Chapter 17

2384 Words
Caia’s POV Masama ang naringgan kong tono sa tanong na iyon sa akin ni Rashiel noong kaming dalawa na lamang ang natira sa kuwarto. Napakurap ako dahil doon at nalipat ang tingin dito. "Masaya? Why would I be happy?" nagtatakang tanong ko naman. Gusto ko ngang mahawa sa pagkawala ng mood ni Doc dahil umalis na ito, tapos ito pang nakakawala ng mood ang natirang kasama ko. Hindi sa wala akong utang na loob, of course, tinatanaw kong utang na loob ang ginawang pagtulong sa akin ni Rashiel, kaso lang, sa halip na bumuting lalo ang kondisyon ko ay baka lumala pa dahil sa pagka-stress dito. Nasampolan na ako kung gaano kasama ang tabas ng dila nito noong una kaming nagkita, kanina rin noong nagising ako, tapos pati nga si Doc ay hindi rin nakaligtas bago umalis. "You keep on denying it. But, your action speaks for yourself." Ano raw? Ano na naman ba ang ginawa ko? Hindi ba at nakatulog nga raw ako ng tatlong araw ayon na rin sa narinig ko mula rito? Ano naman ang maaaring ginawa ko na ikinagagalit na naman nito habang natutulog ako? "Bilib din ako sa'yo, e. Kakaiba ka," puno nang sarkasmo na turan nito. Teka nga... bakit ba tila galit na galit ito sa akin? Pagkatapos kay Doc ay ako naman ang pinagbubuntunan nito ng galit nito. "Nakuha mo ang atensyon ko noong una tapos ngayon pati no'ng lalaking 'yon? Kakaiba ka talaga." Kumurap ako. Nakuha ang atensyon ng mga ito? What does he mean by that? Sa tono kasi nito ay wala akong nahimigan na tuwa sa tinig nito. "At sa nakikita ko? Alam ko na at naiintindihan ko na ngayon kung bakit ayaw mong tanggapin ang pera na inaalok ko noong una tayong nagkita kahit na ikaw pa ang pinagpepresyo ko." Kumunot ang noo ko. Usapang pera na naman? Babalik na naman ba kami roon? Akala ko ay tapos na ang usaping iyon noong tinanggihan ko iyon? Jusko, ano ba ang mayroon dito at bakit tila ba hirap na hirap itong maka-move on? "Dahil sa may mas malaking halaga kang gustong makuha. Puwede kang mamili sa aming dalawa na maaari mong maging target para akitin, hindi ba? Kumpara kasi sa ibinibigay ko ay barya lamang iyon sa maaari mong makuha kapag naakit ang kahit na sino man sa amin." Aakitin ko ang mga ito para sa pera? Wow ha, ni hindi pumasok sa utak ko na gawin iyon kahit na ba sabihin pang guwapo pareho at galing sa marangyang pamilya ang pinanggalingan nito at ni Doc. Pero ito? Gosh, ang taba ng mga ugat sa utak nito para maisip iyon, puwede na itong maging writer dahil sa makulay na imahinasyon na taglay nito. Nakakainggit. Ako kasi, ayaw gumana ng imahinasyon ko para makagawa ng kuwento. "Plano mo talaga na mapalapit sa amin, right? Hindi ko alam kung paano mo kaming nakilala, pero sorry ka na lang. To tell you honestly, wala kang mapapala sa akin at lalo na sa isang 'yon." "Mapapala?" gagad ko sa sinabi nito, hindi ako makahagilap ng iba pang salita dahil sa nag-uumpisa nang kumulo ang dugo ko. Hindi ko kasi alam kung nasisiraan na ba ito ng ulo. Hindi ko nga ito kilala tapos kung ano-ano na agad ang ipinaparatang sa akin. "You're not my type, Caia. At off-limits naman ang lalaking kausap mo kanina. Hindi na available 'yon. Tigilan mo ang pagpapantasya na makukuha mo ang kahit na isa man sa amin." Kumibot-kibot ang kilay ko. D*mn. Sobrang kapal naman ng pagmumukha nito! "Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasasabi mo, pero wala akong pake kung hindi mo ako type dahil hindi naman din kita lalo type," sa