Caia’s POV Pagkarating ko sa palapag kung nasaan ang opisina ni Azul ay tumuloy ako sa mesa ni Camilla, ang executive assistant nito at dumukdok doon. "Good morning, Ma'am," magiliw na bati nito sa akin. "Good morning din," ganting pagbati ko na kapos sa sigla ang tinig. "Ba't 'di pa po kayo pumapasok sa loob, Ma’am?” may pagtatakang tanong sa akin nito. “Dito na lang muna ako…” “Hinahanap po kayo ni Sir kanina bago kayo dumating. Mukhang mainit ang ulo," pagbibigay alam nito sa akin. "Hayaan mo siya. May toyo talaga ‘yun," walang pake kong tugon. Ano naman kung mainit ang ulo nito? Huwag ako nitong paandaran ngayon, ganitong masakit ang ulo ko. Narinig ko ang pagtawa ni Camilla nang naaaliw. "Pareho pa yata kayong wala sa mood, Ma'am. Puyat ba kayo pareho at hindi naging magand

