Caia's POV Tama nga ang naging sapantaha ko kanina, lumala ang pakiramdam namin pareho ni Azul. Nagtuloy na sa sinat ang iniinda ko kaninang sakit lamang ng ulo at si Azul naman, ayun... may toyo pa rin, puwede na ngang gamitin sa adobo o kaya ay gawing sawsawan. Sadly ay hindi nangyari ang hiling ni Manong Rolly na bago kami umuwi ay maayos na ang mood nito. Mas lumala pa nga... kaya nga nanatili na lang tuloy ako sa puwesto ko sa harapan ni Camilla, sa labas lamang ng opisina nito. Dahil sa toyo nito ay hindi ako nito inutusan ng kahit na ano na nakakapanibago at hindi na rin ako nito hinanap pang muli kay Camilla. Pati nga ang pagkain nito na madalas na inuutos sa akin at pati na ang pagsasabay namin sa tanghalian at meryenda ay hindi nangyari nang araw na iyon. Si Camilla ang pina