wakas ay naisagot ko sa mga maaanghang na salitang kanina ko pa tinatanggap kahit na hindi ko naman deserve ang mga iyon. Tinanggal nito ang pagkakapamulsa ng kamay habang nakaupo, bago tumayo at naglakad papalapit sa akin. Napalunok ako ng laway bigla at nakaramdam bigla ng kaba habang umiigsi ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Hindi ko mapigilan na panuorin ito habang naglalakad. Sh*t. Bakit ang yabang nitong maglakad… tapos... tapos... ang astig tignan at ang sarap panuorin? "Really?" tanong nito at lumapit nang husto sa akin. Lalo akong napatitig dito noong umuklo ito upang ipantay ang mukha sa akin. Walang imik na nakipaglaban ito ng titigan sa akin, parang binabasa ang saloobin ko. Pasimple naman akong muli na lumunok. "R-Really," sagot ko na iningatan ang tinig upang hindi pumiyok at manginig. Tumaas ang gilid ng labi nito pati na ang isang kilay, "That's good to hear." Hah! Ang yabang. Akala yata nito lahat ng babae ay maglalaway rito porke guwapo ito, magaling magdamit, mukhang mayaman pero hanep naman sa kasamaan ng tabas ng dila pati pag-uugali! Tumuwid ito ng tayo habang nakababa pa rin ang tingin sa akin. Kahit na medyo malayo na ito sa akin ay ramdam ko pa rin ang kaba ko. Kaba na iba sa pakiramdam, sa ibang paraan… na ngayon ko lang yata naramdaman at hindi ko kayang ipaliwanag, gayong nag-uusap lang naman kami nitong kaharap ko. Namulsa itong muli at ikiniling ang ulo. Walang kurap na nakatingala ako rito at gayon naman din ito na nakatunghay sa mukha ko. "Uulitin ko, off-limits na 'yung kausap mo kanina." Ang kulit, jusko. Gusto tuloy umikot ng mata ko sa inis. "So?" Bigla itong sumimangot, "Anong so?" Kahit na mayroon pang mumunting kaba sa dibdib ko ay pilit na matapang ko itong tinitigan. "Wala akong pake kahit na off-limits si Doc." Wala naman talaga akong pake kahit na sino man sa kanilang dalawa ang off-limits o hindi. Nanlalaki ang mata na napatitig ito sa akin. "At itutuloy mo pa talaga na bingwitin ang lalaking 'yon? I'm warning you, Caia!" mataas ang boses na banta nito. Sira talaga ang ulo. Mukha bang isda si Doc? Ang pogi-pogi nun, e. Ikinunot ko ang noo ko. "Anong bibingwitin? Sino ang nagsabi na may balak akong gawin iyon?" "Kakasabi mo lang. Ang sabi mo ay wala kang pake kung off-limits man siya." Napabuga ako ng hangin. "’Yun nga ang sinabi ko, wala akong pake." "Caia!" inis na banggit nito sa pangalan ko. Jusko, ano ba ang ipinagsisintir nito? "What?" "I am warning you. Ayokong masaktan si Aletha," madiin na sabi nito. Natigilan akong bigla. Bakit nadawit na sa usapan si Aletha? Ang babaeng lead character sa kuwento ko na parehong gusto nina Azul at Wallaceter? Huwag mong sabihing pati ang scenario kung saan nagpaubaya ito ay kasama rin sa trip na pag-acting nito? "Nag-give way na ako para sa dalawang iyon dahil gusto kong maging masaya na si Aletha. So, please... huwag ka sanang gumawa ng ano mang hakbang at dahilan para masira ang sakripisyong ginawa ko," dagdag na sabi nito na mismong ‘yung scenario nga na naiisip ko. Jusko, sinasabi ko na nga ba. Naiikot ko tuloy ang mata ko. "Hoy, kamote. Bakit ang drama mo? Feeling-ero 'to. Hindi bagay sa iyo na magpaka-noble. Para sabihin ko sa iyo, mas bagay sa iyo na masama ang ugali at tabas ng dila mo. Mas bagay sa iyo ang mga iyon dahil walang ka-effort-effort ka ngang maging si Azul, e," basag ko sa trip nito. Gulat ang hitsura na natitigan ako nito, "So, alam mo nga