Chapter 16

2089 Words
Caia’s POV Ipinagpatuloy ko ang pananahimik, hindi ko kasi alam kung paano ko bang sasagutin ang tanong nito. Pero hindi ba dapat ang mga ito ang tanungin ko at usisain tungkol sa pangalan na gamit ng mga ito? Ako kasi, hindi ko talaga kilala ang mga ito. Pero 'yung pangalan na ginagamit ng mga ito ay sobrang kilala ko pareho, dahil ako ang nakaisip ng mga iyon, kaya technically ay pag-aari ko ang mga iyon, since bahagi ang mga ito ng akda ko. "Saan mo nakuha at nalaman ang tungkol sa buong pangalan ni Rashiel?" untag sa akin ni Doc. E, kayo kaya? Bakit trip ninyong gamitin ang buong pangalan ng mga karakter ko? Ano kayo role player? Trip na trip mag-portray? Ni hindi man lang nagpaalam ang mga ito sa akin kung iniro-role play man ng mga ito sina Wallaceter at Azul. Credits ba kumbaga sa kung ano mang palabas sa buhay ang ginagawa ng mga ito na idinadamay pati ang pangalan ng mga likha ko. Nanatili akong tahimik habang nakatitig dito. "Hey… tinatanong kita, Caia. Paano mong nalaman 'yon, gayong pili lang at ang malalapit lang kay Rashiel ang nakakaalam niyon?” Ikinurap-kurap ko ang mata ko. Sh*t na ‘yan. Pati ba naman ang scenario na iyon sa kuwento tungkol sa pangalan nung paborito kong karakter ay talagang kinuha at ginaya rin ng mga ito? “At paano mo nakilala si Aletha? Kaibigan ka ba niya? Siya ba ang nagsabi sa iyo ng tungkol sa pangalan ni Rashiel?" Gustong malito ng utak ko sa tanong nito dahil sa mga pangalan na binabanggit nito kanina pa, nakakahilo kasi kung ang tinutukoy ba nito ay ang mga karakter ko, malamang talaga ay alam ko at kilala ko ang lahat ng mga iyon dahil ako mismo ang nagbigay buhay sa mga ito sa librong isinusulat ko. Ako ang bumuo sa pagkatao ng mga ito gamit ang imahinasyon ko, mula sa maliit na detalye hanggang sa malaki. Hindi ko kailangang magtanong sa iba upang malaman ko ang mga bagay. "Caia?" untag nito sa akin na sobrang seryoso hindi lang ang tinig kundi pati na ang ekspresyon sa mukha nito. Seryoso ba talaga itong pinag-uusapan namin? Seryoso ba talaga ito? O baka naman pina-prank lang ako ng mga ito? Pinagti-trip-an? Alam ba ng mga ito na ako ang manunulat sa likod ng mga pangalan na gamit ng mga ito? "You're just joking, right?" tanong ko na hinaluan ko pa ng tawa. Sa halip na matawa rin ay kumunot muli ang noo nito at umiling. "I'm serious here, I’m not joking." Sa halip na maniwala sa sinasabi nito ay tumawa ako nang malakas. D*mn. Ang galing kasi nitong umarte. Tapos, ngayon ko lang napansin na pati ang hitsura ng mga ito ay lagpas pa sa pasado kung ipo-portray ng dalawang ito sina Azul at Wallaceter, bagay na bagay. Ngayon ko lang napagtanto na kung ano kasi ang deskripsyon na isinulat ko sa kuwento ay iyon na iyon nga ang nakikita ko sa mga ito. Nakaka-amaze tuloy. "Hey! Why are you laughing? Seryoso akong nagtatanong dito," reklamo nito. Tumigil naman na ako sa pagtawa kapagkwan at pinunasan ang basa sa gilid ng mata ko sa tindi nang pagtawa na ginawa ko. When was the last time that I laughed like that? Sh*t. Hindi ko na matandaan pa. Ang sarap tumawa nang gano’n, parang gumaan ang pakiramdam ko. Tinignan ko ang seryoso pa ring mukha ni Doc. Ang galing talaga nito. Iba ring mag-trip, e. At talagang ang mga karakter ko pa ang natipuhang gayahin. Gayong mukhang sa hitsura ng mga ito ay hindi gagawin ng dalawang ito ang mag-role play o ang mag-portray, halata kasing galing ang mga ito sa marangyang pamilya, pati na rin sa nakikita ko sa mga bagay-bagay dito sa loob ng kuwarto, pati na sa kilos at pananalita ng mga ito. Isama pa iyong pagkakakita ko sa gusali na sinasabing pag-aari raw ni Azul. Na kung totoo nga ay hindi na rin nakakapagtaka na naroon nga at nakabalandra ang pagmumukha nito sa billboard na nakita ko noong nakasakay ako sa taxi noong nakaraan. "Sorry. I just can't help it. But, thank you. In fairness, ngayon lang ulit ako nakatawa nang gano'n." Patuloy lamang ako nitong