Caia’s POV Pilit na nilibang ko na lamang ang sarili ko upang hindi ko na maramdaman pa ang sakit ng ulo ko. Itinuon ko ang mata ko sa mga taong naroon. Ang sasaya at halatang nag-e-enjoy ang mga ito, base sa nakikita ko. Kabaligtaran ng nararamdaman ko. Hindi ko makuhang ma-appreciate ang gabi, hindi ko talaga kasi tipong puntahan ang mga ganitong lugar, hindi ako napa-fascinate... kahit pa nga sa totoong mundo mismo at kahit na gaano pa ito kauso sa mga kabataan sa ngayon ay hindi ko talaga pinantasyang puntahan ang ganitong lugar noong kabataan ko. Siguro ay dahil iyon sa wala rin naman akong makakasamang mag-enjoy sa ganitong lugar, walang kaibigan na magyayaya sa akin upang magkaroon kami ng kaunting kasiyahan at bonding... isa pa, I'm not that typical kind of child back then... a