talaga. How did you know my full first name?" ulit nito sa tanong ni Doc na sobrang daling sagutin. Kailan ba matatapos ang pag-acting nito? Ngumiti ako at napailing-iling. "Stop smiling. Walang nakakatawa at tinatanong kita!" Pilit na pinaseryoso ko ang mukha ko at tumikhim muna bago sumagot. "Of course, alam ko iyon. Hello? Parang napaka-big deal naman. But, will you please stop and quit acting now? ‘Di na nakakatuwa, over na at nakakaumay," pakiusap ko. Naguguluhan ang tingin na ipinukol nito sa akin. Ang weird pareho nito at ni Doc, ang guguwapo kaso ay may mga sayad nga lang yata. Sumobra naman na kasi ang pagiging fan, kung fan nga talaga ang mga ito nung dalawang karakter na pilit na pino-portray ng mga ito. Hindi lang ipino-portray dahil sa totoo lang ay mukhang isinabuhay na talaga ng mga ito ang lahat ng katangian nina Azul at Wallaceter, inangkin na pati ang pagkatao. "Baliw ka ba? Ano ang pinagsasasabi mo? Dadalhin na ba kita sa mental hospital? Kamote naman." Ako pa ngayon ang baliw? "Cut the crap. Please lang, kayong dalawa ang nagmumukhang baliw sa paningin ko dahil sa mga pinaggagagawa ninyo." Gulat na naituro nitong bigla ang sarili. Iniikot ko naman ang mata ko. "Sino pa nga ba? Isa ka ro'n at 'yung isa naman ay 'yung umalis," pagkumpirma ko sa tanong na hindi nito maisatinig. Tumawa ito nang pagak. "What the f*ck are you saying?" Kailangan ko na bang aminin kung sino ako para lang matigil na ito? Nakakapagod na kasi. Nagbuga ako ng hangin. "Alright, aaminin ko na… ako 'yung w-writ—" Hindi ko na maituloy pang tapusin ang sinasabi ko dahil sa bigla akong kinapos sa paghinga sa hindi ko malaman na dahilan. Tinignan ko ang lalaking kaharap ko upang manghingi sana ng tulong pero tila naestatwa naman ito sa kinatatayuan habang nakatingin sa akin. Sinubukan kong itaas ang isang kamay ko upang sapuhin ang tapat ng dibdib ko dahil sa pagguhit ng kirot doon, ngunit bago pa man lumapat ang kamay ko ay tila ba may puwersa nang humihigop sa akin… hindi lamang sa hininga ko kundi pati na sa buo kong sistema at buong katawan ko. Napapikit ako nang mariin dahil sa pakiramdam na parang mauubos na ang hangin ko at ang pakiramdam na parang mahuhulog ako mula sa mataas na lugar. "C-Caia! What the hell is happening?!" rinig kong sigaw ni Rashiel ngunit hindi ko magawang dumilat dahil sa kakaibang pakiramdam na lumulukob sa akin. Iminulat ko lamang ang mata ko noong maibsan na ang nararamdaman ko pero sa halip na ang lalaking kausap ko ang makita ko ay wala akong dinatnang tao na kasama ko. Iniikot ko ang mata ko sa paligid at napagtanto ko na nasa sarili ko na akong kuwarto at sa kama ko na mismo ako nakaupo. What the f*ck was that? Nag-teleport ako? O nababaliw na ako? What the hell just had happened? May kausap lang ako, ngunit nasaan na ito? Luminga-linga ako pero wala talaga akong makita na kahit na sino sa kuwarto ko. Napapitlag ako noong nag-vibrate nang sunod-sunod ang telepono ko na nakababa sa bedside table. Naikurap-kurap ko muna ang mga mata ko bago iyon dinampot. Ngunit kaagad na umawang ang labi ko dahil sa mga notifications na naroon para sa kuwento na sa pagkakaalala ko ay hindi ko pa naipa-publish ang chapter na naisulat ko na nga ngunit nakatengga lang sa draft dahil hindi pa ako kuntento sa mga salitang nabuo ko— ang kuwento ni Azul. May glitch ba ang application kaya nag-upload mag-isa? Binuksan ko ang chapter na na-publish bago burahin sana pero