pinagmasdan, seryoso pa rin. Ikiniling ko ang ulo ko at sumeryoso na rin. "Can you cut the crap now? I know na umaarte ka lang… rather, kayong dalawa pala." "Huh?" "I mean, kayang-kaya mong mag-portray para sa lead role. The best ka, actually... kayong dalawa, pati na 'yung pagiging mabait mo at kasamaan naman ng tabas ng dila no'ng kaibigan mo. Puwedeng-puwede kang mag-portray bilang hero at villain naman ‘yung isa. Masyado ninyong ginalingan, napabilib at napahanga ninyo tuloy ako.” "What are you saying?" naguguluhan ang hitsura na tanong nito. Ngumiti ako. "What I'm saying is... puwede mo nang tigilan ang pag-acting.” “Huh? Pero hindi naman ako uma-acting,” tanggi nito. Hala siya. Mukhang trip na trip nito na maging si Wallaceter talaga in real life. Pero in fairness, nakakatuwa lang, masyado naman kasi nitong minahal ang karakter ni Wallaceter at siyempre sobrang appreciated ko iyon. And with that, naisip ko tuloy na bigyan ito ng munting sorpresa, kahit na mukhang hindi ito aware kung sino ba ako. “Do you know MissHoodie? May kopya ka ba ng ibang libro niya na nai-publish na?" sa halip ay tanong ko. Umiling ito. “I don’t know her.” “Come on, huwag ka nang mahiya. Kung may kopya man kayo ng ibang libro niya, ipahiram mo sa akin saglit and give me a pen,” turan ko habang nakalahad ang kamay ko. Napatingin naman ito roon. "Book? Wala akong dalang libro." Binawi ko na ang kamay ko. "Sayang naman pala." Bahagya itong natawa, "And why would I bring such thing here?" Sa halip na intindihin ang sinasabi nito ay tinitigan ko ito at kalaunan ay inilapit ko ang mukha ko rito. Is he really for real? Grabe, sobrang kinis kasi ng mukha nito at ang guwapo talaga. Bagay na bagay na mag-portray sa lead character ko sa kuwento. Hindi ko na tuloy napigilan na sundutin ang pisngi nito. "Totoo ka nga talaga," hindi napigilang sambit ko. Hinawakan nitong bigla ang kamay ko at ibinaba iyon nang marahan pagkatapos ay lumayo nang bahagya. Hala, natakot ba ito sa akin? "What do you think you're doing?" Napangiti ako habang nakatitig dito, lalo na noong may naisip bigla… na kung paano kaya kung magkaroon din ng movie adaptation ang kuwento nina Wallaceter? Napapitik ako sa hangin at humagikgik. D*mn. Ang saya siguro no’n. Tila weird na weird na nakatingin naman sa akin ang kaharap ko pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. "If ever na may mag-offer o kuhanin ang kuwento ko para isalin sa movie o kahit na TV series, pwede ba na ikaw na lang at ang kaibigan mo ang gumanap?" biglang tanong ko rito, nangangarap. Umawang ang labi nito. "Bagay na bagay kasi sa inyo ang role, e. Kumbaga sa mga animé na napapanuod ko na galing sa mga manga, may live action din. Ang astig siguro," nae-excite kong sabi. "Writer ka?" Natigilan ako. Hello? Ako kaya ang sumulat sa ginagaya ninyo. "So, you're a writer," konklusiyon nito kahit na kanina ko pa nga ipinapangalandakan iyon dito na hindi ko naman talaga gawain at nakasanayan. "Yeah," pag-amin ko. Ito ang unang pagkakataon na may pinag-aminan ako na isa akong manunulat, kadalasan kasi ay itinatago ko iyon at surprisingly, ang sarap pala sa pakiramdam. "Nice. Pero ano ang kinalaman namin sa pagpo-portray na sinasabi mo? Hindi naman kami artista at lalong hindi marunong umarte. I don't get you." Sobra naman itong magmahal ng karakter. Kanina ko pa gets na umaarte lang ito pero talagang pinangatawanan na talaga nito ang paggaya kay Wallaceter all the way. Sasagot sana ako pero natigilan ako nang biglang bumalik si Rashiel, sumandal ito sa pinto at humalukipkip habang nakatingin sa kausap ko. "Hindi ka pa ba aalis, Doc?" putol nito sa pag-uusap namin. Nakuha naman nito hindi lang ang atensiyon ko kundi pati ni Doc noong pumasok na ito nang tuluyan muli sa kuwarto. Kahit na nakakainis ang tabas ng dila nito ay hindi ko mapigilang humanga sa pisikal na anyo nito at sa paraan kung paano nito dalahin ang sarili. Iba ang dating ng presensiya nito kumpara kay Doc, mabigat at tila ba nakaka-pressure ang pakiramdam, pero 'yung kay Doc ay feeling at ease lang, magaan kahit pa na ngayon ko lamang ito nakasama at nakilala. Bukod sa mabigat at nakaka-pressure, 'yung tipo kasi ni Rashiel, ito ‘yung parang hindi puwede na hindi mo pansinin o deadmahin na lang, tila ba laging nagde-demand ng atensiyon at hindi puwede na basta na lamang balewalain. "Hindi ka pa ba hinahanap sa ospital?" tanong pa nito bago umupo sa sofa na kinauupuan ng mga ito kanina. Nakita ko sa peripheral ang pagbaling muli ng tingin sa akin ni Doc. "Y-Yeah. Baka may mga pasyente na nga akong naghihintay. I should go," parang napipilitan na sambit nito. "Then go." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga ito. "Yeah. Mauna na ako, Caia. I'll drop by to check on your condition, okay?" sabi nito sa akin. Tatango sana ako at ngingiti rito ngunit narinig ko ang marahas na pagbuga ng hangin ni Rashiel, na sobrang isinabuhay na rin ang pagpo-portray sa katauhan ni Azul pati na ang kasamaan ng ugali. Dito na tuloy natuon ang mata ko. "Hindi na kailangan. I'll take care of her. Or if ever na kailangan namin ng assistance sa kondisyon ni Caia, kahit magpadala ka na lang ng ibang doktor dito. Hindi na kailangan na ikaw pa ang personal na mag-asikaso sa kanya." So... doktor nga talaga ito? Hindi joke? Hindi kasama sa acting? Script? Umawang ang labi ko. Are they really serious? Kumurap-kurap ako at nagpalipat-lipat ang tingin sa mga ito. Argh. Kailan ba titigil ang mga ito sa ginagawang paggaya kina Azul at Wallaceter? "Then, bibisitahin ko na lang siya rito.” “Bakit mo pa kailangang bisitahin?” gulat na tanong ni Rashiel. “I’ll visit her as a friend." "She is not your friend. And you know that very well." Are they fighting? Huminga nang malalim si Doc. “Okay. Pero babalikan ko siya, dahil hindi pa siya nakakapag-decide kung saan ba muna siya manunuluyan after matanggal ng dextrose niya.” "I’ll let her stay here for as long as she wants. Just f**k off and mind your own business, Wallaceter," matigas at madiin na sabi ni Rashiel. Napakurap-kurap na lang ako dahil sa takbo ng pag-uusap ng mga ito. Pati na rin sa pagbanggit ni Rashiel sa pangalan ni Wallaceter. Kinilabutan ako, lalo pa at alam na alam ko na sa kuwento kong ginawa ko ay madalang na banggitin ni Azul ang pangalan ni Wallaceter dahil sa pagkasira ng samahan ng mga ito, kapag iritado ito o galit lamang nasasambit nito ang pangalan ng dating kaibigan, katulad na lang nang nakikita ko ngayon. Pero umaarte pa rin ba ang mga ito? "Trabahuhin at ilaan mo na lang ang oras mo sa mga nangangailangan niyan, sa mga may sakit o kaya ay sa girlfriend mo. Ako na ang bahala kay Caia." "There are things that I still need to discuss with her," giit ni Doc. Tinaasan ito ng kilay ni Rashiel. "So?" "I need to see her, Rashiel. I need to know some things..." Tumiim ang bagang ni Rashiel, "Is that so? Some things? Ano ba iyon? Bakit hindi mo na lang ngayon tanungin para hindi ka na bumalik pa rito?" Huminga muli nang malalim si Doc bago bumaling sa akin, ngumiti ito nang bahagya pagkatapos ay magaang tinapik ang ibabaw ng ulo ko. "Mauna na ako. I'll see you when I got the chance, Caia. By the way, do call me if you need anything or kung gusto mong sa bahay ko muna ikaw tumuloy," paalam nito ngunit bago umalis ay may calling card na hinugot sa bulsa at inilagay sa mismong kamay ko. “O-Okay,” tugon ko bago mabilis na inilagay ang calling card na ibinigay nito sa bulsa ng suot kong damit pang-ibaba. Nasundan ko na lamang ito ng tingin noong lumabas na ito at hindi na nagpaalam pa sa kasama namin sa kuwarto na halatang nakapagpa-badtrip dito at nakapagpabago sa magaan na aura at mood nito kanina. Hindi ko naman ito masisisi. Sino ba naman kasi ang hindi maba-badtrip talaga sa katulad ni Rashiel? Nakakainit ito ng bumbunan. "Masaya ka na niyan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD