masagasaan, Miss. Kaya paanong hindi kita lalapitan? Malamang ay aalamin ko kung maayos ka ba o nasaktan. Responsibilidad ko 'yon."
Napakaplastik nito.
Ang totoo ay hindi naman nito inaalala ang kapakanan ko. Ang laman lamang ng isipan nito ay may modus ako, tatanga-tanga at mukhang pera!
"Gano'n? Responsibilidad my ass. Utang na loob ko pa sa'yo 'yon? E, kung tutuusin ay kanina ko pa napapansin at naririnig na iniinsulto mo ako sa halip na manghingi ka kahit papaano ng pasensiya sa akin."
Nagbuga ito ng hangin. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Kung hindi ka ba naman kasi tatanga-tanga at tutulog-tulog, e. Hindi sana tayo naaabala pareho nang ganito. Badtrip," inis na ang tinig na sabi nito.
Aba't! Napakawalanghiya talaga nito! Ako pa ang sinisi. At ininsulto na naman ako! Ito pa talaga ang may gana at may kakayahang mainis at magmataas sa pagitan namin, gayong sa aming dalawa ay kanina pa puro pang-iinsulto at walang magandang lumalabas sa bibig nito patungkol sa akin.
Kung makasisi naman ito sa akin ay wagas, hindi nito alam ay ni wala nga rin akong kamalay-malay kung bakit at paano ba ako napunta sa lugar na ito.
"Hoy! Kung tanga ako. Tanga ka rin. At para sabihin ko sa'yo, hindi ko kailangan ang pera mo! Hindi ko gusto ang nangyari at lalong hindi ko gusto at pinangarap na magtagpo ang landas nating dalawa!" maanghang na balik ko, gustong-gusto nang maghurumentado.
"Really?" tunog hindi naniniwala ang tinig na tanong nito.
"Really!" gigil kong sagot at tinalikuran na ito.
Mabilis ang lakad na ginawa ko upang makalayo lamang rito at baka kung ano pa ang magawa ko rito dahil sa napakabwiset na bibig nito.
"Hoy, Miss! Siguraduhin mo lang na hindi ka pupunta sa opisina, ha? By the way, ang galing ng stunt mo kanina. Napabilib mo ako ro'n."
Stunt?
Hambog!
Sa halip na lingunin ay itinaas ko ang gitnang daliri ko patungkol dito at nagpatuloy sa paglalakad kahit na hindi alam ang daan na tatahakin ko upang makauwi.