sumabog ang kaba sa dibdib ko at halos maihagis ko sa sahig ang teleponong hawak ko noong makita ko mga salitang nakasulat, iba sa mga natatandaang isinulat ko ang mga eksenang naroon... eksena at dialogues na sobrang pamilyar sa akin na nagpatindig ng mga balahibo ko. Naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko habang patuloy sa pag-scroll upang basahin ang iba pang nakasulat. Halos manlaki ang ulo ko at masuka sa nararamdaman na kaba, lalo na noong makarating ako sa parte na nakasulat ang pangalan ko... kung saan ay nagpakilala ako sa dalawang taong kausap ko, pati na ang huling parte kung saan natapos ang chapter. Naisapo ko ang kamay ko sa noo ko. D*mn it. This is not true, right? But, why does it seem so real? Bakit nasama ang pangalan ko sa kuwento. Napalunok ako nang maalala ko ang dalawang taong kausap ko kanina lang. Umiling-iling ako. Hindi maaari. Hindi maaari na napunta ako sa loob mismo ng kuwento. Hindi totoo ang mga nangyari. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Kathang-isip ko lamang ang dalawang lalaking pilit na pino-portray sina Azul at Wallaceter. Imahinasyon ko lang iyon. Hindi iyon totoo. Huminga ako nang malalim para makalma ang isip at nararamdaman ko. Oo, hindi totoo 'yun. Hindi talaga. Paanong mangyayari 'yun? E, sa pahina lamang ng mga libro nakaukit ang pagkatao ng mga ito? Lumunok ako nang sunod-sunod. Oo, gano'n nga, Caia. O 'di kaya ay maaaring nakatulog lamang ako kanina, tapos ay napanaginipan ko ang mga ito. Lumunok akong muli, pilit na binibigyan ng ekplanasyon at kinukumbinsi ang sarili ko sa mga nangyayari. Pero... pero 'yung naka-publish na chapter? Paano iyon? Ano ang paliwanag doon? Sino ang gumawa niyon? Sino ang nakielam sa telepono ko? At bakit saktong-sakto naman ang mga naroon sa eksenang natatandaan ko na nangyari rin sa akin? D*mn it. Nababaliw na nga yata ako. Ibinaba ko ang teleponong hawak ko at napatingin ako sa damit kong suot. Bumalik muli ang kaba ko noong makita na iyon din ang damit na natatandaan kong suot ko noong naghilamos ako at nagpunta sa CR kanina. Nanlaki ang mata ko at napamura ako sa isip ko noong ma-realize na hindi iyon sa akin at wala akong ganitong damit. Kinakabahan na bumaba kalaunan ang mata ko papunta naman sa gawing kamay ko. Naguguluhan na napakunot ang noo ko noong unti-unti ay nakita kong parang nabubura ang palatandaan sa balat ko na may nakatusok na karayom doon kanina lang. Hala, bakit nawala? Paanong nangyari iyon? Namalikmata ba ako? O magic? Ikinurap at idinalat ko ang mata ko upang makasigurado, ngunit ilang beses ko nang ginawa ay wala na talaga ang marka. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o matatakot. Ano bang kababalaghan ang nangyayari? Hindi ko na alam ang iisipin ko, litong-lito na ako sa mga bagay. Ilang beses akong huminga nang malalim upang makalma pero hindi ko magawa habang nakatuon pa rin ang mata ko sa kamay ko. Biglang pumasok sa isip ko ang calling card na ibinulsa ko. Mabilis na kinapa ko ang bulsa ko at ganoon na lamang ang paggulo lalo ng isip ko noong may mahawakan akong hindi pangkaraniwang papel. Lumunok muna ako bago hawakan iyon nang buo. Pigil ang hininga na dahan-dahan kong tinignan iyon noong lubusan ko nang mailabas. Gustong malaglag ng mata at panga ko sa pagkamangha noong mabasa ko ang nakasulat doon. Dr. Wallaceter De Gracia +639xxxxxxxxxx +639xxxxxxxxxx
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD